Chapter 2

26 2 0
                                    

Kinuha ko na lahat ng gamit ko saka sabay na nag lakad paalis kami ni Cristy at Tim.

"Balita ko ginulo ka na naman ng ex mo, ha?" Panimula ni Tim. Tumingin sa akin si Cristy. "Totoo ba yun, Leei?" Tanong nya. Tumango ako. "Sana naman eh malinawan na sya na break na kami. Hindi kase madala, eh. Kainis." Sabi ko

"Ipabugbog mo kase sa tatay mo ng madala." Biro ni Tim kaya binatukan sya ni Cristy. "Baliw talaga to." At nag umpisa na naman ang bardagulan nila.

Pagkalabas namin ng school ay nag kanya kanya na din kami ng uwian, mag kakaiba kase kami ng uuwian. Hindi naman kami mag kakapitbahay.

Ng makarating ako sa bahay as usual ako lang ang mag isa. Napabuntong hininga ako. Ang mama ko ay matagal ng OFW, 6 years old pa lang ako ay nag abroad na sya. Iniwan nya ako sa tatay kong lasing lagi.

Okay lang naman sana sa akin na mag inom sya, ang ayaw ko ay ang ginagawa nya kapag lasing na. Nag wawala at nananakit. Gusto lagi ng away, kapag sinabihan mo naman magagalit at sasabihing anak lang daw ako kaya huwag mag magaling.

Nag saing muna ako bago mag bihis pagtapos ay nag hugas ng pinggan, mabuti naman ay bumyahe ng tricycle ang tatay ko ngayon.

Lumabas ako para bumili ng bigas sa kapitbahay namin. Napatingin ako sa isang bahay na katabi ng bahay ng Pinsan ko. May ilaw na kase ang balita ko ay ibenenta na ito.

"Aleng Norma may bago ng nakatira dito?" Turo ko sa bahay na ilang dipa lang ang layo. 30 steps lang ay bahay na namin. "Oo, kalilipat lang kanina." Sagot nito. "Oh, bale 80 dalawang kilong bigas." Ibinigay ko ang bayad ko.

"Ano hindi ba lasing ang Papa mo ngayon?" Tanong nya kaya nawala ang ngiti ko sa labi. "Hindi naman po, bumyahe ata sya ngayon." Nahihiyang Sagot ko.

Lahat na ata ng kapitbahay namin ay alam na ang ugali ni Papa. Marami na kase syang nakaaway dito, mabuti na lang at hindi sya pinapatulan nito.

"Naku, kung saktan ka na naman ay umalis ka na sa bahay ninyo, doon ka muna matulog sa Pinsan mo. Kaila Jemalli." Ngumisi ako. "Okay po."Sagot ko at umalis na.

Bumili din ako ng isda napag desisyonan ko na iprito na lang ito. Tinatamad akong gataan. Ng matapos ko lahat ng gagawin ko ay nauna na akong kumain, ayaw ko ng makasabay si Papa.

Nakakatawang sya na nga ang may kasalanan ngunit ako pa ang nahihiyang humarap sa kanya.

Humiga ako sa kama at inilabas ang phone ko para mag Facebook kita ko ang bagong post ni Christian, photo ko iyon na nakaakbay sya sa akin. Mahigit 200 likes ang meron. Binasa ko ang mga comment ng iba.

Herry Pim: Luh? Sabi ni Leei break na kayo? Ano bayan! Liligawan ko na, eh.

Christian: Back off, dude. Sa akin sya.

Tim: How do you say so? Akin ang kaibigan ko! Kami na.

Napailing iling ako kay Tim. Gustong gusto nya talagang bwesitin ang mga may gusto sa akin.

Kung hindi ko lang ito kaibigan iisipin kong may gusto sya sa akin at binabakuran nya ako.

Christian: Sabi ko na nga ba may affair kayo! Lagot kayo sa akin.

Tim: Tangina mo!

Nana: Hindi kayo bagay, ang nararapat kay Leei na lalakiro ay ang lalaking seryoso sa buhay. Kailangan nyang patinuin si Leei!

Napahinto ako sa pagbabasa nun. Bigla tuloy akong napaisip, ano kayang pakiramdam ng mag magkaroon ng boyfriend? Yung totoong relasyon talaga. Hindi ko pa kase naranasan iyon.

Sa 20+ na naging boyfriend ko ang pinaka matagal lang doon ay 2 months. Na bobored kase ako agad, pakiramdam ko hindi na agad masaya ganun. Parang may hinahanap ako na hindi nila kayang ibigay sa akin.

Jinojowa lang naman nila ako dahil sikat ako, kapag naging boyfriend ko sila sikat na sila kase pumasok sila sa taste ko.

Iwinaksi ko na lahat ng inisip ko saka nag simulang matulog, may pasok pa bukas at haharot pa ako kaya kailangan ko ng pahinga.

KINABUKASAN pag dating ko sa room ay malaki ang ngiti kong tinabihan si Cristy sa harapan. Tumingin sya sa akin. "Si Lou ang nakaupo dyan." Ngumuso ako.

"Bakit ayaw mo ba akong katabi?" Nag tatampong sabi ko. Tumawa naman sya at binatukan ako. "Girl huwag kang pabebe, hindi bagay sa iyo." Umismid ako. "Asan nga pala si Tim?" Pag iiba ko ng usapan.

Napahinto sya. "Ewan ko ba don! Baka nag hahanap na naman ng bagong majojowa." Inis na sabi nya. Pinakatitigan ko sya. "Bat naiinis ka?" Bigla kong tanong kaya namula sya.

"Basta nakakainis sya! Sabi ko hintayin nya ako at sabay kaming papasok ng school kaso nauna na say dito at iniwan ako." Naiiyak na sambit nya. Confirm gusto nya si Tim.

Ngumisi ako. "Alam mo girl, ang mga lalaki hindi worth it iyakan yan. Gusto lang nila ay mag laro kaya pag bigyan mo, tignan mo ako sinasabayan ko ang mga laro nila edi masaya pa ako." Sabi ko. Ngumuso naman sya.

"Hindi naman laro ang gusto ko, malaki na tayo, Leei. Kailan mo ba gustong mag seryoso?" Natahimik ako sa itinanong nya.

Napabuntong hininga ako. "Ewan, sa lahat kase ng mga nakilala kong lalaki wala sa kanila ang hinahanap ko." Bulong ko na narinig nya.

"Eh, paano mo kase mahahanap iyon laro lang naman ang alam mo sa pag ibig." Sagot nya. Tumayo na ako saka nag lakad paponta sa upuan ko.

Isa pa natatakot din akong mag mahal, baka makahanap ako ng tulad ni Papa. Na sasaktan ako at pag bubuhatan ng kamay.

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon