Limang minuto na ang makalipas simula ng mamatay ang tawag, nakayuko pa rin ako sa lamesa sa bench na ito. Ramdam ko ding hindi pa umaalis yung lalaki sa tabi ko, na para bang pinapanood ako.
"Kuya, kayo ba? Masaya ba kayo ng pamilya ninyo?" Tanong ko kahit hindi ko sya kilala.
"Oum..." Simpleng Sagot nya pero okay na din yun atlis sinagot nya ang tanong ko. kahit papaano naramdaman kong may karamay ako.
Pangako ko talaga sa sarili ko na kapag nag boyfriend ako ng totoo gusto ko yung maayos pamilya nila, masaya ganun. Hindi ko kase naranasan yun.
Naramdaman kong tumayo na sya, tinapik nya ang balikat ko at lumakad na. Nanatili akong nakayuko habang pinupunasan luha ko.
Pagtayo ko may nakita akong tissue na katabi ko at may nakasulat doon.
'No matter what problem you're facing, don't forget to smile. Someone out there love to see your smile :)
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala akong paulit ulit na binabasa iyon.
Nagpalinga linga ako sa paligid at hinanap ang kaninang katabi ko ngunit kakaonti na lang ang tao ngayon. Sayang...Hindi ko manlang nakita ang mukha ng taong iyon.
Pag uwi ko sa bahay ay sampal ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa pinto para hindi matumba.
"Anong oras na at ngayon ka lang umuwi! Napaka landi mo talaga!" Akmang hahampasin nya ako ng dumating si Tito Nathan at pinigilan ito.
"Ayan ka na naman, Dan! Sinasaktan mo na naman ang anak mo kapag lasing ka!" Galit na sabi nya kay Papa saka itinulak ito pasalampak sa upuan.
Dinuro sya ni Papa. "Huwag kang makialam dito, Nathan! Kapatid lang kita, pamilya ko ang didisiplinahin ko!" Sigaw nito pabalik.
"Hindi na disiplina iyan, Dan! Galit na ang nararamdaman mo!" Kumuha si Papa ng kutsilyo kaya nanlaki ang mata ko. Akmang isasaksak nya iyon kay Tito ng mapigilan nya ito.
Sumigaw na ako dahil sa takot, may humila sa braso ko paalis sa bahay na iyon. Nasa labas kami, at andaming mga kapitbahay namin ang nakatingin sa akin at mukhang nakikiisyuso.
Niyakap ako ni Ate Jem ng makitang umiiyak ako. "Shhh...Tahan na, si Papa na ang bahala doon." Pagpapatahan nya sa akin.
May nag abot sa akin ng baso ng tubig, isa sa mga kapitbahay namin. "Uminom ka muna, Leei. May hika ka pa naman." Kinuha ko naman iyon. "Thank you."
Minsan nahihiya ako sa mga kapitbahay namin, kahit naman mga chismosa sila marunong parin silang maawa at makaunawa kapag ganito na ang sitwasyon.
"Hayy naku, bakit ba hindi pa umuuwi ang Nanay, mo? Lagi nalang ganyan ang buhay mo." Rinig kong ani nila.
Inalalayan ako ni Ate Jem. "Tara, sa bahay ka nalang matulog." Yumuko ako saka naglakad paponta sa bahay nila.
Napatingin ako sa harap ng bahay nila, ito yung may bagong lipat sa bahay. Bagong kapitbahay namin, siguradong nagsisisi sila dahil magulo ang nalipatan nilang bahay.
Pumasok ako sa kwarto ni Ate Jem, wala ng Mama si Ate Jem. Nahirapan si Tita na ipanganak si Ate Jem, kaya ng papiliin kung sino ang isasalba mas pinili ng magulang nya na sya ang buhayin.
"Lalabas lang ako, kukunin ko yung uniform at gamit mo sa school. Para bukas hindi ka na babalik sa bahay ninyo para kunin iyon, Okay? Dyan ka lang, ha?" Umalis sya at sinarado ang pinto.
Grade 12 student na si Ate Jem, maaga syang nag matured kase sya lang ang mag isang anak. Si Tito naman ay engineer at madalas wala sa bahay kaya si Ate lang ang naiiwan dito.
Sobrang talino ni Ate Jem, sya ang taga gawa ng assignment ko kaya hindi ako bumabagsak. Hindi din ako maibagsak ng ibang teacher dahil nakikiusap talaga si Ate Jem, malakas pa naman si Ate sa lahat ng teacher sa school namin dahil highest honor sya.
Niyakap ko ang unan at sumisik sa gilid ng kama habang palihim na umiiyak. Lagi nalang ganito ang buhay ko, hindi ako nabubuhay ng walang sakit sa katawan.
Lord, bakit hindi kayang mag bago ni Papa? Bakit ganoon sya sa akin? Hindi nya ba ako minahal bilang anak nya?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak, nagising ako ng 3 ng madaling araw. Nasa tabi ko si Ate Jem na nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog.
Tumayo ako saka nag inat, lumabas ako ng bahay nila para mag exercise. Nakasanayan kona, madalas kase akong magising kapag madaling araw, dahil nadin siguro sa problema at bangungot.
Nagsimula akong tumakbo paikot sa village na ito, sobrang dilim pa at kada kanto ay may nakatayong mga ilaw. Sobrang tahimik ngunit hindi ko magawang matakot dahil nga nakasanayan ko na.
Baka nga may mga multong sumasabay sa akin tumakbo.
Sa sobrang pag eenjoy kung tumakbo nakarating na ako sa labasan ng village, nakita ko pa si Manong Guard na nag kakape.
"Oh, ang aga mo namang mag exercise?" Nakangiting tanong nya. Nakasanayan nya na rin na makita ako.
"Hindi ako makatulog, eh." Simpleng sagot ko. Huminto ako sa tapat nya. "Pengeng kape, Manong." Kinuha ko ang iniinom nya saka tumungga doon.
Tumawa naman sya."Ikaw talaga, hindi mo alam ang salitang hiya."
"Manong, walang taong hiya hiya kapag nagugutom." Sagot ko.
Umupo ako sa tabi nya. "Manong, anong apelido ang bagong lipat sa St, Jovi doon sa St namin?" Curious na tanong ko.
Hindi ko pa kase nakikita ang mga nakatira doon. Mukha ding tahimik silang pamilya, hindi kase masyadong nag iingay.
May kinuha syang log book. "Sandali tignan ko." Hinanap nya kung saan ang st, namin. "Oh ito, Heimz ang apelido nila. Apat na members sa pamilya." Bigla akong nagulat.
Muntik ko pang maibuga ang iniinom kong kape. "M-may nakapangalan bang, Isaac Heimz, at Elizabeth Heimz?" Kinakabahang tanong ko.
Tumango sya. "Oo." Doon na ako hindi nakapagsalita. Shit! Kapitbahay ko na ngayon si Ma'am?!
Sigurado akong nakita na nila yung nangyare, ano kaya ang reaksyon ni Ma'am?
Maaawaya kaya sya sa akin? Tangina! Ayaw na ayaw ko pa naman yung kinakaawaan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/289329525-288-k507070.jpg)
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...