Kabanata 25

17.7K 388 28
                                    

Kabanata 25

Won't regret

"Good morning."

Gusto kong pumikit na lang sa narinig kong boses. Pero sino pa ba ako para ayawan 'yong mukhang makikita ko umagang-umaga?

I half-open my eyes and speak, "Morning." Hindi ko maiwasang ngumiti pagkatapos kong magsalita. Napakagat na lang ako ng labi sa pagpipigil ng sobrang kasiyahan.

God...Aly.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at nakatayo naman si Gideon. Pero ang kinalaki ng mata ko ay, he's still in his white shirt and sweatpants. Napalunok ako. Hindi ko na ininda 'yong gulo ng buhok ko o kung ano man meron sa mukha ko at tiningala ko na lang si Gideon. Ngumuso naman ito.

Damn.

"Ready for breakfast?" aniya.

"You cooked?"

He nods. I blink.

"Really?"

"Ayaw mo? You don't want me to cook for our breakfast, hah, baby?"

Napaawang ako ng bibig. Teka nga! Teka! Kung panaginip lang 'to, h'wag niyo na akong gisingin pa. Kung panaginip lang 'to, please. Gusto ko nandito lang si Gideon sa tabi ko. Gusto ko dito lang siya.

"Syempre gusto!"

Mabuti na lang naagapan ko ang pagkatulala ko sa pagtitig sa kanya at nakatayo ako papalapit sa kanya. Kumapit agad ako sa braso niya at hinatak siya papalabas ng kwarto. Hindi na niya nagawang magsalita at sumunod na lang siya sa hatak ko.

Hindi talaga mawala ang ngiti ko sa labi. Pinapaloob ko na lang ito o kaya kinakagat ang pang-ibabang labi ko kapag pinipigilan kong ngumiti. Pero wala e, hindi ko na matago o mapigilan hanggang sa makababa kami at makapunta sa kusina.

"You look so happy. Tell me why?" aniya at inayos ang plato sa mesa. Kumuha naman ako ng kutsara at tinidor para sa aming dalawa at nilapag sa mesa. Na saan kaya si manang para makasabay sa amin? At matikman niya 'tong luto ni Gideon.

"Minsan hindi mo na kailangan i-explain kung bakit ka masaya. Minsan nakikita na lang 'yon kung bakit." Binigyan ko siya ng ngiti bago ibagsak ang sarili sa upuan. "Kasi 'yong rason nasa  harapan ko lang."

Tinitigan ko siya. Napailing naman si Gideon at sumikretong ngumiti. "That's why I love you. You have reason to leave me pero sinasama mo pa rin ako sa pagkakataon na meron ka.  Kahit saan ka pa nito dalhin—kahit saan ko pa kita dalhin, you're still here...with me, in bad times and good times, baby. I'm the luckiest man, baby. Luckiest, always."

"And I'm the luckiest woman, having you. The selfish and selfless Gideon Jimenez is mine. And I won't regret every decision I made and every chances I took. Kasi alam ko kasama ko doon. Sorry kung ayaw nila pero masaya ako sa'yo. Masayang-masaya." Napalamutak ako ng mukha at tumawa. "Ang drama naman, kakain lang naman tayo," I laugh after.

Napapunas agad ako ng luhang pumatak. Narinig ko ang yabag ni Gideon papunta sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakapalumbaba noong umupo siya. Parehas kaming napangiti. Pumatong naman ang kamay ni Gideon sa kamay ko sa baba. "Because we don't care about them, wala akong pakelam at wala kang pakelam.  Madali lang naman intindihin 'yon di ba?"

Tumango ako ng dalawang beses bago magsalita, "Wala tayong pakelam."

**

Oh. My. God.

Napapatulala na lang ako sa kotseng nakikita ng mata ko. Bagong release ng Aston Martin at halos masuka na ako sa sobrang ganda! Hindi ko akalain na may bagong ila-launch ang Autohub. Sinikreto talaga ni Gideon sa kin 'to! Nalaman ko lang ngayon! Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero hindi naman niya sinasabi sa akin. Ito pala 'yon.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon