Kabanata 6

20.1K 351 14
                                    

Kabanata 6

Marry your best friend

 

Palakad-lakad si Gideon pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Sinabi niya kay Andy on the way na raw siya pero hindi naman. Napatingin ako sa lola niya nang pisilin nito ang kamay ko. Tumango ito sa at ngumiti sa akin.

"Azel, stop it." Napatayo ang grandma niya at pumunta sa pwesto ni Gideon. "Alysson will be fine with me. Papahatid ko na lang siya kay Mase." Hinawakan niya ito sa balikat na nagpatigil kay Gideon sa paglakad. Agad nitong natagpuan ang mata ko at hindi ako nag-alinlangan na ngumiti sa kanya.

Tumayo rin ako at nagsalita, "Okay lang ako."

"See?"  Pigil ngiting sabi ng kanyang lola. "Sige na, Azel. I would love to talk to Aly alone."

Gideon sighed. Tumango ako sa kanya para mapalagay na siya.

"Fine," Gideon said. Kumalas ang grandma niya ng hawak sa kanya at pagkatapos ay agad siyang pumunta sa akin. Hindi man lang ako nakakilos ng maayos nang tumingin siya ng diretso sa aking mata. "I'm sorry. Akala ko pagkatapos ng pagbisita natin dito, makakaalis tayo. And we can have time to go to mall or whatever place you'd want. But..." Napakagat siya ng labi at tinitigan ako sa mata. "I'm sorry, baby."

Tipid akong ngumiti sa kanya at nagsalita, "Okay lang 'yon. Maraming pang oras at panahon." Nilaro ko ang aking kilay para mapalagay siya. Kahit na—akala ko rin ganon ang mangyayari sa amin. Pero okay lang siguro, marami pa namang oras. Marami pa namang oras kung gugustuhin namin.

**

Tahimik kaming bumabyahe ng pinsan ni Gideon na mas mataas pa sa akin. Siguro nasa pamilya na talaga nila 'yong ganon. Pero 17 lang siya! At siya ang nagmamaneho sa akin para ihatid ako sa bahay dahil inutos ito ng lola nila. Itim ang kanyang buhok na hindi katulad nung kay Gideon na mabrown and black. Matangos ang ilong. Define ang panga kahit ganon pa lang ang edad niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan at kapag lilingon siya ay inaalisan ko agad ng tingin. Nanunuyot na ang lalamunan ko pero hindi pa rin siya nagbibigay ng mapag-uusapan.  Pero siguro ako na lang ang magsasalita? Fine!

"Mase, 'di ba may kuya ka?" Narinig ko lang 'to kay Gideon kanina.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "Yup. Nasa Bulacan siya." I nod. Papasalita na sana para may pag-usapan pa kami pero naunahan niya ako. "Mag-isa nga lang siya  doon. Mom is in London right now."

"Ow! Okay lang sa kanya?" tanong ko at napakagat ng labi.

"Oo. Siguro. Parang si kuya Azel, gusto niya mag-isa lang siya at seryosong tao."

"Malungkot kapag mag-isa lang. Sabihin mo sa kanya. Saka hindi naman gusto ni Gideon laging mag-isa kapag nga kasama ko siya dami niyang kinukwento—" Bigla akong napatakip ng bibig sa sinabi. Napailing at napatawa bahagya si Mase sa reaksyon ko.

Grabe naman. Totoo naman sinabi ko. Hindi naman napakaseryoso o gusto lagi ni Gideon na mag-isa. Ewan ko ba.

"Really?" Natatawa niyang tanong.

My brows creased. Huminto ang kotse kaya napatingin ako sa paligid. Nasa bahay na pala kami. "Oo. Noong una, akala ko rin napakaseryoso niya. Pero..." Napatigil ako at lumingon kay Mase. "Makulit." Kumurba ang labi niya hanggang sa tumawa na siya ng tuluyan.

"Seryoso? I never thought," aniya.

"Oo," I laughed at his question.

Umiling siya dahil hindi pa rin makapaliwanag. Bumaba siya ng kotse at agad akong pinagbuksan ng pinto nito.

"Minsan naisip ko na katulad ni kuya Raz si kuya Azel dahil parehas nilang sineseryoso ang buhay," Mase shrugged his shoulders and continue to speak. Bumabas ako ng kotse. "Hindi pala. Maybe because of you, no...it is really because of you." His eyes stared at me. Bigla akong napahawak sa aking sa pisngi sa sinabi ni Mase. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya sinabi ko na lang kung ano ang una kong naisip.

"Salamat, Mase! I'd hope to see your kuya someday and I'll tell him na hindi niya dapat sineseryoso ang buhay dahil sobrang nakaka-stress kung ganon."

Tumango naman si Mase sa akin. "Okay! Para kang si Isabelle. O damn, I miss her." Umiwas si Mase ng tingin sa akin at umiling muli. "Sige, una na 'ko."

"Ingat!" I said to him. Lumingon siya ng bahagya sa akin at ngumiti. He hops in his car. Winagayway ko naman ang aking kamay. Pinagmasdan ko na lang ang kotse niya hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

**

"Wait, what?" My eyes went wide. Biglang napuno ng kasiyahan ang aking puso sa sinabi ni Karl sa akin.  "MAGPAPAKASAL? REALLY?" Napatayo ako sa couch at humarap sa kanilang dalawa. "SERYOSO?"

"Kalma naman bes! Para namang ayaw mo!" Nataranta bigla si Nica sa reaksyon ko. Hindi sa hindi ako makapaniwala. Dahil bakit pinatagal pa nila kung doon din naman ang patutunguhan. Pero si Nica ko 'to e, gusto niya maabot lahat ng pangarap. Gusto niya pagsisikap niya 'yon. That makes me so proud of her. I love her to bits. "Ito patunay!" Nilahad ni Nica ang kamay niya sa akin. Nagniningning sa aking paningin sa diamond ring niya sa kanyang daliri. Bigla akong napakapa sa singsing na mayroon ako.

Bigla akong napatingin kay Karl sa tinging binibigay niya sa best friend ko. I bite my lip to keep it from smiling so wide. Grabe naman 'tong si Karl. Hindi ko alam kung ano ginawa nitong best friend ko.

"Napilitan lang ako bes. Naawa na talaga ako sa unggoy na 'to." I look at Nica. Sumimangot siya sa akin pero sumisilip ang ngisi sa kanyang labi.

"Talaga lang? Sabihin mo hinihintay mo lang ulit na magpo-propose ako non." Umeksena si Karl na nagpakunot ng noo ni Nica. Humalakhak naman si Karl na lalong nagpasimangot kay bes. Pero seryoso na ang simangot ng best friend ko. Habang ako, hindi ko alam kung kikiligin o tatawa na lang sa sitwasyon ng dalawang 'to.

Sus, bes. Naku! Naku! Para-paraan.

"Ayoko na!" Tumayo naman sa pag-iinarte si Nica. "Pakasalan mo ang sarili mong unggoy ka!" Tinignan ng matalim ni bes si Karl na umasim ang mukha sa sinabi nito. Gusto ko ng humalakhak sa nangyayari pero hindi ko magawa.

"Nica naman! How 'bout my babies?" Nangingising tanong ni Karl. Nanlaki ang aking mata. Anong pinagsasabi nitong si Karl? "Nica, wala ng urungan 'to! Nasabi ko na sa lahat ng kamag-anak ko. Kaya wala ng bawian." Ani Karl.

"Bahala ka! Bawiin mo!" sagot naman ni bes.

Grabe naman 'tong si bes. Naku! Naku! Alam ko namang ganon din ang ginawa niya. Karl na kaya 'to. Nasa napakataas na ng standards ni bes 'to. Mahirap ng pakawalan. Pero grabe hanggang ngayon kahit sila na, aso't pusa pa rin sila. O dahil hindi lang talaga showy 'tong si bes. Paano kaya kapag silang dalawa lang ni Karl? Ganito pa rin kaya sila?

"Nasabihan ko na rin si Azel. Pati 'tong si Aly." Karl looks at me. "Di ba, Aly? Wala na siyang karapatang bawiin 'yong oo. 'I do' na lang ang tinatanggap ko." Tumango ako ng maagap kay Karl. "O di ba, Nica? Nakita mo naman siguro 'yong tango ni Aly?"

Nica rolls her eyes.

"Come on, I'm gonna marry you," ani Karl. Naramdaman ko ang tingin niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya. "Aly, I'm going to marry your best friend."

**

Hi, sorry sa matagal na hindi pag-update! Pero sana ma-enjoy niyo po 'to. By the way, may kwento po sila Nica at Karl. At tapos ko na po siya. A Trip to Love po 'yong title. God bless you all!

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon