Summer na ngayon at sobrang init. Nakaraan pa nung wala na kaming pasok. Yehey! Grade 12 na ako.
"May plano ka ba sa summer ninyo, Isaac?" Tanong ko habang nakahiga kami dito sa kwarto nya.
Nakahiga ako sa mga kamay nya habang ang isang kamay ko ay pinaglalaruan nya.
Umiling sya. "Why? Gusto mong gumala?" Tanong nya.
"Oo. Ligo tayo dagat." Excited na sabi ko.
Humarap sya sa akin kaya napatingala ako, nagulat ako nung bigla nya akong halikan ng mabilis sa labi.
"Okay." Sagot nya.
TINUPAD nga ni Isaac ang sinabi nya. Pomonta kami sa boracay nung linggo dahil may family meeting ata sila nung sabado. Bilib talaga ako sa kanya, kahit busy sya nagagawan nya ako ng oras.
Lunes na ngayon at nandito kami nag stay ni Isaac sa boracay. "Ligo na tayo, Darling." Malambing na sabi ko.
10 na ng umaga at medyo mainit init na ang sikat ng araw. "Okay, change your clothes. I'll wait for you." Napatayo ako at tumalon talon sa kama.
Kahapon ko pa talaga gustong maligo kaso masyado akong napagod dahil sa byahe kaya hindi ako pinayagan maligo ni Isaac.
Nagbihis muna ako ng bikini ko. Syempre sexy ako kaya kailangan kong ipakita ito, no!
Lumabas ako ng cr at nakita ko si Isaac na nakaupo sa kama at nakatingin sa akin. "Why are you wearing that? Sabi ko magpalit ka ng t-shirt, Baby." Nakataas na kilay na tanong nya.
Napairap ako. "Excuse me! Beach ito, kailangan naka bikini kapag sexy ka." Hindi naman sya nagpatinag. "No, Baby. Hindi nasusukat ang pagka sexy mo sa pagsusuot ng ganyan." Mahinang sambit nya.
Ngumuso ako. "Sige magpapalit nalang ako." Akmang babalik na ako sa cr ng bumuntong hininga sya at lumakad palapit sa akin inakbayan nya ako. "Let's go na." Aya nya kaya ngumiti ako.
"Picturan mo ako, tatayo ako doon." Binigay ko kay Isaac yung camera saka pumwesto sa harap ng dagat.
Syempre ang una naming ginawa ay kumuha ng picture. Kailangan may remembrance kami dito, no!
Kinagabihan ay omorder si Isaac ng mga seafood na pagkain. Naisipan kong dito kami kumain sa terrace dahil ang ganda ng view.
"Oh, tumatawag si Mama." Usal ko ng mapatingin sa phone ko. Sinagot ko iyon.
"Hello, Ma?"
["Kamusta, Anak? Summer ngayon anong ginagawa mo?"]
"Nasa boracay ako ngayon, Ma!"
Excited akong sabihin iyon sa kanya, alam ko kaseng matagal nya ng gusto na mamasyal ako. Sadyang ayoko lang talaga dahil wala naman making sapat na pera.
Nagtratrabaho si Mama para sa pag aaral ko at hindi para sa mga kailangan ko.
["Talaga? Sinong kasama mo?"]
Sandali akong natahimik. 2 months and 2 weeks na kami ni Isaac pero hindi ko pa nasasabi kay Mama na may boyfriend na ako. Si Papa lang ang may alam dahil nahuli nya ako nung gabi na magkasama kami ni Isaac na naglalakad.
"Boyfriend ko, Ma."
Napatingin si Isaac sa akin ng marinig iyon. Alam kong naiisip nya na tinatago ko sya sa magulang ko, pero ayoko naman din mangyare iyon.
Saka sigurado na ako kay Isaac. Matino syang tao at alam kong hindi nya ako sasaktan.
["Ha? Boyfriend?"]
Sandaling natahimik sa kabilang linya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at ready na mapagalitan.
["Sige na Anak nandito na ang Amo ko, pakisabi nalang sa boyfriend mo na salamat dahil sinasamahan ka nya dyaan. Kausapin nalang kita bukas."]
Napapikit ako nung mamatay ang linya. Hindi ko na dinamdam ang walang oras sa akin ngayon ni Mama. Atlis ngayon may isang tao na handang maglaan sa akin ng oras kahit gaano pa sya ka busy na tao.
FIRST DAY of class ngayon. 12-A ang section ko. Yes! Section 1 ako. Hahaha. Nahatak ko yung bagsak na grado ko nung first quarter.
Buti nalang din at mabait ang mag teacher ko at pinayagan akong mahabol ang mga assignment at project. Nagsisisi tuloy ako na sinagot sagot ko sila.
Kaklase ko si Isaac, at Cristy. Si Tim naman ay sa kabilang section. Buti pa sya doon pwedeng magsaya, dito sa section na ito first day pa lang ambigat na ng presensya.
Para bang may kakompetensya ang lahat dito.
President ng class namin ay yung babaeng kaibigan ni Isaac. Dein ata ang pangalan. Tas si Isaac ang Vice President.
Sya nga dapat ang President kaso inayawan nya dahil masyado daw busy iyon, baka mawalan daw sya ng oras sa akin at ayaw nya ng ganun.
At hindi kayo maniniwala. Secretary ako. Hahahaha.
"Ms. Secretary pakisulat ito sa white board." Utos nung Dein sa akin. Umirap ako nung magtama ang mata namin.
Padabog akong tumayo at kinuha ang librong hawak nya. "Saan dyan?" Inis na tanong ko. Tinuro nya naman. "Page 102-104." Sagot nya.
Habang nagsusulat ako ay hindi ko maiwasang isipin yung grade 11 ako. Naaalala ko pa yung panget akong magsulat.
Ngayon ibang iba na talaga, sipag na sipag na akong magsulat saka prinactice ko talaga ito nung summer, sulat ako ng sulat ng kung ano, minsan yung diary ko tungkol kay Isaac ganun.
Ng uwian ay inintay ko si Isaac sa labas ng gate. Pinontahan nya kase si Tita Elizabeth sa faculty.
Patingin tingin lang ako sa mga dumadaan. Bumalik ang tingin ko sa gate ng makita ko si Isaac. Kumunot ang noo ko ng makilala kung sino ang kasama nya.
It was Lou.
Nakangiti si Lou habang si Isaac naman ay walang emosyon. Nagsasalita itong babae habang halata naman na ayaw ni Isaac na makinig sa kanya.
Hindi na ako nag aksaya at ako na mismo ang lumapit sa kanila. Napatingin agad sa akin si Lou ay ngumiti. "Hi Leeina." Bati nya.
Inirapan ko naman sya. "Bakit mo kasama ang boyfriend ko?" Sinusubukan ko na hindi maging mataray pero lumalabas pa din talaga.
Nawala ang ngiti nya at palihim akong inirapan bago ngumiti ulit. "Nakita ko kase sya kanina sa faculty at nakisabay na ako na lumabas." Kumunot ang noo ko.
Hinawakan ko sa braso si Isaac at tumingin ulit kay Lou. "Sige, uwi na kami. Sunod huwag ka ng sumabay sa kanya kase may girlfriend na sya." Pagkasabi ko nun ay hinatak ko na si Isaac paalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/289329525-288-k507070.jpg)
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...