Kabanata 16

16.6K 358 15
                                    

Kabanata 16

How long

Kahit na sinabihan ako ni Gideon na manatili sa kanyang opisina ay hindi ko siya sinunod at lumabas ng wala niyang pahintulot. Kasaluyang nasa board room sila para pag-usapan 'yong balita ni Ms. Lopez, iyong babaeng kanina na ngayon ko lang nakita sa kompanya pero pamilyar sa akin ang mukha.

Nag-iwan na lang ako ng note at text sa kanya na uuwi na lang ako. Nais ko pa sanang dalawin sila Jas pero naisip ko na abala sila sa trabaho. Ayoko namang istorbohin sila. At least ngayon nakita na ng dalawang mata ko kung gaano kabala ang empleyado ng Autohub. Hindi biro 'yong inaakikaso nila kahit hindi ko alam kung anong problema ang dinulot ni Nick dito. Naalala ko non 'yong sinabi ni Gideon na naging parte o nagkaroon ng parte ang kompanya ni Nick sa Autohub? O kinukuha ni Nick 'yong mga affiliates ng Autohub? Hindi ko alam kung anong totoong ginawa niya para maging ganito ang pinsala. Pero atleast dahil doon sa magandang balita ni Ms. Lopez, masosolusyonan na siguro 'yong problema.

Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating akong elevator. Walang tao ng nang sumakay ako. Pagkababa ko ay nagdiretso ako ng lakad hanggang sa makalabas ako. Napalagay ako ng kamay sa ibabaw ng aking noo dahil sa sinag ng araw. Napabaling ang aking ulo sa isang gawi at nakita ko ang center ng Autohub.

And the memories are starting to come back.

Dito ko na-experience 'yong pagla-launch ng kotse at Aston Martin pa talaga. Isa 'yong sa mga memories na hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ko.

Patuloy akong dinala ng aking paa sa Center. Hindi ko nakuhang magpaalam sa guard at pumasok na lamang ako roon. Bumungad sa akin ang entablado nito. Dinala ako ng paa ko roon hanggang sa umakyat at nasa gitna na ako. Bumuga ako ng hininga at napapikit.

Bakit nga ba pumunta ako rito?

Ilang taon na pala ang lumipas noong nangyari 'yong launching?

Ilang taon na pala ang lumipas simula nang mangyari ang lahat?

It's been years, Alysson.

"It's been years, baby. Dinadala ka pa rin ng paa mo rito."

Dali-dali akong napabukas ng mata sa boses na umalingawngaw sa center. "Gideon..." I was lost on words, seeing him here. Hindi ko alam kung bakit kumalabog ng ganito ang aking dibdib kaya napahawak na lang ako roon.

Patuloy na lumakad si Gideon patungo sa stage. Rinig na rinig ang bawat yapak na ginagawa niya. Parehas kami ng iniisip ni Gideon. Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang hinihintay siya at hindi na mapakali na makalapit siya sa pwesto ko.

"You missed this place, huh, baby?" Mga limang hakbang na lang ay makakapunta na siya sa aking kinalalagyan. Tatlong hakbang. Dalawang hakbang hanggang naging isa.

Umakyat siya ng entablado. Hinintay kong maging magkatapat kami ng pwesto bago magsalita. "Oo. Ang tagal na rin noong nakapunta ako rito. Pero ganto pa rin pala 'to," ani ko.

Gideon nods. "I missed this place, too. Ngayon lang din ulit ako nakapunta rito," aniya. Hinawakan ni Gideon ang kamay ko. He kissed my knuckles. My heart exploded in memories. "O God, this was place I was very, very insecure with the men watching you, baby. How can you be beautiful and charming and perfect at the same time?"

I giggle. "Nako-nako!" natatawa kong sabi. I bit my bottom lip to keep me from  giggling. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito. Biglang nawala 'yong pagkabagabag ko nang nasa harapan ko na siya. Sana pagkatapos nong good news ni Ms. Lopez, maayos na ang lahat. Hindi na siya magiging busy na buong oras niya nasa kompanya.

I'd hope.

"Labas tayo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Totoo? Seryoso 'yan?" Agad akong kumapit sa kanya. "Wala ng bawian!" Hinatak ko na siya hanggang sa patuloy na kaming naglakad palabas ng center.

**

"Saan ba tayo?"

Paulit-ulit kong tanong sa kanya ngunit hindi naman siya sumasagot. Katatapos lang namin ni Gideon kumain ng lunch sa mall! Oh my God! Hindi ko alam kung kailan kami nag-mall ng dalawa. Ngayon lang ba? Oh God, first time lang siguro naming mag-mall ng magkasama? Sa susunod nga lagi namin 'tong gagawin.

Patuloy na tinatahak namin ni Gideon ang daan gamit ang Chevy. Panay baling ko ng lingon sa kanya pero ang pagkurba lang ng labi niya ang sagot niya sa akin.

"Saan tingin mo?"

Napasimangot ako. "Bakit ba kapag nagtatanong ako, tanong rin ang bato mo sa 'kin?"

"Because you're too cute." He laughs, hoarsely.

Napalunok ako.

"K fine," inis ko. Lalong bumusangot ang mukha ko. Pero meron sa akin na natutuwa sa nangyayari ngayon sa amin ni Gideon. Well, dahil namiss ko ganitong moment naming dalawa. Sana magpatuloy na 'to. Alam ko naman 'yong trabaho niya, naiintindihan ko pero noong mga nakaraang araw iba 'yong pagkaabala niya. Sana talaga maulit pa 'to. "Pero seryoso, saan ba tayo pupunta?" Nilingon ko siya saglit. Tinignan ang paligid sa bintana ng kotse. At unti-unting kumurba ang labi ko sa isang malaking ngiti. "Namiss mo rin naman pala 'to, huh?" ngisi ko sa kanya.

"Oo kahit palagi naman ako nandito. But I missed being here with you." 

Huminto ang kotse. Agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas ko ng kotse ay sumagot ako sa kanya. "Ako rin. Namiss ko 'to. Lahat bagong nangyari 'yong ayaw ko." Tipid akong ngumiti sa kanya. Kumapit agad ako sa kanyang braso pagkatapos ay pinagsalikop ang kamay namin. Sinandal ko pa ang aking ulo sa kanya.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa makapasok kami sa loob nito. Bumungad sa amin ang malakas na hangin at ang malinis na daan na pinagdadausan ng race. Walang tao sa malaking at mahabang lugar na 'to. Natatanaw ko mula sa pwesto namin ni Gideon iyong puno ng mangga.

Parehas kaming napatingin ni Gideon sa isa't isa. Lumapit ang mukha niya sa akin. He gave me a peck. Umiling ito at napangiti ako ng wala sa wisyo. Sana ganto na lang lagi. Nasa tabi ko lang siya.

Dinala kami ng aming mga paa sa mataas na lugar na 'yon. Na paborito kong lugar. Habang naglalakad ay napatingin ako sa dinudukot ni Gideon sa kanyang bulsa. Ingat na ingat siya rito hanggang sa ilabas niya 'yong papel.

Sobrang dilaw na nito sa kalumaan. Iyong mga salita roon papalupas na ngunit pansin pa rin kung ano 'yon.

U.N.I.

Napatawa na lang ako. Napakagat ng pang-itaas na labi habang inaalala ko paano anong sinabi ni Gideon noon. We were both young when this thing happened. Young love yet so powerful love.

Ang corny naman. Kainis.

"Ang corny mo pala," natatawa kong sabi. "Pero ang sweet."

Nang makarating kami sa tapat ng punong mangga ay kinuha ko sa kanya 'yong papel. Tinaas at pinagmasdang mabuti. Sa likod nito nandoon pa 'yong sulat noong minsang umalis si Gideon at pumuntang London. Bigla akong kinabahan nang maalala ito, ewan ko kung bakit na lang ako kinabahan ng ganito kaya binaba ko na 'yong papel.

"Corny yet sweet but you loved it," aniya. Hinawakan ni Gideon ang magkabilang balikat ko. Pagkatapos ay tumingin sa aking mata. There is something on his eyes, a puzzle na hindi ko mabuo hanggang hindi niya sinasabi. Sumeryoso ang mukha niya. "Nakita ko 'yan sa drawer mo. Kinuha ko. Tinago mo pala."

"Oo." My heart is not beating normal. Dahil sa kakaiba niyang tingin na may importante siyang sasabihin sa akin. "Actually, binigay ni Benj 'yan sa akin. Siya nakapulot."

"Hindi ko napansing nahulog ko 'yan. I never wanted. Because I was thinking that this was the only thing I could hold on for us—this paper had so many memories that I would love myself to drown in. Pero nahulog ko pala." Gideon smiled, painfully. Alam kong may iba pa 'tong gustong sabihin. At hindi na ako makapaghintay pa. My mind and heart are exploding in possibilities.

Say it, Gideon.

"Gideon..." I was lost in words. Hindi ko alam kung paano.

"Can I keep this? Pwede bang akin muna 'to?" Dahan-dahan kinuha ni Gideon 'yong papel sa akin. Napaawang ako ng bibig. "Because I'm gonna miss you again. Kahit ngayon palang hindi pa ako umaalis, nami-miss na kita."

Sabi ko na nga ba.

But how long?

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon