"Look at your score in quiz, Ms. Lewis. 26/100 do you think mag grade 12 ka pa?" Mahinahong tanong ni Ma'am Elizabeth.
Nandito kami ngayon sa faculty at pinag titinginan kami ng ibang mga teacher, well sanay naman na akong pinapaponta dito at babarahin ngunit nakakahiya dahil nandito ngayon si Isaac at pinag mamasdan kami ng Mama nya.
Ngumuso ako."5 nga lang si Tim dyan, Ma'am, eh." Halos bulong na sabi ko.
"Iba si Tim, iyon wala na talagang pag asang pumasa, Ikaw. You have a smart cousin, halos lumuhod na sya sa amin para lang ipasa ka. Ano ng gagawin mo? Ganyan ka nalang?" Tanong nya ulit.
Kumunot ang noo ko at pilit na huwag magsalita ng masama. Ayaw na ayaw ko yung kinokompara ako.
"Ms, Lewis!" Napatingin kaming lahat sa pinto na humahangos na advicer ko. Malamang nalaman nya na ang lahat.
Agad syang lumapit sa akin at mahina akong kinutusan. "Nangako kang pagbubutihin muna!" Sabi nya.
"Sir, sabi ko pag bubutihin ko, hindi ko sinabing makaka perfect score ako gaya ng inaasahan ninyo." Pabalang na sagot ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Grade 11 kana, Leei. Senior high, hindi kana elementary na papetiks petiks ka." Komento ng isang teacher na nanonood sa amin.
"Ano pa itong sinumbong ng isang subject teacher mo?! Sinabihan mo syang hindi naman nagtuturo!" Sigaw na naman ng advicer namin.
Ngumuso naman ako. "Totoo naman, Sir, ah? Kaya bored akong nakikinig kase hindi sya maayos magturo---" Siniko na naman nya ako.
"Nagdadahilan ka pa! Gusto mong ipatawag ko ang tatay mo?!" Doon na ako natahimik.
"Ipatawag na, ng madala naman iyan." Rinig kong sabi nila.
Nagsalubong ang kilay ko ngunit hindi na ako nagsalita pa. Umayos ako ng tayo saka tumingin sa kanilang lahat.
"Sige, tawagan nyo ang tatay ko, pero huwag kayong aasa na aayos pa ako. Mali ang pag papalaki sa akin kaya hindi ko na mababago kung ano ako." Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako.
Nagtama pa ang mata namin ni Isaac, nakatingin sya sa akin ng seryoso ngunit hindi ko mabasa ang isip nya. Masyado syang seryoso sa buhay.
Hindi na ako pumasok pa sa iba kong subject, isusumbong rin naman nola ako sa Tatay ko kaya sulitin ko na.
Dumaretso ako sa pinag tatambayan namin ni Tim, nakita ko syang nag billiards mag isa.
Tumingin sya sa akin. "O ano? Okay na? Ginisa ka na naman doon sa faculty, no?" Natatawang tanong nya.
Ngumisi ako. "Hindi lang ginisa, niluto pa ako tanga!" Umupo ako sa gilid saka sumandal.
"Nauuhaw ako, Tim. Bili mo ako pagkain." Mahinang sambit ko. Lumingon sya sa akin. "Anong gusto mo?" Tanong nya naman.
Ngumiti ako. "Kiss mo." Ngumuso pa ako kaya binato nya ako ng chalk. Natatawa syang umiling. "Gago, kadiri ka!" Pinakyuhan ko nalang sya.
"Bilisan muna! Nagugutom na ako!" Inis na sabi ko. Lumabas naman sya at naiwan ako dito.
Ng ako nalang ang mag isa ay naisip ko ang nangyare kanina. Kung papaano nila ako tignan. Ang baba ng tingin nila sa akin.
Hindi na ako mag aaral next year, tapusin ko nalang ito. Feeling ko rin naman hindi ko na kaya.
Mag tra-trabaho na lang ako, kasambahay or pabrika. Kahit maliit na sahod okay na, hindi naman ako gastador, eh. Ayaw ko naring mag asawa at pamilya, ayokong maranasan ng anak ko ang pag hihirap.
Kaya ko namang mamuhay ng mag isa, mula bata pa naman ako ganun na ang naging buhay ko.
"Oh! Umiiyak ka na naman." Inabot sa akin ni Tim ang isang soft drink at binigay ang burger.
Pinunasan ko ang mata ko, hindi ko na naman namalayan na umiiyak ako.
Kinuha ko ang cellphone ko ng mag vibrate ito.
From: Mama
Anak nag padala ako, 15k. Pagkasyahin mo nalang muna sa dalawang buwan ninyo, daan ka nalang din kumuha kapag may babayaran sa school ninyo. Sorry, ha?Nag text na din ang cebuana kaya tumayo na ako. "Uwi na ako, Tim. Pakisabi nalang kay Cristy, sorry." Magkapit bahay kase silang dalawa.
Kinawayan nya lang ako, sumakay ako ng tricycle paponta sa cebuana. Ng matapos ako ay umuwi ako sa bahay, bumili nalang ako ng sisig na tig50, dalawa ang binili ko.
To: Mama
Nakuha kuna.Pagtapos kong mag saing maaga din akong kumain, 4:30 pa nga lang kumain na ako ng hapunan. Dibale kapag nagutom ako mamaya bibili nalang akong biscuits.
Sa kwarto lang ako hanggang mag gabi, gumawa ng assignment kahit mali mali ang mga Sagot. Okay na iyon atlis nakapag pasa ng maaga.
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya alam kong dumating na si Papa. Bahala sya dyan, kumain nalang sya may ulam naman na, eh.
Nagscroll scroll ako sa facebook ng makita ko ang post ni Tim.
'I'm loving you even you're to emotional.'
Yan ang pinost nya at may 100 likes, marami ring nag comment at karamihan ay mga naging babae nya or girlfriend.
Unknown: Hindi yan love, lust lang yan. sinabi mo din sa akin yan!
Unknown: Lol, sino naman kaya ang bago mong pipikutin?!
Cristy Cerna: Hahahaha, putangina.
Ngumisi ako saka nag comment sa post ni Tim.
Leeina Lewis: OMG!! That's me, ano ba yan, Tim! Sabi ko na, eh. You have a secret feelings on me.
Wala pang 1 minute andami ng nag angry react sa comment ko. Yung ina nag reply pa.
Unknown: Yuck, pag Kaibigan, kaibigan lang.
Unknown: Bagay talaga. Parehas mga basura at patapon.
Leeina Lewis: Ikaw patapon tanga! Ano sparing tayo?! Abangan kita sa kanto bukas gago ka, ha! Akala mo naman hindi nabaliw sa akin Kuya mo?! Gago nag makaawa pa sa akin iyon!
Bwesit na ito. Masyado na naman akong high blood. Nag haha react si Tim sa nireply ko.
Tim Cruz: Ako tagaawat, saan ba gaganapin? HAHAHAHA putangina.
Napairap ako. Papatayin ko na sana ang phone ko ng mahagip ng mata ko ang isang account.
Isaac Nathaniel Heimz
Nakangiti akong inistalk sya. May cover photo sya na isang salita.
'She look like a parrot. So, noisy. A parrot that have a broken pieces, that no one see except me.'
Ang profile nya ay naka mirror selfie sya, kita hanggang balikat nya at mukhang topless sya. Ang hot nya shit.
Wala rin syang mga pinopost maliban sa mga tag photos ng family nya, mahilig mag selfie si Ma'am Elizabeth at mukhang dinadamay ang mga anak.
Nanlaki ang mata ko ng bigla kong mapindot ang add friend, shit! Tatanggalin ko sana kaso biglang nag hang ang phone ko at hindi na gumagalaw ang screen.
Nagpagulong gulong ako sa kama habang sunod sunod ang pag mumura sa aking sarili. Putangina!
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomansaHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...