Chapter 32

26 1 0
                                    

PAGDATING ko sa school at bumungad sa akin si Isaac. Mapungay ang mata nya at alam kong hindi sya natulog.

Sa loob na isang taon naming magkarelasyon kilala ko na sya.

"Leeina." Usal nya ng makita ako.

Akmang hahawakan nya ako ng nagtuloy tuloy ako sa paglalakad ngunit agad ding huminto ng may maalala ko.

"Hindi mo na kailangan makita ako para ipaliwanag ang sitwasyon mo, Isaac. Blangko na ang isip ko at hindi ko na kayang makinig pa." Matigas na wika ko habang hindi sya nilingon.

Pagdating ko sa room ay ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Cristy ngunit hindi ko din sya tinapunan ng tingin.

"Kamusta?" Tanong ni Tim at tumabi sa akin.

Sya na ang tumabi sa akin dahil alam nya ang issue namin ni Isaac.

Dumating ang teacher namin at may dala dalang test paper. "This is our last exam, student. Next week is your graduation so good luck." Nakangiting paliwanag ng teacher na ito.

Nanatili akong tulala hanggang sa mag test kami. Lumipas ang isang oras at nakatapos kami ng isang exam ay hindi ko pa din nagagalaw ang test ko.

"Hoy, ano na? Isang oras na nasa number 10 ka pa din." Pagtawag sa akin ni Cristy.

Bumuntong hininga si Tim at kinuha ang test paper ko sya na ang nagsagot nun. Nakatulala pa din kase ako. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

Sarado ang utak ko kahit anong pilit ko walang pumapasok dito.

Dumating ang break time at lumabas ako. Naabutan ko si Isaac na nakatayo sa labas ng room. "Leeina." Napapikit ako at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

"Listen to me, please!!" Basag na boses nya. Malakas iyon kaya napapatingin sa amin ang mga estudyante.

Pumasok ako sa restroom at doon umiyak. Hindi ko na kaya. Pero syempre pagtapos umiyak kailangan ko pa ding bumangon.

Pagod akong lumabas ng cr ng makita ko si Tim. Inaabangan nya ata ako. Humarap sya sa akin. "Hindi kita kayang makita ng ganito, Leei." Seryosong sambit nya.

Nagulat ako nung bigla nya akong halikan kaya napasandal ako sa pader. "Ako nalang sana ang pinili mo noon..." Nanghihinang sambit nya. Hinalikan nya ako ulit pagtapos sabihin iyon.

Napabitaw kami ng maramdaman na may nanonood sa amin. Tumingin kami sa paligid at halos matumba ako ng makita kung gaano kadami ang nanood sa amin.

Nagtama ang mata namin ni Ma'am Elizabeth. Blangko ang mukha nya at alam kong disappointed sya sa akin. Ano namang pake ko? Ganyan din ang mukha ko ng makita ang nangyare kay Isaac at Lou.

Maraming bulong bulungan.

"Diba girlfriend ni Isaac yan? Bakit nakikipaghalikan sa iba?"

"Duh, si Leeina iyan eh. Malandi ng school na ito."

"I can't believe na tumagal sila ng isang tao at nag cheat si Leeina."

"Kawawa naman si Isaac. Ang talino nyang tao tas naponta sa babaeng iyan."

"Mr. Cruz and Ms. Lewis go to the discipline office. Hindi kayo pwedeng lumandi sa loob ng paaralan." Sabi nung isang teacher na kasama ni Ma'am Elizabeth.

Tumayo ako ng diretso at sumunod sa sinabi ng guro. Dire diretso lang ang lakad ko at hindi pinansin ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi mag chismis ng chismis.

Sumunod sa akin si Tim at pinapakiramdaman ako. "Kung hihingi ka ng tawad huwag. Tama lang ang ginawa mo." Sabi ko habang nakaupo kami rito sa discipline office.

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon