Kabanata 18
Skype
"Bes! Sorry hindi ako makakapunta sa bahay niyo. May meeting kasi lahat ng engineer dito sa company e. Pero hahabol ako. Punta na lang ako, okay?" Bumaba ang balikat ko sa sinabi ni bes sa akin over the phone.
Umaga ko pa siya tinatawagan ngunit hindi niya yata binubuksan ito. Ngayon lang niya yata natignan. Ngunit ang bumungad sa akin ay ganito. Sinabi ko noong una sa kanya na pumunta sa bahay dahil gusto kong manood kami ng movie. Pero abala pala siya.
"Ay okay lang bes! May next time naman e. Sige baka, nagugulo na kita! Love you!"
"Bawi na lang ako! Love you, too."
The line went dead.
Napasandal ako sa pintuan ng kwarto. Pinagmasdan iyong malaking kama na kulay puti at napakagat ng labi.
O God...I feel so lonely. I should not feel this way.
Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. Napatitig ako sa screen nito at bumungad sa akin 'yong larawan namin ni Gideon. Ako, nakahalik sa pisngi niya habang siya nakakurba ang labi na para mong nahihiya.
"I miss you."
Napaloob ako ng labi sa mabigat kong paghinga. Ilang linggo na ba ang nakakalipas simula ng umalis siya? Di ba nga, ayokong bilangin, ayokong tanungin kung hanggang kailan siya kasi sobrang nakakamiss 'yong ganon.
Napapikit ako nang alalahanin 'yong pagtawag niya sa akin noong minsan. Hindi ko alam kung kailan ba 'yon. Pero 'yong tunog lang ng paghinga niya over phone nagpatalon na ng puso ko. Hindi naman matagal 'yong pag-uusap namin pero masaya akong narinig ko kahit boses niya. Sandali lang. Nasingit naman 'yon kahit saglit. Masaya na 'ko.
"I miss you...so much."
Dinilat ko ang mata ko. Muntik ko ng mabitawa ang phone ko nang tumunog ito at ibang numero ang bumungad sa screen. Numero ng ibang bansa. Napatitig pa ako bago ito sagutin.
"Hey there, baby..."
"Karl?"
Narinig ko ang paghikab ni Karl over the phone. "Yeah, Aly...bakit ba ganitong si Azel? Kailangan bang sa akin talaga dumaan 'to? Damn...anong oras na rito sa London? Bakit kailangan gisingin niya ako para lang sabihan ka ng mag-skype daw kayo? Sabihan mo 'to, Aly...Naku—" Napahikab muli si Karl. "Kakatulog ko lang tapos papahiga pa lang ako—bigla-bigla na lang kumakatok. Rude, Azel. So damn rude."
Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng tawa. "Best friend mo naman," ani ko.
"'Yun na nga. Kapag talaga kaibigan mo, magkakaroon ka ng time kahit pagod at wala kang tulog. Pero dahil gwapo ako, pinagbigyan ko na. Saka sabihin mo kay Nica ko, h'wag siyang papapagod. Saka h'wag na siyang mairita sa mga messages ko sa kanya. At saka mahal na mahal ko siya. Pati 'yong usapan din namin. Sige bigay ko na 'to kay Azel. Thank you, baby." Pakiramdam ko hindi huminga 'tong si Karl habang sinasabi ang mga salitang ito. Napatango tuloy ako habang nagsasalita siya kahit hindi naman niya nakikita.
"Sige...sige," I laughed.
"O ikaw na! Nasabi ko na!" I heard over the phone. Binigay na siguro ni Karl kay Gideon 'yong phone.
Napalunok ako.
Bigla-bigla na lang nagwala ang puso ko kahit ganoon pa rin ang pangyayari. Bumibigat ang aking paghinga. Ang hirap namang ikalma ang sistema ko sa ganito. Calm your freaking heart, Alysson Jane! This is your Gideon! Kalma!
"Hello..." Gideon laughs, hoarsely. O God. Napahawak ako sa dress ko ng mahigpit. "I miss you." he added.
Napaloob na naman ako ng labi. Naramdaman ko ang pagnginig nito kaya napapikit ako. Huminga ako ng malalim para hindi matuloy itong binabalak ng taksil kong emosyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/13939501-288-k528729.jpg)
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomanceNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...