Kabanata 31
Dreams with you
Akala ko madali lang 'yun pero hindi. Noong mga unang buwan, suka na lang ako ng suka kahit kakain ko lang. Akala ko nga titira akong banyo dahil sa pagsusuka ko. Ang sakit sa tyan pagkatapos. Pero mabuti na lang nandito si manang para alalayan ako. Tuwing umaga ang hirap. Nakakaantok. Gusto mo lang humilata. Tulad ngayon ayoko pang bumangon.
"Baby," marahan na hinaplos ni Gideon ang braso ko. Napatagilid ako at binuksan ko ang isa kong mata para makita siya. "Aalis na 'ko," tumayo lang siya sa at pinagmamasdan ako. Pinilit kong buksan ang dalawang mata ko at bumungad ang ngiti niya sa akin. Dahan-dahan akong tumayo para sa kanya. Dalawang linggong hindi ko na siya naabutan tuwing umaga dahil dito sa kalagayan ko na gusto lang na humiga.
Tinapak ko ang isang paa ko sa sahig pero na out of balance. Nanlaki ang mata ko sa nangyari pero mabuti na lang agad akong nahapit ni Gideon sa kanya, "Be careful," his lips drew into hardline.
"God, sorry," napakapit ako sa braso niya. Ramdam ko ang malakas niyang kamay sa bewang ko para alalayan ako. Namiss ko rin 'to. Hindi ko na talaga siya naabutan. Hindi naman niya ako iniistorbo sa tulog kaya hindi ko na siya nakikita. Busy din siya masyado sa trabaho niya. Minsan kasi wala siya sa Autohub at nasa ibang lugar siya. Hindi ko naman alam kung saan.
"It's okay," pinakawalan na niya ako. Napatitig na lang ako sa kurbata niya habang nakalagay ang kamay ko sa likod. Hindi ko alam kung ano o paano ulit ako magsasalita. Kung mag-gu-goodbye na ba 'ko o paano.
Pero hindi na hata ako makakapagsalita pa nang bigla niyang iangat ang ulo ko, "I miss you, baby." ramdam ko ang kamay niya sa baba ko. Ramdam ko ang pagnginig ng pang-ibabang labi ko sa titig niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa tingin niya na nakakawala sa mundo. Na halos angkinin ka na niya. Kaya wala na akong magawa kung pumikit sandali para makahinga.
"I miss you, too," and I feel his lips on mine.
"So?" biglang kumurba ang labi niya kaya napakagat ako ng labi.
"So?" inulit ko naman ang sinabi niya. Napangiti na si Gideon sa sinabi ko. Hindi ko nakayanan ang ngiting iyon kaya tumitig na naman ako sa kurbata niya. At mabuti na lang hindi gaanong ayos iyon kaya nagkaroon ako ng pagkakataong hindi tumingin sa kanya. Medyo hinigpitan ko ng konti ang kurbata niya para mas maayos. Kahit ganon ramdam ko ang paghalik ni Gideon sa ulo ko. At pakiramdam ko matutunaw na ako.
"Gideon?"
"Yes, baby?" Napalunok ako kasi hindi ko namang sinasadya na tignan siya. Pakiramdam ko mali kung magtatanong ako kasi baka marami siyang gagawin ngayong araw.
"Uhmm...wala pala," napaatras ako sa kanya. "Sige na. Bye!" Umupo na ako sa kama pero hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan niya na parang hinihintay pa niya akong magsalita ulit. "Bye!" sabi ko ulit pero tinitigan niya pa rin ako. Siguro hinihintay niya 'yung sasabihin ko kanina. "Uhm, itatanong ko lang sana kung maaga ka...uhm...mamaya," bigla akong napaiwas sa kanya. Rinig ko naman ang yabag niya papunta sa akin.
Ramdam ko ang hininga niya sa noo ko. Siguro napayuko na 'to sa akin. "Come with me." Napatingin na ako sa kanya.
"E? Busy ka," sabi ko agad.
"I'm not if you'll come with me, baby," napaangat na 'ko ng ulo para sa kanya. His lips are curving to smile again.
"Magtatrabaho ka,"
"I am but if you'll come with me," his smile grows wider. Nanlaki naman ang mata ko. So konsensya ko pa kung hindi ako sasama? Ganon?!
"Ganon?"
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomanceNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...