2 DAYS na at simula na ang klase, 2 days na din simula ng maging kami ni Isaac. Madaming nag bago sa akin nung naging kami.
Kapag recess ay may kasama na ako. Sinusundo ako ni Isaac mismo sa room namin kapag uwian na.
Para bang...Importante na akong tao kaya inaalagaan ng ganito.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Pagmamahal ba ang tawag dito?
"Copy this." Ipinaskil ni Isaac ang manila paper. Nakapalumbaba ako habang pinagmamasdan sya.
Bakit ang pogi pogi nya?
Nagtama ang mata namin kaya agad syang ngumiti. Siniko ako ni Tim kaya inis ko syang nilingon ngunit nakangiti sya sa akin ng nangangasar. "Yieee, kita ko yun. Landi nyo, ah." Sabi nya.
Pagbalik ko ng tingin kay Isaac nakaupo na sya sa teachers table at pinagmamasdan ako. Ngumiti ako at inilabas na ang notebook at ballpen ko.
Ng matapos ako sa pagsusulat agad akong lumapit kay Isaac. "Tapos na, Sir." Sabi ko. Tinignan naman nya iyon. "Gumanda ang sulat mo." Komento nya.
Ngumisi ako. "Syempre inspired eh." Tumawa sya ng mahina. "Next." Usal nya kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Ng mag uwian ay dali dali akong lumabas sa room. "Hi, baby!" Niyakap ko agad sya sa bewang.
Ang ibang mga babae ay napapatingin sa amin. Yung iba ay iniirapan ako at pinag chichismisan.
"Jinowa nga nya yung anak ng teacher. Hindi na nahiya."
"Sigurado isang linggo lang yan ibrebreak nya na. Ganun naman sya."
"God, hindi bagay kay Isaac ang ganyang kaduming babae."
"Sobrang disente ni Isaac, masisira lang ang image nya sa babaeng yan."
"Lakas makahatak gulo ni Leei. Malandi pa. Hahaha"
Ramdam kong nilingon sila ni Isaac. "Just your word it can be bullying. Kaya ko kayong dalhin sa principal office." Malamig na sabi nya. Agad naman umalis ang mga babae.
Humarap ako sa kanya. "Hinayaan mo nalang dapat, sanay na ako doon." Sabi ko. Seryoso nya akong tinignan. "Hindi mo man sinasabi ngunit alam kong nasasaktan ka sa salita nila, Leei. And I don't want that." Sabi nya.
Ngumiti ako at niyakap ulit sya sa bewang dahil matangkad sya at hanggang balikat nya lang ako. "Sweet naman, tara na uwi na tayo." Sabi ko.
"Daanan natin ang Kapatid ko, wala syang kasabay umuwi because Mom will be late." Tumango nalang ako.
Pomonta kami sa kabilang building. Grade 10 palang pala si Issa. Inantay ko nalang dito sa hagdanan sila Isaac. Napapatingin sa akin ang mga lalaking dumadaan.
"Hi, ate." Bati sa akin nung isa. Sa paraan palang ng ngiti nya alam kong kilala nya ako at gusto nya ng atensyon ko.
Ngumiti ako. "Hello din. Mag aral ka, ha? Mukhang pinapabayaan mo pag aaral mo." Sabi ko. Magulo kase ang uniform nya, lalo na ang buhok. Halatang pasaway sa skwela.
Paano ko nalaman? Dahil ganyan din ang itsura ni Tim at Herry.
Hindi din katagalan nakita ko si Issa at Isaac papalapit dito. Agad along nginitian ni Issa. "Hi, ate." Bati nya. Ngumiti din ako. "Hello."
"Ate diba mahalig ka sa fishball? Kain muna tayo. Nagugutom ako, eh." Aya nya sabay kawit sa braso ko. "Mangga nalang kakainin ko. Nag crave ako bigla, eh." Sabi ko at bahagyang tumawa.
Ng makalabas kami sa school ay pomonta kami doon sa mga nagtitinda ng pagkain. "What do you want to eat?" Tanong ni Isaac. "Mangga. Gusto ko yun."
"Just wait here, I'll buy mangga, okay?" Mahinahong tanong nya at tumango nalang ako.
Napapatingin tingin ako sa mga dumadaan hanggang sa tumama ang mata ko sa isang babae na nakatalikod sa akin. It was Cristy.
May kaharap syang lalaki, hindi ko makita ang itsura nya dahil hinaharangan ito ni Cristy.
May pinag uusapan sila at alam kong nag aaway. Kumunot ang noo ko nung makitang hinawakan ni Cristy ang kamay nung lalaki ngunit kinalas iyon nung lalaki at tinalikuran si Cristy.
Ng mawala ito nakita kong napayuko si Cristy. Lalapitan ko na sana kaso sya ng dumating si Issa.
"Gusto mo, Ate?" Tanong nya. Umiling nalang ako habang nakatingin pa din kay Cristy.
Maya maya ay sumakay na si Cristy sa isang kotse, iyon ang laging sumusundo sa kanya.
Malalim akong napaisip habang naglalakad kami pauwi. May love life na ba si Cristy? Bakit hindi nya sinabi sa amin?
Akala ko ba gusto nya si Tim?
"Leei, penny for your thoughts?" Mahinang tanong ni Isaac at inakbayan ako. Tiningala ko sya. "Wala" Nagpilit ako ng ngiti.
Ng makauwi ako ay agad akong nagsaing at nagluto ng ulam. Dumating si Papa ng 6pm. Ang aga naman nyang umuwi?
"Ba't ang aga mo?" Tanong ko. "Wala kang pake." Inis na sabi nya. Umirap nalang ako saka tumayo na. "May ulam na dyan kumain ka nalang, gagawa pa ako essay ko." Akmang papasok na ako sa kwarto ng matigilan ako ng magsalita sya.
"Boyfriend mo ba yung bagong lipat dyaan?" Bigla akong kinabahan at napalunok. "Nakita ko kayo." Dagdag nya.
"Oo." Simpleng sagot ko.
Sarkastiko syang tumawa. "Ano? Gagawin mo rin ba syang laruan mo? Pagsasawaan mo pagkatapos?" Insultong tanong nya.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko ngunit hindi ko sya nilingon.
"Hoy sinasabi ko sayo Leeina tigilan mo yang mga Heimz na iyan. Mababait at tahimik na tao yan. Sisirain mo lang ang buhay nila, baka pati respeto ng mga tao mawala sa kanila dahil sa iyo." Sabi nya at naramdaman kong naglakad sya paalis.
Ngumisi ako habang nararamdaman kong naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.
Wala na ba akong karapatan sumaya? Sumaya sa isang tao?
Kung ganun ano ng silbi ng buhay ko dito? Bakit pa ako nabubuhay?
Pumasok ako sa kwarto ko at inilabas ang makapal na notebook ko. This is my diary. Sinusulat ko ang mga nangyare sa buhay ko, ang mga nararamdaman ko kapag wala akong masabihan.
Sinimulan ko itong isulat nung grade 8 ako. Ng magsimula akong makaramdaman ng parang may kulang sa pagkatao ko. At ito ang pagmamahal.
Dear Diary
Alam kong masama akong tao, pinaglalaruan ko ang mga feelings ng mga tao. Hindi ako totoo sa sarili ko.
Pero masama bang hilingin na bigyan nyo ako ng isang taong makakaintindi sa akin? Alam kong hindi ko deserve iyon pero sana ay ibigay ninyo.
Pagod na pagod na akong mag isa.
----------
Andami ko sanang isulat yung sa diary kaso sa susunod na kabanata na lang. Maikli yung diary ni Leei pero ramdam mo yung sakit at dalamhati nya.
Spoiled ko kayo onti hahaha.
Makikita ni Isaac diary ni Leeina. Mas lalo nya lang mamahalin si Leei kahit nalaman nya na kung anong worst ni Leei.
![](https://img.wattpad.com/cover/289329525-288-k507070.jpg)
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...