Kabanata 39

13.9K 306 24
                                    

Kabanata 39

My time


"Kailan pa?" tanong ko kay bes.

Naiwan kami sa kwarto nila. Lumabas na sila Gideon at Karl dahil may bisita ito from Chevrolet Australia. Ayaw ngang iwan ni Karl si bes pero si Nica pag nagpaalis dito. Sunod naman si Manager.

"Last week pa..." Hindi nakatingin na sabi ni Nica.

My eyes went wide. "Weh?"        

"E di h'wag kang maniwala." She rolls her eyes.

Ganito ba kapag buntis, madaling mainis o topakin. O si bes lang talaga 'yong ganito? Hindi naman ako ganito a.

"H'wag ka namang mainis bigla baka naman maging topakin 'yang anak niyo." Nginitian ko siya.

"Hindi ako naniniwala sa ganon, noh." Umirap muli si Nica sa akin. "Lalaki 'tong anak ko na kamukha ko. Hindi ni Karl dahil ayoko siyang maging unggoy katulad ng ama niya. Saka hindi mo  ba pansin na nakakairita 'yong mukha ni Karl ngayon..." Ngumiwi si Nica sa akin. "Ayokong tumatambad 'yong mukha niya sa harap ko. Kairita! Uuwi muna kaya akong Luwasan para hindi ko makita 'yong unggoy na 'yon."

"Gwapo naman 'yong si Manager a. Tama lang na paglihian mo 'yong ganong mukha!"

"Alam ko—"

Nanlaki ang mata ni Nica sa sinabi niya. Hindi ko na napigilang tumawa at lumapit na kay bes. Sinundot ko agad ang tagiliran niya. Inasar siya ng todo hanggang sa namula ang mukha nito.

"Ikaw bes a! Gwapo-gwapo ng asawa mo e."

"Baliw!" sigaw niya at hindi lumingon sa akin. "H'wag mo ngang sinasabi 'yan! Naku bes! Kapag talaga naging mukha ni Karl 'to!"

"Na malalim ang dimples?" tanong ko.

"OO."

"Na ma-appeal?"

"OO"

"Na gwapo?"

"OO."

"Talaga bes, ayaw mo non?"

"SYEMPRE GUSTO KO."

"E di wala namang problema."

"Hinde-hindi!" Nica look at me. Umiling siya sa akin. "Tama na nga! Lalo akong inaantok sa pinag-uusapan natin e! Hayaan mo muna 'yang si Karl."

"Woshoo, bes!" Umiling-iling ako at ngumingiti habang pinagmamasdan siya. "Ikaw na talaga buntis..."

"Pero bes...grabe no..." Biglang sumeryoso ang aura ng paligid sa amin. Kumalma ang aking sistema at tumingin lamang sa best friend ko habang nagsasalita. "Tignan mo ngayon, may sarili na tayong pamilya—I mean ako kahit nasa sinapupunan ko pa lang—pero grabe no...tagal na natin."

My lips curved into smile. Hindi ko alam kung bakit namumuo na kaagad ang luha ko sa mata. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng aking emosyon.

"Magpaka-serious muna tayo ngayon. Grabe 'yong binigay ni Lord sa 'ting way no? The best. Hindi nating aakalain na ganito tayo magiging kontento at saya sa binigay Niya. Mas maganda talaga kapag hinayaan mo na sumunod sa agos na binigay ng Panginoon. Magiging masaya at wala ka ng mahihiling pa."

Nanginig ang labi ko sa 'di ko mapigilang emosyon. "Oo naman, bes. Kapit lang talaga sa Kanya. Wala kang poproblemahin. Hindi ka na magwo-worry. Magiging kuntento ka na lang sa buhay mo. I won't regret the things that happened to me but I will be delighted because of His ways."

Biglang sumandal si Nica sa akin. "Tama bes, kaya hanggang sa tumanda tayo. Alam ko matibay ang kapit natin sa isa't isa dahil kay Lord. Forever best friend..."

Lumandas ang luha 'ko sa sinabi ni Nica. Hinding hindi ko makakalimutan 'yong pangyayari una kaming nagkita hanggang nandito na kami sa kalagayan namin ngayon. Nica will always be my other half. My best friend. Forever best friend. Kahit saan ka man mapunta lagi lang siya nandyan para sa akin.

"Forever best friend..." ani ko.

**

"Kapag lalaki siguro, junior na lang—" Karl interrupted.

"AYOKO NGA!" Umepela si Nica sa sinabi ni Karl. "Tumigil ka nga sa iniisip mo. Pauwi na nga lang sila Aly, guguluhin mo pa. Sige Gideon at bes, umuwi na kayo. Lasing lang siguro 'to."

"Lasing sa pagmamahal mo...mamaya a." Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Karl. Mamula-mula ang kanyang pisngi. Maybe he's drunk, you know. Sobrang saya niya talaga. Sa bawat taong may makakaharap niya sinasabi niyang magiging tatay na siya. He's really proud.

"Baliw!" Umirap si Nica sa kanya. Umakbay naman si Manager sa kanya. May naramdaman akong kamay sa aking balikat. Si Gideon.

"Sige na, bes. Gabihin pa kayo sa daan. Pakisabi kay Tris, miss na siya ng dyosa niyang Ninang."

"Okie, bes! Salamat! Love you!" I hugged Nica. Nilingon ko si Manager. "Daddy Karl! H'wag pababayaan si Mommy Nica a!" natatawang kong sabi.

"Yes, Ma'am! Ingat kayo!" ani Karl.

Tumingin ako kay Gideon. Tumango siya sa dalawa pagkatapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pumunta naman siya sa kabila pagkatapos ay nasa driver's seat na. Nilingon namin sila Karl at Nica na nagwe-wave ng hand sa amin.

Pinaandar na ni Gideon ang kotse.

Nang  makalabas kami ng bakuran nila bes ay nilingon ko si Gideon. Ngiting-ngiti ako sa naalala kong sinabi ni Karl sa akin.

"Totoo ba?" I ask.

"Alin?" aniya.

"May sinabi kasi si Karl sa akin..." Gideon looked at me. Sandali lamang dahil nagmamaneho siya. Pero kahit ganon nakita ko ang pagngiti niya na parang nakuha niya kaagad ang sinasabi ko. "Na ganoon ka rin."

"Oo. I won't deny it, baby. Katulad lang din naman ako ni Simon. We're just proud father, you know. And we will always be proud, always in everything. I have you, baby. And that's my definition of contentment and happiness. Plus, we have our angel, Patrice. Hindi ko na alam kung ano pang hihilingin ko...wala na yata."

Pakiramdam ko hindi ako humihinga noong nagsasalita siya. At tanging masasabi ko na lang ay..."I love you," Napalunok ako pagkatapos. Kinuwento kasi ni Karl na noong nalaman ni Gideon na buntis ako ay walang tigil din si pagsabi siya nito. Syempre, nagalak ako ng sobra sa narinig ko. "Mahal na mahal mo talaga ako no?" natatawa kong sabi.

"Sobra..." Tumingin siya saglit sa akin at nagsalita muli, "So much, that I can easily give up things that will distract me to you...baby. Madali lang ibagsak ang mga bagay na 'yon kapag ikaw na ang usapan."

Bigla kong naalala 'yong Autohub.

"I love you..." I felt happy and sad, thinking about Autohub and Gideon. "Pero...Gid...don't you miss it? Ang Autohub...how you handle things in Autohub?"

"Medyo...pero hindi ko naman pinagsisihan 'yong pinalit ko doon. Nasa company pa rin naman ako but I don't have the bigger responsibilities. But to be with you every time you need me and want me, 'yon na ang gustong gusto ko. Gustong-gusto kong gawin. I want my time, my space, my life with you, baby. My time is yours now, isn't not with me anymore..."

Gusto kong huminto 'tong sasakyan para mayakap siya. Ngunit hindi ako binibigyan ng karapatan para kumilos. Natameme at napaawang ako ng bibig. Nilabanan ko ang nararamdaman ko para matumbasan lahat ng sinabi niya sa akin.

"Naisip ko lang. Pero ngayon...ang alam ko 'yong oras ko para sa inyo ni Tris, Gid. Sa inyo lang buong atensyon ko. My time is yours, too, with Tris. Always, Gid. I love you, always." Ani ko.

Lumandas ang luha sa aking mata. Huminto ang sasakyan. At agad na lumapit si Gideon sa akin hanggang sa humarap ako sa kanya. He cupped my face. I breathe his name. I feel his lips slowly touching mine. And he says, "Always, baby. We'll stay always. You, I, and our angel, baby." Ramdam ko ang labi ni Gideon kahit hiwalay na ito sa akin. Bumuga siya ng marahan ng hininga. Tinitigan ko ang mata niya hanggang sa nagsalita muli siya, "I love you. So much. Not just for infinity—but if there's word more than always—that would be my love and time for you, baby."

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon