Chapter 9

20 1 0
                                    

Ng uwian na ay lumabas na ako ng room, napahinto lang ako nung makita ko si Isaac na nasa gilid ng pinto at mukhang may inaabangan.

Umayos sya ng tayo ng makita ako. "Anong problema mo?!" Inis na tanong ko. Kalmado lang naman ang mukha nya na nakatingin sa akin.

"Sasabay na ako sa iyong umuwi, doon ka nalang muna sa Pinsan mo matulog." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Naka drugs ka ba?" Nakanganga tanong ko. Paano ba naman kase bigla bigla syang mag sasalita ng ganyan.

Nag salubong ang kilay nya. "What?! Me?! A fucking drug addict?!" Malakas na sabi nya kaya napatingin sa amin ang ibang dumadaan.

Tinakpan ko ang bibig nya gamit ang kamay ko. "Sa sobrang talino mo nabaliw ka na!" Kunyari akong tumatawa para mawala ang tingin sa amin ng mga tao.

Nakita kong palabas na si Cristy kaya kinawayan ko sya. "Cristy, fishball tayo!" Aya ko. Agad nabura ang ngiti ko ng makita ko ang kasama nya. It was Lou.

Sumulyap si Cristy kay Isaac. "Sino hinahanap nya?" Tanong nya sa akin. Ngumisi ako. "Syempre ako, sino pa bang maganda sa classroom natin?" Natatawang tanong ko.

"Hi, president!" Bati ni Lou kay Isaac kaya nag salubong ang kilay ko. "Huwag mo nga syang tawaging, President!" Inis na sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Huh? Diba President naman talaga sya?" Takang tanong ni Cristy. Umirap ako. "Bahala ka na nga dyan! Kung ayaw mong mag fishball tayo, UUWI na ako!" Nagtatampong sabi ko at nagmarsa na paalis.

Narinig ko syang tumawa. "Hahaha next time nalang, Leei! May family dinner kami." Habol nya.

Ramdam kong nakasunod sa akin si Isaac kaya mas binilisan ko ang lakad ko ngunit agad ding napahinto ng hawakan nya ang bag ko.

"Ano ba?! Uuwi na ako!" Inis na singhal ko. Seryoso syang nakatingin sa akin at tumingin sa kung saan.

Ng tignan ko kung saan sya nakatingin ay nagtaka ako. Sa fishballan?

Tumingin sya ulit sa akin. "Do you want to eat that, right? Then let's eat." Hinila nya ang kamay ko patungo doon.

Nakanganga akong pinag mamasdan syang bumili ng fishball at kikiam. Inabot nya sa akin ang isang plastic na baso at nag bayad sya sa tindero.

"Anong gusto mong inumin?" Mahinahong tanong nya ng hindi tumitingin sa akin.

Napanguso ako. "Wala! Ayoko!" Kunyaring inis na sabi ko. Doon na sya tumingin sa akin. "Gusto mong mabulunan?" Mahinahon nya paring tanong.

Nakakainis talaga sya! Bawat salita nya naiinis ako! Bakit sobrang hinahon nya?!

"Buko na lang." Turo ko doon sa buko juice na nag titinda sa harap. Umalis naman sya at pumonta doon, pag balik nya dalawa ang dalawa nya nun at binigay sa akin ang isa.

Kinuha ko naman iyon dahil nauuhaw na ako.

Tahimik lang kaming kumakain. Paminsan minsan sinusulyapan ko sya ngunit hindi naman sya tumitingin pabalik sa akin. Nakakainis talaga sya!

Bigla akong napatingin sa gate ng school. Nanlaki ang mata ko ng makita si Christian na naglalakad paponta dito. Masama ang tingin nya sa akin.

Hinawakan ko sa kamay si Isaac saka hinila sya patakbo, nahulog nya pa yung fishball nya ngunit binilisan ko pa din ang takbo.

"Bilis! Baka maabutan nya tayo!" Sigaw ko habang hawak hawak pa rin ang kamay nya. "Who?" Inosente naman nyang tanong.

"Yung ex kong obsessed sa akin." Sagot ko. Huminto lang kami sa kabilang kanto kung saan sakayan ng tricycle.

Hingal ng hingal ako. Nakahawak pa ako sa dalawang tuhod ko samantalang si Isaac naman ay nakasandal sa isang poste at itinuloy ang pag inom nya ng buko juice.

"Why are you running with him? Ginugulo ka pa rin ba nya?" Tanong nya ng mahimasmasan kami.

Tumango ako. "Araw araw akong ginugulo nun." Malakas na sabi ko. Umayos ako ng tayo at pumara ng tricycle. "Kuya!" Masayang bati ko.

"Oh, anak pala ito ni Dan." Sabi ni Manong. Tricycle driver din kase ang Papa ko kaso sa iba sya bumabyahe.

"Pahatid sa bahay namin, 20 pesos lang bayad ha? Dalawa kami." Pagtawad ko sa bayad. Tumawa si Manong. "Sige na nga, kilala naman kita, eh." Nag thumbs up ako.

Akala ko doon sa likod ni Manong sasakay si Isaac pero tumabi sya sa akin dito sa loob. Umusog naman ako.

Kinalabit ko sya. "Turuan mo nga ako assignment ko." Sabi ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay. "Bakit hindi ka sa Pinsan mo mag paturo?" Tanong nya.

Ngumuso naman ako. "Masyadong busy iyon, ewan ko ba doon bakit lagi akong inaasikaso. Masyado syang mabait kaya minsan naiinis ako sa kanya. Hindi nya ba alam pag sa sobrang bait nya baka abusuhin sya?!" Inis na rant ko.

Totoo yun. Mula bata kami ni Ate Jemalli mabait na sya, nag mana sya sa Mama nya. Iyon ang sabi ni Mama sa akin. Mabait daw si Tita.

"Why? Dati ka na bang naabuso?" Tanong nya na nagpabigla sa akin. "Duh, hindi naman ako naging mabait kahit kailan. Bata pa lang ako masungit na ako, nag mana ako sa tatay ko." Sagot ko.

"More like pasaway." Bulong nya na narinig ko naman. Lumaki ang butas ng ilong ko. "How dare you?! Kapal naman ng muka mo." Singhal ko.

Ngumisi lang sya saka kinuha ang phone nya may pinipindot sya doon at ng matapos tumingin sya sa akin.

"Accepted." Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin nun kaya hindi ko nalang pinansin.

Pag dating namin sa bahay, idineretso nya ako sa bahay nila Tito. Tinulak tulak nya pa ako hanggang gate kaya sinamaan ko sya ng tingin ngunit pumasok na din sya sa bahay nila.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na din sa bahay nila Tito.

"Tito!!!" Malakas na sabi ko ng makita ko sya sa sala na nanonood ng boxing. Agad nag liwanag ang mukha nya at sinalubong ako ng yakap. "Kamusta ang klase?" Tanong nya.

Yumakap ako pabalik. "Haha maayos naman." Mahinang Sagot ko. Bumitaw sya ng yakap at tinignan ako. "Jemalli said what happened in your school..." Malungkot na sabi ni Tito.

Ngumiti ako. "Okay lang yun, Tito. Sira naman na ang reputasyon ko sa school na iyon kaya okay lang kahit anong gawin pa ni Papa." Sagot ko.

Tinitigan nya muna ako na para bang sinusuri ang nararamdaman ko. Ngumiti din sya pag tapos. "Gusto no bang mag meryenda? Bumili ako ng donuts." Aya nya.

Tumango ako. "Bihis lang po ako, hiramin ko na lang muna damit ni Ate." Umakyat ako sa hagdanan nila.

Pag dating ko sa kwarto ni Ate Jem napatingin tuloy ako sa bintana nya. Kaharap iyon ng bintana nila Isaac, hindi ko nga lang alam kung kaninong kwarto iyon.

Bahagya itong natatakpan ng kurtina kaya wala akong makita. Nagkibit balikat na lang ako saka naghubad ng uniform, naka bra lang ako habang nag hahanap ng oversized t-shirt.

Kumakanta kanta pa ako na para bang nasa concert ako, ng may mahanap ako kinuha ko yun ngunit saktong pag bunot sa cabinet ay nasama lahat ng mga damit ni Ate Jem at nahulog sa lapag.

Napangiwi ako. Humarap ulit ako at halos lumuwa ang mata ko ng makita ko si Isaac na hinawi ang kurtina nila, hindi nya pa ako nakikita ngunit saktong paghawi nya ng tuluyan kurtina ay nag tama ang mata naming dalawa.

Nanlaki din ang mata nya ng makita na wala akong pang itaas na damit. Mabilis syang tumakbo at bigla nalang dumampa sa kama nila.

Ako naman ay mabilis na pumasok sa cr ni Ate Jem at inilock iyon.

Shit.












------------------------------------------------------------

: )

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon