Nakasakay kami ngayon sa isang bangka. Nandito kami sa Burnham Park. Ganda ganda talaga dito. Andaming mga tao kahit medyo maalinsangan.
Inilabas ko ang phone ko at pinicturan ang paligid. Nakangiti ako habang ginagawa iyon.
Natigil lang ako sa pagkuha ng litrato ng maramdaman kong pinagmamasdan ako ni Isaac. Nakatingin sya sa akin habang may ngiti sa labi.
Para bang mini-memorize nya yung buong mukha ko.
"Baka naman mas lalo kang mainlove sakin nyan, ah." Biro ko. Tumawa naman sya.
"This is our first date, I want to go again when we get engaged." Biglang wika nya kaya natawa ako.
"Bakit parang sure na sure ka ng tayo ang magkakatuluyan?" Tawa ko pero agad ding nahinto ng seryoso lang sya.
"Hindi ka ba sigurado sa akin?" Walang emosyon na tanong nya.
Napalabi ako. "Hindi naman sa ganun." Mahinang sagot ko. "Then why?" Tanong nya ulit.
"F-first time ko kaseng gagawin ang serious relationship. H-hindi ko alam kung papaano gawin." Mahinang sabi ko habang nakayuko.
Ramdam ko ang tingin nya pero agad akong nagulat ng kabigin nya ako at yakapin. "I'm sorry. I thought hindi mo ako nakikita bilang future mo." Bulong nya.
Tumango ako. "Sorry din." Hinalikan nya ako sa noo. "No, I understand."
Nag arkela din kami ng bike pagtapos namin sa bangka. 6pm na ng matapos kami sa pag gagala.
"Baby, we're here na." Nagising ako nung marinig ang mahinang bulong ni Isaac, nakahinto na ang kotse kaya napatingin ako sa paligid.
Tinanggal nya yung seatbelt ko at sabay kaming lumabas ng kotse. Naabutan namin sa bahay nila ang Pamilya nya na nag di-dinner na.
"Nakauwi na pala kayo, kumain muna kayo." Aya ni Ma'am Elizabeth. Hinawakan ako ni Isaac at iginaya sa dining nila. Umupo ako sa tabi ni Issa.
"Kamusta ang first date ninyo?" Tanong nung Daddy ni Isaac. "Maayos naman ho." Sagot ko. Nilagyan ako ng pagkain ni Ma'am Elizabeth sa plato ko. "Kumain ka pa iha, ang payat mo." Sabi nya.
Napangiwi ako. Anong payat? Sexy ho ang tawag dyan.
Pagtapos kong kumain sinamahan akong ihatid ni Isaac sa labas ng bahay namin. 7pm pa lang at sarado na ang bahay. Ang aga namang natulog ni Papa?
Pumasok ako sa bahay at binuksan ang ilaw. Wala ng katao tao sa sala namin kaya dumaretso ako sa kwarto ko. Nagbihis ako ng pantulog at humiga sa kama ko.
To: Isaac
Nasa kwarto na ako, Ikaw?Mabilis naman syang nagreply.
From: Isaac
Nasa kwarto din. May ginagawa.To: Isaac
Anong ginagawa mo?From: Isaac
Research, Baby.Napakagat ako sa labi ko. Kapag tinatawag nya akong Baby lumalakas talaga ang tibok ng puso ko. Nakakainis. Bakit ganito?
To: Isaac
Tulog na ako, Babe. Antok na talaga ako.From: Isaac
Sure. I love you, good night.Itatabi ko na sana ang phone ko ng makitang online si Tim sa facebook.
To: Tim
Hoy, musta?From: Tim
Hahaha okay lang. Ikaw? Kita ko sa facebook post mo nagdate kayo ng jowa mong hilaw.Napasinghap ako. Kainis to, ah! Inaasar asar lang yung jowa ko.
To: Tim
Tangina mo po.From: Tim
Matulog ka na nga. Istorbo ka eh.Napairap ako at tuluyan ng pinatay ang phone ko.
KINABUKASAN ay gumala gala ako dito sa village namin. 10 am palang at nagtext si Isaac na umalis sila kasama ang buong pamilya nya. Business ata ang kinalaman.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang grupo ng mga kababaihan. Naaalala kong sa university rin namin ito nag aaral. Grade 11 din at may mga galit sa akin.
Ang isa na leader ata nila ay may hawak na sigarilyo sa kamay. Ngumisi sya ng magtama ang mata namin. Lumapit sya sa akin at hinagis sa akin ang sigarilyo nya.
Nagtiim ang bagang ko.
"Matapang ka talaga, Leeina. Kahit madami na kami hindi ka pa din takot." Maangas na sabi nung leader nila.
Pinalibutan nila ako kaya bigla akong kinabahan. Ang kaba ko ay kakaiba ngayon. Kung dati kinakabahan ako baka matalo ako ngayon ay kinakabahan ako dahil baka malaman ito ng pamilya Heimz.
Madami ng nakakaalam na may relasyon kami ng Anak nila at natatakot ako na baka malaman nilang nakikipag away pa din ako.
"Naaalala mo ba ang Kuya ko? Yung jinowa mo tapos nakipag break ka matapos ang isang araw?" Tanong naman ng isang babae.
Umiling ako. "Hindi ko kilala ang Kuya mo. Famous ba yun?" Sarkastikong tanong ko kaya akmang sasampalin nya ako ng hawakan ko ang kamay nya.
"Masyadong maganda ang mukha ko para dumapo ang kamay mo ghurl." Sabi ko sabay tulak ng malakas sa kanya dahilan para matumba sya.
Sumugod yung dalawang babae sa akin kaya hindi agad ako nakailag, hinawakan ng isa ang buhok ko at ang isa ay sa kamay ko. Iniharap nila ako sa leader nila.
"Tapang mo." Naiinis na tawa nung leader nila saka mabilis akong sinampal. Matapos nyang ginawa iyon ay nagtawanan sila.
Ewan ko kung anong nangyare ang alam ko ay nakahiga na ako at pinagtutulungan nila ako. Gusto kong maiyak pero ayoko din.
Kapag umiyak ako magiging mahina ako. Ayokong mangyare iyon.
"Ano, Leei?! Tumayo ka dyan!" Sigaw nung leader nila.
Putangina! Paalisin mo kaya itong mga alagad mo ng makatayo ako! Nakaharang sila.
Umalis sila sa harap ko at binigyan ako ng chance na makatayo. Tumayo naman ako at pinunasan ang gilid ng labi ko na nagdudugo na.
Sinamaan ko ng tingin yung leader nilang mukhang unggoy.
Kinabahan ako nung makita ko kung anong hawak ng isang babae sa kamay nya. Cutter ito. Dahan dahan silang lumapit sa akin kaya umatras ako.
Inilabas ko ang pepper spray na nasa bulsa ko. Lagi ko itong dinadala kapag lumalabas ako. Inilapit ko iyon sa mukha nila at mabilis na i-nispray iyon.
Napasigaw sila at hinawakan ang mga mata nila. Tatakbo na sana ako ngunit agad ding napahinto nung bigla akong sugatan ng isang babae sa legs ko. Ito yung may hawak na cutter.
Ang laki ng sugat na iyon at andaming dugong tumulo.
Bwesit na to.
Kinuha ko yung buhok nya at tumakbo ako, hinila hila ko sya. Hindi din naman sya makapalag dahil masakit ang mata nya.
Binitawan ko lang ang buhok nya ng malapit na kami sa street ko. Paika ika akong tumakbo. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay. Nandon si Papa at siguradong magagalit iyon, worse pa baka balikan nya ang mga taong nanakit sa akin at pamilya nito.
Ayoko ding pomonta kayla Tito dahil sigurado akong magtatanong iyon ng nangyare.
"Jusko! Anong nangyare sa iyo, Leeina?!" Malakas na sigaw ni Aleng. Ito yung binibilhan ko ng bigas lagi.
Maikling short lang kase ang suot ko kaya kitang kita ang sugat sa legs ko.
Napangiwi ako saka pumasok sa tindahan nila Aleng. "G-gamutin mo nga, ako Aleng." Nanghihinang sambit ko.
Sobrang hapdi na talaga ng sugat ko. Lumuluha na din ako kahit ayaw ko.
"Pomonta na tayo sa ospital! Sobrang laki nyan baka may infection!" Natatarantang sambit nya.
"Sandali tatawag ako ambulansya." Kinuha nya ang phone nya.
Nararamdaman kong inaantok na ako. Tangina mamamatay na ata ako.
Itinaas ko ang kamay ko para sana sabihin na huwag na ngunit tuluyan na akong nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/289329525-288-k507070.jpg)
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomansaHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...