Kabanata 5
His Grandma
I am wearing a light pink flossy dress. Pinusod ko na lang ang buhok ko pagkatapos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and I'm ready to go. Sinuot ko na lang 'yong sandals na binigay ng Mom ni Gideon sa akin.
Kanina pa nakabihis si Gideon. Kanina niya lang kasi ako sinabihan na aalis pala kami para bisitahin ang lola niya sa Makati. Well, sa company ng lola niya kami pupunta dahil sa Bulacan pala ang hometown nila. Bigla ko tuloy naalala iyong tirahan namin sa Sta. Maria, Bulacan. Sa mga lola't lolo ko pala iyon. Na minsan nagbakasyon ako doon noong pagka-graduate ko ng highschool. Na-miss ko tuloy sila grandma at grandpa. Pero alam ko sinabi ni dad non na binenta na 'yong bahay nila lolo't lola noong namatay sila dahil wala ng titira doon. I don't know. I'm not sure.
"Let's go?"
May katok na galing sa pinto. Napatingin ako over my shoulder at nakita ko si Gideon.
"Yes." Sumulyap pa ako ng isa sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Syempre, tinignan ko muna ang sarili kong maayos na at kaaya-aya na ba kay Gideon? Gusto ko namang maging presentable kapag katabi ko siya.
"You ready baby?" aniya nang makalabas ako ng kwarto. Napatitig ako sa kanya at hindi ko naiwasan na obserbahan siya. Gideon is wearing a light blue shirt and jeans. Well, he looks ordinary wearing those clothes. Na para mong hindi aakalain na CEO ng Autohub. Pero nandoon pa rin 'yung presensya na siya ang nagmamay-ari ng kompanyang iyon. "Hey?" Hinapit ni Gideon ang bewang ko nang hindi ako sumagot sa kanya.
"Yes, Gid." Bigla siyang napanguso sa sinabi ko. Napakunot ako ng noo dahil parang napangiti ng hindi ko alam kung bakit.
"Gid," he said, nodding. "Well, you have nickname for me, baby." Gid—I mean Gideon stares at me. I gulp and I can't compose myself. Nilulunod na naman niya ako sa tingin niya at bumabaluktot itong dila ko.
Hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung bakit ko nasabi 'yong Gid. Hindi naman mahaba ang Gideon pero tinamad ako. "Gid short for Gideon, di ba? Para ako lang tatawag sa'yo non. Ayaw mo ba?"
"No...of course, no." Napailing siya pero ngumiti na siya ng tuluyan. "Call me whatever you want. But I think Gid is better than Gideon from right now. Simula nang lumabas 'to sa bibig mo. I would love you to call me Gid, baby."
Napalunok ako. Well, perks of being Aly siguro 'to. "Wow ha!" Natatawa kong sabi. "Talaga lang!" Napailing ako at nag-umpisa na kaming bumaba ng hagdan.
"I think Gid is perfect." Todo iling pa rin si Gideon at halatang pinagtatawanan niya iyong binigay kong nickname sa kanya. Nang makababa kami ay hinarap niya ako sa kanya. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at mukhang aasarin niya ako. "Baby you should call me Gid from now on." His lips curved. Pinipigilan niyang ngumiti kaya hinawakan ko ang right cheek niya at hinawi ito na naging dahilan para mapatawa siya.
"Stop it."
"Stop what?" pigil ngiti niyang sabi.
"Asarin ako." Napatingin ako sa braso niya na wala ng sling. Well, nung isang araw pa natanggal iyon at payo naman na doctor na pwede na. "Ayos lang naman ang 'Gid' a. Bakit parang tuwang-tuwa ka naman doon?"
"Well, I think, Gid is—"
"Stop." I interrupted him. "Alis na lang tayo, Gideon." Ine-emphasize ko pa ang pangalan niya matigil lang siya. Nauna na akong naglakad hanggang sa hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Sumakay naman din siya ng kotse pagkasakay. Pigil-ngiti siyang tumingin sa akin. I give him a face. Aba, hindi naman nakakatawa 'yong Gid pero tuwang-tuwa siya.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomanceNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...