Kabanata 11
Walang paalam
Pagkagising ko, wala si Gideon sa tabi ko. Nahihiya naman akong bumaba dahil hindi naman sa aming bahay 'to. Nakailang kumbinsi ako sa sarili ko bago ko napagpasyahang lumabas ng kwarto. Saktong may papalabas ding tao sa ibang kwarto noong lumabas ako. Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako rito kay Raz o tango na lang? Kahapon nahihiya din akong i-approach si Raz, hindi kasi siya kumikibo at mas pipiliin niyang sa loob na lang ng kwarto niya. Ngayon nagkakatinginan lang kami, nakasuot siya ng hooded shirt at faded blue jeans. Mas mataas si Raziel kay Mase. Well, kasi panganay si Raz? Tama nga si Mase, tahimik lang 'tong si Raz at parang si Gideon noong una kaming nagkakilala.
"Good morning," masaya kong bati.
Please...please, h'wag mo 'kong ipahiya at mag-good morning ka rin sa akin.
"Morning," aniya at may ngiti pang kasama.
Napatulala ako ng mga 1 minuto kay Raz. Ni hindi ko napansing nakababa na siya. Ewan...ewan bakit parang nakikita ko si Gideon sa batang 'yon? Parehas sila ng buhok ni Gideon. Iyong hulma ng mukha. Define na panga. Mahahabang pilikmata na tumatama sa mataas nilang cheekbones kapag pumipikit. Para bang nakikita 'yong younger version ni Gideon? Hello Aly, magpinsan kaya sila.
I shook my head and started to walk. Mabagal ang aking paglakad para makita kung sino ang tao sa sala para mapaghandaan ko. Pero naabutan kong walang tao sa sala. Pumunta akong kusina at walang tao kaya napagpasyahan 'kong lumabas ng bahay. Napatingin ako sa kanan, sa may pool area nang may narinig akong pagtawa. Nakaupo si Mase at ang lola niya habang si Gideon ay nakatayo malapit sa pool at may kausap sa phone.
"Alysson!" tawag ng grandma nila sa akin. Tumayo pa ito at lumakad para salubungin ako. Si Mase naman sumabay sa lola niya. Nang magtagpo kami ay huminto sandali si Mase para humalik sa pisngi ng lola niya.
"Bye. Habulin ko lang si kuya," ani Mase. Kumindat ito sa akin at nagmamadaling naglakad palabas ng bakuran.
Napailing na lang ang lola niya at tumingin sa akin. Their grandma holds my hand. "Kumain ka na ba? Masyado ka bang napagod sa pangingisda kahapon?" Lunok. Bigla na lang akong napatingin kay Gideon na nakatingin na pala sa akin at binubulsa na lang ang phone. Pinipigilan muli nito ang ngumiti na parang narinig niya 'yong sinabi ng lola niya. Ughh...this is awkward. "Are you tired?" grandma said, concerned.
Mabilis akong umiling. "Hindi po..." Muntik na ako mapapapikit nang maalala 'yong kahapon. I felt my cheeks went red. Biglang nanuyot ang aking lalamunan at sobra ang kalabog na aking dibdib sa kaba o hiya o ano man ito.
Grandma's brow creased, slightly. Nagtatago ang pagkurba ng kanyang labi habang pinagmamasdan akong mabuti. Na parang hindi ako nagsasabi ng totoo. Napapikit na akong ng mariin doon. Ngunit ang kinagulat ko ay ang pagtatanong nito kay Gideon at ang pag-akay sa akin sa pwesto nito. "Ano bang ginawa niyo?" I gulp. "Bakit parang napagod si Aly ng husto?" I gulp again and open my eyes. Diretsong dumestino ang aking tingin kay Gideon. "You went outside for fishing, right? Or iba pa ang ginawa niyo?" Wala na. Nanunuyot na ng tuluyan ang aking lalamunan. Ni lunok hindi ko na magawa.
Ugh...Gideon. Ughhh.
Pinasadahan ko ng isang tingin si Gideon. Napaawang ako ng bibig sa ngiting binigay niya. "What do you think, grandma?" mapaglarong sabi ni Gideon. Napaiwas agad ako ng tingin.
"O," Grandma laughs then speaks, "Don't tell me...hindi lang fishing ang inatupag niyo."
"Well, I didn't go just for fishing, you know Grandma." Para akong isang bato na unti-unting binibitak sa kung ano man.
"O, Azel, katulad ka talaga ng lolo mo." Grandma said and looked at me. "You don't go for one particular activity. Instead, may mas inaatupag kayong iba." Umiling ito habang tinitignan ako. Alam ko na ang susunod nitong sasabihin. "Madagdagan na yata si Nathaniel sa pamilya. Nawa'y abutan ko pa 'yang sa inyo kung sakali."
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
Storie d'amoreNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...