Kabanata 17

17.6K 367 11
                                    

Kabanata 17

Always yours

Ewan ko, kahapon pa mabigat ang pakiramdam ko simula nang malaman ko na aalis siya para pumunta sa London. Ito 'yong kapalit ng good news ni Ms. Lopez sa kanya. Ito 'yong kapalit ng pagkakaayos ng Autohub. Ito 'yong kapalit para umalis siya at maging malayo kami sa isa't isa. I didn't ask him how long he'll be at London because I don't want to. Mas mabuti ng hindi ako mag-countdown ng araw. Mas mabuti ng hindi ako mainip...pero...ngayon pa lang naiinip na 'ko.

Binaling ko ang tingin ko sa kay Gideon pagkatapos sa driver at sa maliit na salamin. Kanina ko pa kagat-kagat ang labi ko simula ng bumyahe kami papunta sa airport.  Kanina ko pa pinipigilan ang emosyong nais ilabas ng aking sistema. Ang hirap. Pero kakayanin.

"Mag-iingat ka," I whisper. O God. Napapikit ako ng mariin at napanguso. Napabuga ako ng hininga at dinilat ang mata ko. I clenched and unclenched my hands. Napatigil nang ipatong ni Gideon ang kamay niya roon.

"I will. And you, too." Nilingon ko na siya at binalibag ko ang aking sarili sa kanya. Mahirap mang yakapin siya sa loob ng kotse pero nagawa ko pa rin. Napatawa si Gideon ng marahan sa ginawa ko. Pero naiiyak naman ako. "Don't make this hard. Don't please..." Dahan-dahan kong inalis ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya.

"Sorry..." Hirap na hirap akong lumunok sa pagpipigil ng iyak.

Maybe I am just afraid of the distance. Not from anyone—just the distance. Because right now, distance is between us and time will be the antagonist of our life. Pero hindi kami magpapatalo sa kung ano man—hindi na ako magpapawasak doon—sana.

Naramdaman ko ang akbay ni Gideon sa 'kin hanggang sa isiniksik na niya ako sa kanya. Pinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa sintido 'ko. "Pagbalik 'ko, hindi mo na 'to mararanasan pa. You will wait me. Time and distance will never be a burden to us, baby. Sandali lang 'to. I promise. Babalik ako." Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya. Tinignan siya ng buong puso. "Babalik lang ako para sa'yo. Sa'yo lang."

Tumango ako sa kanya at ngumiti. "I trust you." I am loyal. At mananatili lang akong sa kanya at hindi magbabago 'yon. "I love you, Gideon. I love you, always."

"Always, baby, always. I love you, too."

**

Mahigit kalahating oras na naming hinihintay si Ms. Lopez sa waiting area ng airport. Nagtext naman na siya kay Andy na on the way na ito kaya napalagay na ang lahat. Tumingin ako sa kamay namin ni Gideon na nakasalikop habang kami ay nakaupo. Kagat-kagat ko ang labi ko habang unti-unting lumingon sa kanya. Bumungad ang panga niya sa akin at napalunok ako. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

"Ayos ka lang? Do you need something?" he asked without looking at me.

"Wala," sagot ko agad.

Tumingin ako sa mga managers at kung sino pang mahalagang tao sa Autohub na kasama ni Gideon sa byahe papuntang London. Natagpuan ko si Nica at Manager sa isang sulok na mataimtim na nag-uusap. Hinawi ni Karl ang buhok ng best friend ko na nakaharang sa mukha nito at bigla-bigla na lang niyang hinalikan si Nica ng biglaan na kinagulat ni bes. Agad akong napaiwas at napatingin sa paa ko.

"I believe on you. Naniniwala akong pagbalik ko, nasa akin 'yong buong tiwala mo." Inalis ko ang hawak niya sa kamay ko. Umayos ako ng upo para tuluyang makita ang mukha niya. Agad niyang hinawakan ang pisngi ko. "Mag-iingat ka. You don't need to worry on anything or anyone. Alam mong ako ang bahala sa ganong bagay. Be my Aly when I left you. And be my Aly when I came back because I will always be yours anytime and anywhere. Always be yours, baby." Nanginig ang labi ko sa mga sinabi niya. Agad kong sinunggaban ang labi niya at hinalikan. His kiss taste like mint and my Gideon. Napabukas ng maliit ang labi ko sa labi niya hanggang sa huminga ako sa mabigat kong paghinga.

"Always yours, too, Gid. Always yours, Mr. Jimenez." Naramdaman ko ang pagngiti ng labi ni Gideon sa labi ko.

I give him a peck.

Gideon laughs. Nilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Niliban naman ng kamay ni Gideon ang pisngi ko. Napalunok ako at unti-unti akong binabagsak ng emosyong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung bakit bumigay na naman ako sa nararamdaman kong lungkot sa kanyang pag-alis. Biglaan.

Napatayo ako. "Comfort room lang," ani ko.

Hindi ko siya nilingon at bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala pa ako sa comfort room, naramdaman ko na ang luha ko na dumadagsa sa aking pisngi. Yukong-yuko akong nakarating sa comfort room. Agad kong inalalay ang sarili at napatingin sa salamin. Nagmamadali 'kong pinunasan ang luha ko.

"God..." I whisper.

I am breathing heavily. Kinukuha ang normal kong paghinga at pagkalma ng aking sistema.

"Miss..." A voice came around.

I look.

May babaeng nag-aalok sa akin ng tissue. Tinignan ko ang kanyang mukha. "Ms. Lopez." I breathe. Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang mata ko, pisngi ko, at leeg ko. "Salamat." I added.

"I'm sorry. Hindi ko napansing ikaw pala 'yan. Di ba ikaw 'yong asawa ni Mr. Jimenez." Aniya.

Pinagmasdan ko ang bilugan niyang mata at bilugan niyang mukha. Maikli lamang ang itim niyang buhok na hindi sumasayad sa kanyang balikat. Balingkinitan ang katawan nito at mas mataas sa akin. Nakasuot siya ng smart business attire na para sa babae.

"Okay lang. Salamat sa tissue." I smile.

Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa salamin. Mula doon ay nakikita kong inaayos ni Ms. Lopez ang kanyang kasuotan at mukha.

"Nga pala, Bridgette na lang. Medyo nakakaasiwa kasi kung Ms. Lopez. Hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng edad."

Napatawa siya. Ganon din ako.

"Sige, Bridgette. Aly na lang din, h'wag ng Mrs. Jimenez. Masyadong formal," I laugh.

"Bridgette meets Aly, the wife of the owner of Autohub. It's my pleasure to meet you, Aly—my pleasure." Hindi ko alam kung namalikmata lang ako sa ngisi niya o dahil lamang sa luha ko sa mata. Pinunasan ko na lang ang mata ko para makita si Bridgette.

"Ako rin. Mag-ingat kayo sa London. Pagdadasal ko ang tagumpay niyo—ang Autohub."

"Ikaw din. Lalong kang mag-ingat," aniya. May kung ano sa boses niya na nagpakabog ng aking dibdib. Hindi—siguro dahil na rin 'to sa emosyong naipakita ko ngayon kaya ganito lamang ang pagrereact ko.

"Salamat."

"Sige. Una 'ko. Sobrang late ko na talaga," natatawa niyang sabi. Lumingon siya ng isa sa salamin at pagkatapos ay tinanguan ako. Nagmamadali siyang lumabas ng comfort room at sinundan ko na siya. Hindi ko na nakuhang tumingin sa salamin at naglakad.

Nang makalabas ako'y bumungad sa akin at mga nakahandang managers at 'yong iba pang kasama. Kasama na rin si Gideon na nakatayo at bitbit ang shoulder bag niya na tangin niyang dala. Napakagat ako ng labi habang patuloy na naglalakad.

Muntik na akong mapahinto nang makita si Bridgette na lumapit kay Gideon. Na balak yatang kausapin. Ngunit hindi pa nakakapagsalita ito'y lumingon sa likod si Gideon at natagpuan ng mata niya ang akin. My heart skips at his smile. Nagmamadali akong naglakad hanggang sa napatakbo na ako at dinala ako nito sa kanya. Agad kong binalibag ang sarili ko sa kanya at nasalo naman niya 'ko. "Ba-bye!" Napaloob ako ng labi at napasinghot.

"Bye-bye!" ani Gideon. Hinalikan niya ang noo ko hanggang sa bumaba ito sa ilong ko. At magkatapat kami ng mukha. Ramdam ko ang lakas na ginagamit niya sa pagbuhat sa akin. "Take care. I love you. All the love I have is all yours. Always yours, baby."

"Always yours, too, Gid."

And I kissed him.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon