Kabanata 8

16K 377 13
                                    

Kabanata 8

Taken

Kahit na hindi siya makakarating, hindi ko pa rin hinayaan na maging malungkot ako dito sa reception ng kasal ni bes at Karl. Sa isang 5 stars hotel sa Taguig ginaganap ito. Mabuti na lang kasama ko si Manang sa table at 'yong family ko. Nasa isang table naman si kuya Harry at Nathalie kasama si baby Nate. Nasa gitna naman si Nica at Karl. Nasa kanan 'yong family ni bes habang nasa kaliwa 'yong family ni Karl.

Hindi ko maiwasang mangiti sa tinging binibigay ni Karl kay bes. Ewan ko lang kung napapansin ni Nica iyon dahil. Saan man magawi ang lingon ni bes ay siyang tingin ni Karl. Well, my best friend in one lucky girl having Karl in her life. Ay syempre, pati na rin si Karl swerte kay bes dahil saan pa ba siya makakakita ng katulad ni Nica? Naku! Kakaiba si bes no! At walang katulad!

"Where's Gideon, baby girl?" My dad asked.

"Oo nga Aly, where's your husband? 'Di ba siya 'yong best man ni Karl?" My mom said.

"May inaakikaso po ngayon sa company. Hindi na raw po siya makakapunta," ika ko at agad na ngumiti para hindi nila mapansing nadismaya rin naman ako. Pero ano namang magagawa 'ko? Pupunta naman si Gideon kapag talagang kaya niya saka kaya ng sched niya. Siguro hindi lang taaga kinaya sa sobrang abala niya.

"Can't he find time for this? He's Karl's best friend, right?" Mom said. "Kaya naman sigurong bigyan ng oras 'to kung gugustuhin niya? Am I right, Fred?" mom added.

"Yes, darling. But maybe, he's really busy." My daddy said.

"Mom, dad, busy lang po talaga. Baka talaga mas importante 'yon kaysa dito. Hahanap naman po talaga ng time si Gideon kung kaya niya," napanguso ako sa mga magulang ko. I don't know. Mom's right. Medyo magtatampo siguro ako kung ako 'yong best friend ni Gideon. Well, hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Karl pero looking at him. He seems so happy. Siguro tumawag o nagtext na si Gideon sa kanya kaya naiintindihan naman niya ito.

"Well," Mom shrugged her shoulders. "Siguro nga," mom added.

Abala lang siya. Abala lang talaga si Gideon. I know...I know he can find time, you know.

Ngunit nabaling ang atensyon namin nang may nagpapatunog ng mga glasses for Karl and Nica to kiss. Lalong lumakas nang sumenyas pa si Karl na lakasan ito dahilan para magsitawanan ang bisita. Nakabusangot naman ang best friend ko pero alam ko naman sa loob-loob nito gustong gusto niya. Iba na talaga kapag pabebe! Nakukuha mo gusto mo.

"Thank you! Isa pang tunog niyan, kwarto na 'to!" natatawang sigaw ni Karl. At saka hinalikan si bes. Napatakip na lang ako ng bibig sa pagpipigil ng ngiti dahil hindi handa si Nica sa halik na binigay ni Karl.

Hindi pa natatapos ang kiss ay biglang tumunog na naman ang glasses at nakisama pa ako. Nakita ko ang pagtingin ni bes sa akin at napaiwas. Patuloy ko lang pinapatunog ito at nakuha naman ni Karl ang gusto niya.

Sus, bes, gusto mo rin.

**

"Honey, saan ka pupunta?" Mom asked me when I stood up.

"Papahangin lang po sa labas?"

"You want me to—"

"No—mom." Winagayway ko pa ang aking kamay mapapayag lang si mom sa gusto ko. Ngayon kasi busy pa sa pagkanta si Nica at Karl sa maliit na entablado. Gusto ko namang magpahangin ng kaunti.

"Okay," Mom smiled. Tumango ako at nagdiretso papunta sa elevator. Saktong pagpunta ko ay pagbukas nito kaya sumakay na 'ko. Ngunit papasara nito nang may lalaking gustong pumasok kaya pinindot ako sa elevator para bumukas ito.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon