Kabanata 33

13.6K 306 13
                                    

Kabanata 33

Precious

Huminto sila Gideon at Diane. Ito ang dahilan para mahila ko si Nica paalis sa pwesto namin.

"O anong trip mo?" gulong-gulong tanong ni Nica.

"Baka makaistorbo tayo kapag pumunta pa. Baka kasi importante kaya tara na..." Hinila ko na si Nica. Kunot noo na lang siyang sumunod sa akin ngunit tatlong hakbang pa lang ang nagagawa namin ay marahan niyang inalis ang hawak ko sa kanya.

"Nakalimutan kong susunduin ko pa si Penpen. Medyo bilisan natin a. Hatid kita sa bahay tapos larga na ako para sunduin 'yong panget na kapatid ko? Okay lang ba sa'yo?" tanong niya.

"Hindi na...bes! Kaya ko ng umuwi sa bahay niyo no...Hindi ako baby no..."

"Sus! Baby ka nga non e!" Sikretong ngumuso si Nica at lumingon. Naagapan ko ang paglingon niya. "Pero malalagot ako sa boss ko e."

"H'wag na! Sige na! Sunduin mo na." Marahan kong tinulak si Nica.

"Sige na nga! Basta diretso sa bahay a."

Ilang beses akong tumango bago umalis si Nica. Tinignan ko sandali ang daang tatahakin ni Nica bago magpatuloy na maglakad. Ngunit wala pa ako sa bahay ni bes ay may naaninag akong pamilyar na tao. Naningkit ang aking mata at napahinto ako sa paglalakad nang may naaninag na dalawang tao. Teka...si...si Benj ba 'yun?! Si Benj talaga?! Lumakad pa ako ng kaunti para makita kung si Benj talaga 'yung nakikita ko. Hindi naman ako nagkamali at siya nga iyon!

May kasamang babae si Benj at kaholding hands niya. At hindi ko maiwasang mangiti sa nakikita ko. Nakatingin siya sa akin at tumodo ang ngiti ko. I was about to wave my hand pero biglang umalis iyong babae. Napatungo ang atensyon ni Benj doon sa babae. Hala? Anong nangyari?

Nagmadali na tuloy akong pumunta sa pwesto ni Benj para malaman kung anong nangyari at umalis na lang yung kasama niya.

"AJ," said Benj.

"Benj, I missed you!" I smiled at him. Sinundot ko siya sa tagiliran at tumawa. "Uy, sino 'yun?!"

Benj breathed. "Scarlett." Napatango ako. Palinga-linga naman siya sa likod at hindi mapakali. Gusto niya yatang sundan 'yung kasama niya. Ano kayang nangyari?

"Sige Benj! Sundan mo na siya!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Wag mo ng pakawalan!" ani ko habang yakap-yakap siya. Grabe, namiss ko rin 'tong si Benjamin. Pero kaunting oras lang ang binigay sa amin para magkita. Mas may nangangailangan ng atensyon niya ngayon. Hindi ko maiwasang mangiti. At least...at least he's happy, I think. I'd hope so.  "Namiss kita ng sobra Benj!" Todo yakap ako kanya ngunit parang nakaiwas si Benj sa akin. "Sobrang miss!" Ngunit may narinig akong pumeke ng ubo sa may likod ko.

"AJ si Gideon," Benj whispered.

Si Benj na ang kumalas ng yakap. "Una na 'ko? Okay?" Lumapit ang mukha niya sa tenga ko. "Nandito na ang asawa mo." Benj whispered to me. Pagkatapos hinalikan niya ang ulo ko. "I missed you, too but my girl needs me. Okay?" Umatras na siya sa akin. "Bye, AJ!" Benj waved at me. Pagkatapos ay tumakbo na siya hanggang sa mawala sa paningin ko.

Nakatalikod pa rin ako. Napapikit ako at ang tanging naririnig ay ang alon ng dagat. Hala, bakit naman kasi napansin pa niya 'ko? Baka makaabala lang ako? Di ba? Mahirap na sa kanya.

"Baby..." Napalunok ako sa tawag niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Dalawang kamay niya ang nakalagay sa balikat ko. Napalunok pa ako nang ipatong niya ang baba niya sa ulo ko. "Why are you here?" aniya.

Ngunit hindi ako nakasagot nang may sumigaw ng pangalan niya.

"Giddy!"

Awtomatikong napaharap ako sa taong 'yon. Si Diane.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon