DALAWANG LINGGO na simula nung iniwasan ko si Isaac. Ang weird lang dahil nung unang beses ko syang hindi pinansin ay kita ko sa mata nya kung papaano sya nasaktan.
Bakit naman sya masasaktan? May feelings na ba sya sa akin?
Nagpanggap din ako na may boyfriend na ako kaya lumalayo na ako sa kanya. Kapag nakikita ko sya ay kunyaring may kausap ako sa phone o di kaya tatakbo paalis.
"Tangina yan! Hindi mo manlang mashoot." Inis na komento ng kalaro ko.
Matalim ko syang tinignan. "Kung tusukin kita ng tako dyan at maalis ang yabang mo." Maangas na sabi ko.
Bumalik ako sa pagtira. "Kainis to, yabang yabang. Sapakan tayo?" Mahinang bulong ko.
Umikot ako sa kabilang side at yumuko para titira ngunit ng titira na sana ako ay napahinto ako dahil sa nakatayong tao sa pintuan.
"Walanghiya ka talaga! Pinag aaral ka ngunit ito ang inaabala mo!" Galit na sigaw ni Papa at lumapit sa akin at hinila ako palabas ng tambayan.
"Ano ba?! Nasasaktan ako." Reklamo ko. Hawak hawak nya ang buhok ko kaya ansakit sa anit.
"Kailan ka ba magtitino, ha?!" Rinig kong tanong nya. "Ikaw kailan ka din ba mag titino?" Balik ko ding tanong kaya natigilan sya. "Kapag nasagot na ang katanungan ko!" Sagot nya at pasalampak akong pinapasok sa loob ng tricycle nya.
Binato nya sa akin yung bag ko kaya inis ko iyong dinampot. Kinuha ko yung phone ko at nag scroll sa facebook.
Napahinto ako ng makita ang shared post ni Isaac. This past few weeks pansin ko na mahilig na syang mag post, post. Broken hearted ata amp.
Kita kong nag messenge pala sa akin si Tim at Cristy.
Cristy
2 days ka ng hindi pumapasok, ano na? Ganyan ka nalang? May problema ba?Tim
Nag b-billiards ka ng hindi ako kasama, ah. Panget mo naman ka bonding.Nagulat ako nung hilahin ako papasok ni Papa sa bahay. Muntikan ko pang mabitawan ang phone ko.
Umupo ako sa sofa at hinayaan syang pagalit galitan ako.
"Huwag ka na kayang mag aral at mag asawa ka nalang! Total madami ka namang syota!" Sigaw nya. Umirap ako.
Parang sya hindi nambababae.
"Papasok na ako bukas. Tapos naman na kase yung exam, eh." Pabalang na sagot ko kaya hinampas na naman nya ako.
"Hindi! Huwag ka ng mag aral! Mag syota ka nalang. Tumambay ka dyan. Pokpok!" Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ka pokpok?" Tanong ko pabalik.
Babatuhin nya sana ako ng unan ng mapatingin kami sa pintuan ng pumasok si Tito Nathan. "Anong nangyayare dito?" Tanong nito.
Humarap sya kay Papa. "Sinasaktan mo na naman ang anak mo." Mahinang sabi nya na tila nasasaktan din.
Hindi nakaimik si Papa. "Eh, ang tanong anak ko ba yan?" Doon ako nasaktan. "Hoy, anak mo ako. Tignan mo parehas tayo ng ugali." Sabi ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.
Tumingin sa akin si Tito Nathan. "Nagugutom ka na ba, Leei? May pagkain sa bahay. Pomonta ka din." Nakangiting sabi nya. Tumayo na ako. "Sige." Nagugutom na rin naman ako.
Nagstay pa ako sa bahay nila Tito Nathan matapos kumain. Sinamahan ko din sya manood sa sala ng boxing.
"Madalas bang tumawag ang Mama mo sa iyo?" Biglang tanong ni Tito kaya napalingon ako sa kanya. Umiling ako. "Isang beses sa isang buwan. Ganun madalas sya tumawag." Sagot ko.
"Anong reaksyon nya kapag sinasabi mo ang kalagayan mo dito?"
Natahimik ako. Paano ko ba sasabihin na walang reaksyon si Mama? Na okay lang sa kanya ang kalagayan ko dito.
"Wala. Wala naman ata iyong pake sa akin." Mahinang Sagot ko na alam kong narinig ni Tito.
Lumingon sa akin si Tito. "Huwag mong sabihin iyan. Mahal ka ng Mama mo." Mahinahong saway nya sa akin. Napairap ako. "Kung mahal nya ako uuwi na sya dapat dito." Walang modong Sagot ko.
Bumuntong hininga lang si Tito at hindi na nagsalita pa.
KINABUKASAN ay pumasok na talaga ako. Syempre good girl ako, eh.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Isaac na palabas ng bahay nila. Napahinto din sya ng makita ako.
A-anong gagawin ko? Tatakbo ba ako?
Akmang tatakbo na ako ng hawakan nya ang bag ko dahilan para mapahinto ako. Tinignan ko sya. "Aalis na ako." Usal ko.
Ngumiti sya sa akin. "Sabay na tayo." Sabi nya at naglakad habang hawak ang bag ko. Mukhang ayaw nya talaga along patakbuhin paano na to?
Tahimik lang kami hanggang sa makasakay kami sa tricycle. Iniiwasan ko talagang makatagpo ang mga mata nya dahil ramdam kong nakatingin sya sa akin.
"So...Why are you avoiding me?" Bigla nyang tanong na nag palaki ng mata ko. "Ako?! Iniiwasan ka?! Hindi, no!" Pagtanggi ko.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Really?" Mukhang hindi sya naniniwala.
Bumuntong hininga ako. "Diba sabi ko sa iyo may boyfriend na ako? Nagseselos kase sya sa mga lalaking kasama ko kaya nilalayuan na kita." Pagsisinungaling ko.
"Bakit si Cruz hindi mo nilalayuan?" Tanong nya din kaya napangiwi ako. "Best friend ko iyon syempre." Sagot ko. "Ano pala ako sa iyo?"
"Future boyfriend ko--ay este friend pa lang." Tanginang bibig to.
Ngumisi sya na tila ba natutuwa sa reaksyon ko. Kumunot ang noo ko dahil mukhang pinagtatawanan nya na ako sa isip nya.
"Huwag ka na ulit sumabay sa akin, ha?magagalit yung boyfriend ko." Saad ko.
"You don't have a boyfriend." Hindi iyon patanong kung hindi sinabi nya iyon na may tunog na naniniwala sya na wala talaga akong bf.
"Meron no! Grade 12 na sya." Pagtanggi ko pa. "I asked, Cristy." Napapikit ako sa inis sa sinabi nya.
Syete ka talaga Cristy. Bagay na bagay kayo ni Tim. Anlakas nyong mambwesit sa akin.
Hindi na ako nagsalita dahil sa pagkapahiya. Baka isipin ni Isaac kaya ko sya iniiwasan dahil gusto ko sya.
Hindi kaya!
"Tell me why are you avoiding me. I'm dieing to know, Leei." Halos kilabutan ako nung banggitin nya ang pangalan ko.
Ngayon ko lang sya narinig banggitin iyon at sobrang sarap sa pandinig.
"Do you have a crush on me?" Tanong nya na nagpasinghap sa akin.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi no!" Singhal ko sa kanya. Tumawa naman sya ng bahagya.
Hindi ko alam na makakapal pala ang mukha ng mga Heimz.
"Really? Because me? I think I have a crush on you." Pagkasabi nya nun ay literal na napahinto ako.
Bumilis din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Madami ng nagsabi sa akin ng ganyan, meron pa ngang mahal daw nila ako. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Ano ba itong nararamdaman ko?
Nakatingin sya sa mata ko habang sinasabi nya iyon. Hanggang ngayon ay pinagmamasdan nya ang reaksyon ko.
Ng huminto ang tricycle ay dali dali akong bumaba at tumakbo papasok ng school. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi pa ako nakakapag bayad sa tricycle pero mayaman naman sila Isaac kaya kaya na nya yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/289329525-288-k507070.jpg)
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...