Kabanata 15

16.6K 340 20
                                    

Kabanata 15

Good news

Nang magsabay kami ng tingin sa isa't isa ay bigla akong napaiwas. Tahimik kaming kumakain ng hapunan at wala sa amin—o hindi ko lang talaga pinapansin 'yong sinasabi niya noong nasa kusina si Manang at nagtatanong. Maagang umuwi si Gideon. Maaga rin kaming kumain. Naguilty ako sa iniisip ko dati. Ang laki-laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Gideon. Pero feeling, ang inconsiderate ko sa kanya.

Napakagat ako ng labi nang mapagpasyahang ligpitin na ang pinagkainan namin. And this time, magsasalita na 'ko. Napalunok ako at sikretong napabutong hininga nang ibaling ko ang tingin sa refrigerator.

"I'm sorry." We spoke the same two words. Parehas kaming tumingin sa isa't isa. Binaba ko ang platong hawak ko kahit na nakatingin pa rin ako sa kanya. Parehas nagsasalita ang aming mata sa kung ano man ang ninanaiis namin sa isa't isa.

Napaloob ako ng labi at humugot ng malalim na hininga. Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya 'ko. "I'm sorry. I'm kind a lost right now, baby." Tipid na ngumiti si Gideon. Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang kamay. Halatang pagod na rin siya sa ekspresyon ng kanyang mukha. Napapikit siya ng mariin at nagsalita, "Unexpected things happened. And I don't know how to stop it. The company I build is slowly losing the track.  Hindi ko alam na magiging ganoon 'yong pinsala na ginawa niya parang maging ganito 'to. Na nadamay pati ang empleyado ng kompanya." Gideon's jaw clenched. Yumukom ang kanyang kamay ng sobrang higpit. "I'd foresee things about us, baby. But I do believe you'll understand me. I know this is too much to ask because I failed you. Ilang beses na akong hindi tumutupad sa usapan. I'm sorry. I am really sorry. I am," His Adam's apple moved. Dinilat niya ang kanyang nakakaakit na mata.  "Hindi ko maiwan. Hindi ko maiwan 'tong kompanya hangga't hindi naaayos. You know, I can give everything up. Kaya kong iwan ang lahat para sa'yo. But how can I leave the company that gave me so much memory with the mess he made? I don't want to lose the trust they gave to me. I don't want to lose the people behind my success—our success. I won't let the people behind Autohub down with these problems." His stare is piercing me and slowly drowning me. "And I don't want to lose you again, baby. Give me time to resolve all of this. And I'll give up everything and adore you with all I am." Gideon smiled—a tiring smile.

Inabot ko ang kamay niyang nakayukom. Nang ipatong ko ang kamay ko roon, he unclenched his hands. Kumalma ang kanyang sistema. "It's okay. I'm going to give the time you needed. Don't worry. You'll not lose me. Not anymore." Ngumiti ako para mapalagay siya. Inalis niya ang nakapatong kong kamay sa kanya. Gideon leans, cups my cheek with his right hand. Napapikit ako at dinama ang kamay niya. "I love you. Always, Gideon. Always."

"Always, baby. I love you."

And it washes all the worries I have.

**

"Uhm...Karl?" I lick my lower lip.

"O, yes, baby?" Napairap ako sa kaartehan nito. Kahit na nakikipag-usap lang ako sa kanya sa phone, naiimagine ko pa rin 'yong katayuan niya. Narinig ko ang kanyang pagtawa kaya napairap muli ako.

"Err. Stop it." I awkwardly say. "Pwede ba akong bumisita dyan? Sa department niyo?" Napakagat ako ng isang daliri habang hinihintay ang sagot ni Karl.

Kakaalis lang ni Gideon at agad kong tinawagan si Karl. Ewan kung bakit naisipan kong puntahan ang Autohub ngayon. Gusto ko lang siguro makita kung ano 'yong nangyayari na makikita ng dalawang mata ko.

"O, bakit hindi ka sumabay sa asawa mo?" tanong niya. May narinig akong nagsalita sa linya ni Karl na hindi siya na parang tinatawag na siya. "Sige. Sige, Aly. Pwede ka namang pumunta rito. May meeting na kami. Bye! See you!" And the line went dead.

"Manang, aalis po ako!" sigaw ko.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at hindi na narinig kung ano man ang sasabihin ni manang. Mabilis akong tumakbo palabas ng village. Saktong may padaan na taxi nang makalabas ako at agad ko iyong pinara. Sumakay ako at sinabi sa driver ang aking patutunguhan. Napasandal akong hingal na hingal sa ginawa ko.

Napapikit ako habang kinakalma ang mabilis na pagtibok ng aking puso. At sa pagpikit ko naalala ko lahat ng sinabi ni Gideon. Kung gaano kabigat 'yong nakaatang sa kanyang balikat. I was really inconsiderate. Maybe I miss the attention I'd want from him. Pero  kung titignan kung anong ginagawa niya sa kompanya, siya 'yong nahihirapan. It was Nick's fault. Alam ko siya nagsira ng kompanyang pinaghirapan ni Gideon.

"You know, baby, it is you why I build the Autohub, it is you why I have this kind of success—why we have this kind of success. At hindi natin 'to makakamit kung hindi dahil sa mga tao behind Autohub."

 

Nararamdaman ko 'yong bigat ng problema ni Gideon sa bawat mariin niyang pagpikit kagabi. Kung kaya ko lang bawasan 'yong bigat—kung kaya ko lang—kung may magagawa lang sana ako. Pero ang tanging magagawa ko ay sundin ang pakiusap niya sa 'kin. Alam kong oras 'yong mawawala sa amin. Handa akong ibigay 'yong oras na kailangan niya.

Tumigil ang taxi at nagbayad ako. Nang bumaba ako'y siyang hangin ng malakas. Napapikit ako para hindi mapuwing.

"It is you, the business I would love to care of. It is you, my main concern. Always, baby, always."

 

Ume-echo sa akin kung anong sinabi niya kagabi noong patulog kami. Sa pagpikit ko habang naglalakad ay dumaan sa buong pagkatao ko 'yong halik na binigay niya sa aking ulo. Patuloy akong naglakad hanggang sa nasa harap na ako ng automatic glass door ng Autohub. Bumukas ito at bumungad ang lamig ng aircon sa aking katawan. Napatulala ako sa mga empleyadong abalang-abala na labas pasok sa elevator, palabas ng building, at sa mga empleyadong may kausap sa kanilang phone. Tinignan ko sila at hindi ko inaasahan na ganito kabala ang Autohub. Siguro 'yong iba nasa opisina nila at abala rin. Baka may meeting din 'yong iba katulad ni Karl? Kamusta kaya sila Belle? Jas? Ano kayang ginagawa nila ngayon?

Patuloy akong naglakad para makarating sa elevator. Saktong pagkarating ko roon ay bumukas ang private elevator at nilabas nito si Gideon kasama ang ilang Managers ng kompanya kasama na si Karl. Napansin ako ni Manager at ngumuso siya para ituro si Gideon. Tinignan ko ito at hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa akin. His lips are slightly open. Siguro dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta ka rito. Ngunit nabaling sa iba ang kanyang tingin sa babaeng nagsalita.

"Mr. Jimenez, good news!"

Unti-unting kumurba ang labi ni Gideon sa isang ngiti nang makarating 'yong babaeng  sa pwesto nila. And I don't even know how to react or move at my situation right now. Siguro'y mali na pumunta pa ako rito.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon