Chapter 31

22 1 0
                                    

"Kanina ka pa umiiyak pagtapos ng break time, ano ba talagang nangyare?" Tanong ni Cristy habang hinahaplos ang likod ko.

Nandito kami ngayon sa labas ng school kakatapos lang ng klase. "Nag away ulit kayo ni Isaac? Naku ayusin nyo na iyan." Dagdag nya pa.

Nakayuko lang ako habang patuloy na humihikbi.

"Leeina." Tawag ni Tim ngunit hindi ko sya nilingon.

Sigurado akong alam nya na ang nangyare. Kilala nya si Lamis at sigurado akong nakwento nito.

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. "Uuwi n-na ako. Paparating kase si M-mama. Mauna na ako." Paalam ko. "Ihahatid na kita." Presinta ni Tim ngunit umiling na ako

"Kaya kong mag isa." Sabi ko at naglakad paalis.

Nakarating ako sa village namin ng umiiyak. Hinang hina ako habang naglalakad. Pagliko ko sa street namin ay napahinto agad ako.

Nag aabang si Isaac agad nagtama ang mata namin. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at akmang lalagpasan sya ng hawakan nya ang braso kim

"Let's talk, Baby." Mahinang sambit nya na para bang takot na takot sa kung saan.

Binawi ko ang kamay ko. "Wala na tayong dapat pag usapan, Isaac." Bulong ko. "No. We have. Our relationship."

Tumawa ako ng mahina. "Wala na tayong relasyon simula ng pumayag kang halikan ang babaeng iyon." Sabi ko sa kanya habang nakatingin mismo sa mga mata nya.

Pagpasok ko sa bahay ay napahinto na naman ako. Nagsisigawan si Mama at Papa. Problema na naman ba?

"Sabihin mo! Sino ba talaga ang Ama ni Leeina ha?! Mababaliw na ako kakaisip, Nilda!!" Sigaw ni Papa.

"Tumigil ka Dan! Ikaw ang Ama ni Leeina. Tama na ang pagseselos mo!" Sigaw din pabalik ni Tito

Napahawak ako sa gilid ng pintuan. Ano ba ito?

Bigla nalang umiyak ng malakas si Mama. Na para bang hindi nya na kaya ang pagtatago.

"Tita." Usal ni Ate Jem.

"I-ikaw ang Ama ni Leeina, Nathan. Paano mo hindi nakilala ang sarili mong anak?" Halos bulong na sabi ni Mama.

Napasinghap silang lahat at nakarinig ako ng pagkabasag na mga bagay. Nasabunutan ko na ang sarili ko. Ano ba ito! Ayoko na!

"Inaya akong magpakasal ni Dan nung malaman kong ikinasal ka sa iba, Nathan! Mahal na mahal kita at hindi ko alam kung papaano ka nakabuntis ng ganun kadali habang may relasyon tayo!" Umiiyak na sabi ni Papa.

"Nung gabing ikinasal ka ako ang pomonta sa kwarto mo, Nathan! Desperado na ako na magkaroon ng anak sa iyo." Dagdag nya pa.

Hindi ko na nakayanan ang panghihina kaya napatumba nalang ako sa sahig. Lumingon silang lahat sa akin.

"L-leei." Akmang lalapitan ako ni Jem ng sinamaan ko sya ng tingin.

Tumayo ako. "Anong kalokohan to?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Walang sumagot sa kanila. "Ang sabi ko anong kalokohan to!!!" Malakas na sigaw ko.

Malakas ang hikbi ko. "K-kapatid ko---" Pinutol ko ang sasabihin ni Jem.

"Huwag mo akong tawaging Kapatid! Pinsan kita, Jem! Pinsan." Madiing sambit ko.

Tumingin ako kay Mama. Parehas ang hikbi namin. Para bang parehas ang nararamdaman namin ngayon.

"Kaya ba ayaw mong umuwi dito dahil ayaw mong malaman ko ang lahat?" Mahinang tanong ko. Tumango sya habang patuloy ang paghikbi.

Lalapit sana si Nathan ngunit humakbang ako paatras. Yumuko ako at pumikit. "Huwag kayong lalapit sa akin." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Ilang segundong walang nagsalita sa amin. Tanging mga hikbi lang ang rinig. Tumingin ako kay Nathan na kanina pa nakatingin sa akin habang may luha ang mga mata. Na para bang ang saya saya nya.

"Hindi Ikaw ang tatay ko." Wika ko na nagpatigil sa kanya. "Si Papa Dan lang ang Papa ko, naiintindihan mo?" Madiing sabi ko

Umakyat ako sa kwarto matapos sabihin iyon. Sumampa ako sa kama at doon umiyak. Tangina.

Bakit sunod sunod ang nangyayare sa akin ngayon?

6pm na at nakatulala lang ako sa kisame. Hindi pa ako lumalabas ng kwarto at wala akong plano lumabas pa.

Kanina pa balik ng balik si Mama at Jem sa kwarto ko, katok ng katok at tinatanong kong okay lang ako. Hindi ko naman sila sinagot dahil hindi naman ako okay.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa school. Nilagay ko doon ang uniform ko, nagbihis din ako ng isang hoodie ay jogging pants.

Bumaba ako at nakita ko silang lahat na nasa sala. Mukhang pinag uusapan nila ang lahat. Napatingin silang agad sa akin. "A-anak, kamusta ang pakiramdam mo? I will explain everything to you if you want to, Darling." Malambing na sabi ni Mama.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad ngunit hindi pa ako nakakalabas ng pinto ng may humawak sa akin sa braso. "Huwag kang bastos, Leeina! Hindi purket may away kayo ng boyfriend mo eh hindi mo na papakinggan ang Mama mo." Galit na sabi ni Papa.

Hindi ko magawang magalit ngayon kay Papa. Alam kong pinipilit nya lang ang sarili nya na pakinggan ang mga paliwanag ni Mama ngunit hindi nya rin kayang makinig.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang kamay ko. Pagod na pagod na ako. Tuloy tuloy akong naglakad paalis sa kanila.

NAKARATING ako sa sementeryo. 7:30 Pm na at ako nalang ang natatanging tao rito. Lahat sila patay na.

Ngumisi ako saka nagtuloy tuloy sa paglalakad hanggang sa makita ang puntod ng Lola at Lola ko. Umupo ako doon at sumandal.

Kagaya nga ng sinasabi ko kapag may problema ako o hindi ko na kaya pomoponta ako dito. Weird para sa ina pero nakakagaan sa akin.

Siguro ito din yung way ko para sabihin sa sarili na hindi ako pwedeng sumuko. Kase kapag sumuko ako dito ang kahihinatnan ko.

Naiisip ko minsan kung meron ba ditong bangkay na namatay dahil sa problema nya? Hindi nya na nakayanan at nagpakamatay nalang. Ano kaya ang maipapayo nya sa akin?

"Lola...Lolo...Paano nyo nakayanang makita ang dalawa nyong anak na nag aaway sa iisang babae? Hanggang ngayon ay hindi pa din maawat ang bangayan nila. Sigurado akong masakit para sa inyo iyon." Sabi ko.

Hindi ko naman kase alam ang kwento nilang lahat. Katulad ni Jem. Alam kong wala din syang alam sa mga nangyayari.

Inilabas ko ang alak na nasa bag ko. Binili ko ito sa isang tindahan na nakita ko kanina.

Nakatulala lang ako sa dilim habang iniisip ang mga nangyare. Naubos na ang alak ko kaya natulog na ako. Kahit ayaw ng mata ko ay pinilit kong matulog.

Baka wala akong maisagot bukas sa test.

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw. Itinapat ko ang kamay ko sa mata ko. Bumangon ako, nasa tabi ako ng puno nakatulog.

Humikab ako. Inilabas ko ang phone ko 6 am na pala. Napagpasyahan kong umalis na dahil papasok pa ako ng school. Ayokong bumagsak.

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon