Kabanata 32
No need to worry.
"Bes! Tama na tingin sa salamin! Mas maganda na ako sa'yo!" Humahalakhak na sabi ni Nica at tumingin din sa salamin. Bigla akong napasimangot sa kanya. Pero ang bestfriend ko patuloy pa rin sa pagtawa.
"Grabe!" Sumimangot pa ako sa kanya para makonsensya siya sa sinabi niya. "Hindi naman!" Tinagilid ko ang sarili ko. Tinignan ang mukha ko kung talagang nagbago ito o sabihin na nating tumaba. Kanina pa kasi pinamumukha ni Nica na nagbago na ito. Malamang limang buwan na akong buntis. At saka gusto lang yata akong asarin nito!
"Bes, patingin ka na rin sa mata, a?" I pout to her. "True friend lang ako, okay? Nagsasabi lang ako—Joke!" Bigla niyang binawi ang sinabi niya noong tumitig na siya sa mata ko na ngayong may luhang papatulo. "Joke lang naman! Bes! Ito hindi mabiro! Ang unfair nga! Ang ganda mo pa rin kahit buntis! Ang unfair kasi hindi ka naging balyane sa laki! Ang unfair dahil iyon nga! Ang ganda mo pa rin!" Napakurba na ang labi ko sa isang malawak na ngiti. Bigla akong napapunas ng luha. Nagbibiro lang naman ako sa luhang 'to. Gusto ko lang naman na bawiin niya lahat ng sinabi niya.
Magsasalita na sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya. "Salamat, bes! True friend ka talaga!" natatawa kong sabi. Hindi niya na nakuhang pumiglas dahil bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. "Ikaw na talaga ang pinakamaganda para sa akin. Dyosa talaga!" I wiggled my brows at her. Lumaki naman ang ngiti niya at muntik na naman niya akong mahampas dahil sa sobrang katuwaan ng sinabi ko. Mabuti na nga lang napaatras agad ako sa kanya. "Bes, maganda ka na nga! Huwag mo lang akong hampasin!"
"Sorry, bes! I'm flattered lang naman kasi! You know me. Ayoko lang naman ipamukha na maganda ako. At magbuhat ng sariling bangko sa paniniwalang mayroon ako. Mabuti na lang nandyan ka at sinasabihan ako lagi!"
Minsan may topak lang talaga 'tong si Nica. Bukang bibig na lang niya lagi na maganda siya. Pero dahil kaibigan ako umoo na lang ako sa kabaliwan niya. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung walang Nica sa tabi ko. Buong puso akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigay niya si bes sa akin. Mula noong araw na nakilala ko siya sa isang klase sa kolehiyo hanggang ngayon nandito pa rin siya. Noong nalaman kong hinanap niya ko noong nagpakalayo ako, mas lalong lumalim iyong pagmamahal ko sa babaeng ito. Alysson Jane will never be Alysson Jane without Veronica Desirel. Parte na siya ng buhay ko. Kung mayroon nga lang pangalawang buhay pagkatapos ng lahat. Gusto ko siya pa rin ang makilala kong best friend. Siya pa rin ang Nica ko. Siya pa rin 'yung best friend ko.
"Maganda ka naman talaga e. Sino ba naman kasing nagsasabing hindi ka dyosa?" ani ko at humarap sa kanya.
"Syempre bes, kapag katabi na kita. Talbog na ko!" Natatawa niyang sabi sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Anim na taon na tayong magkaibigan pero wala hatang pagkakataong may bumati sa akin na maganda ako kapag katabi kita." Sumimangot siya sa akin. "Kaya nga ngayong buntis ka sinasamantala kong ako naman ang masabihan pero failed lahat dahil maganda ka pa rin." Lalo siyang sumimangot.
"Ano 'to bes? Kailangan gumawa pa ako ng thesis para lang madefend kita na maganda ka talaga? Kailangan may feasibility study pa? Ganon?" Biglang sumilip ang labi niya sa isang ngiti. "Bes, sa mata ko maganda ka. Inside at outside pa. O saan ka pa? Sa mata ni ano mo! Maganda ka no!" Namula ang pisngi niya sa pangalawa sa huling pangungusap na sinabi ko.
"ALAM KO! Grabe ka naman! Serious agad? Alam ko na bes! Iduldol pa? Ganern?" Umarte na naman siya sa pagsasalita. "Tara na nga! Gusto ka ng makita ni nanay at tatay no. Medyo mahaba ang byahe. San Mateo iyon 'te!" Umirap siya sa akin. Nginitian ko na lang siya.
Humarap ulit ako sa salamin at tinignan ang mukha ko kung maayos. May ilang hibla ng buhok ang hindi nasama sa pusod na ginawa ko kanina sa buhok ko pero binalewala ko na lang iyon.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomanceNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...