Kabanata 13

16.6K 366 36
                                    

Kabanata 13

But I'm not really fine.

"Tuloy tayo mamaya," ani ko habang inaayos ang neck tie niya. Napansin kong nakahanda na ang Chevy na sasakyan niya kasama ang driver. Tumingala ako nang matapos kong ayusin ito. Bumungad ang isang Gideon na pinipigilan ang pagngiti. "Don't be late." I wiggle my brows. 

Umatras ako sa kanya. Gideon is wearing black business suit.

"Text mo 'ko kapag papunta ka na. Plus, gamitin mo 'yong tinuro kong emoticon sa'yo. Colon, maraming dash tapos letter D," biro ko.

"C'mon, we're still on the emoticon, ha, baby?" Napailing siya at tumawa.

Napapikit ako sa kilos na ginawa niya. Ba't ba hanggang ngayon hindi nagbabago 'yong epekto niya sa akin? Kahit ano kilos nakaka-intimidate na mapapapikit na lang para hindi ka madala? Hanggang ngayon, madadala ka nito kung saan hanggang sa mawala ka na.

"Basta, 6 pm. Huwag kang ma-late!" Winagayway ko na ang aking kamay. "Bye! Ingat ka!" Nginitian ko siya ng malaki kaya nahawa siya. Pero natuwa ako sa ngiting binigay niya sa akin. Grabe, wala pang salita 'to. Paano pa kung mayroon?

"Okay. 6 pm. I'll text you if I'm on my way. 6 pm. Noted," aniya.

I nod. "6 pm. Ba-bye! Ingat ka. Diretso na ako sa 5 star hotel," I said, giggling. "I love you," habol ko.

Napapikit ng mariin si Gideon sa tatlong salitang sinabi ko. Nakita ko na nahirapan siya sa paglunok dahil sa galaw ng Adam's apple niya. Madali niyang idinalat ang mata at ako'y nawalan ng hangin sa sinabi niya. "O, baby, come here." Kusang naglakad ang paa ko sa pwesto niya. "I love you. Always," anito.

"Always." I breathed.

And he kissed me.

**

"Mas maganyang 'yang dark blue, nak." Ani Manang.

Hindi ko napansing nasa kwarto pala namin siya habang tinitignan ko ang aking salamin kasama ang ilang dresses sa aking kamay. Pumunta si manang sa malaking cabinet at nilagay ang ilang polo ni Gideon doon. Lumapit siya sa akin at kinuha 'yong dalawang dress at iniwan 'yong dark blue sa aking kamay.

Simple lang ang disenyo ng dark blue na dress. Hanggang tuhod ko ito at pabilog ang disenyo ng backless. Teternuhan lang ito ng wedges okay na.

"Thank you, manang."

"Anong oras ka ba aalis? Para ipahanda ko na ang kotse."

"Mga 5:15 po siguro."

Napatingin si manang sa orasan. "4:30 na. Teka papahanda ko na ang kotse."

"Salamat, manang! Love you."

Nawala sa pagmamadali si manang at lumingon sa akin. "Walang anuman! Kahit kailan talaga ang sweet mong bata. Mahal din kita," Manang said.

Napatawa ako at umalis naman si Manang ng kwarto. Naghubad na ako at sinuot ang dark blue na dress. Inayos ko ito at tumingin sa salamin. Pagkatapos, inayos ko sa isang bun ang buhok ko. Naglagay ng simpleng make-up. My lips are pink. Tinignan ko pa ng sandali ang aking sarili sa salamin bago kuhanin ang pouch. Nang maayos naman ang aking pagkakatingin ay dali-dali kong sinuot ang wedge at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ay kinuha ko ang phone sa pouch dahil baka may text na si Gideon. Pero wala pa akong natatanggap mula sa kanya.

Baka papunta na, Aly. 'Wag kang masyadong excited.

"Okay na 'yong sasakyan. Ingat ka. Ingat kayo," ani manang sa harap ng pinto.

"Salamat, manang! Una na po 'ko."

Nang nandyan na ang kotse ay nagmamadali akong pumasok roon. Sumilip ako ng isa para makita si manang at nakangiti pa ako bago umandar ang kotse ng mabilis.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon