Chapter 39

19 2 0
                                    

"Kamusta ang pakiramdam mo, Anak?" Nag aalalang tanong ni Mama. Nangingilid ang mga luha nya habang pinagmamasdan ako. Ngumiti ako. "Mabuti na ako, Ma." Sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin, Leeina? Kaya ba hindi ka umuwi sa amin ng ilang taon?" Tanong ni Tatay Nathan.

Yumuko ako. "Sorry, ayoko lang po na abalahin kayo. Masaya na kayo dito ngayon, ayoko ng magkaproblema ulit kayo." Sabi ko.

"That's bullshit, Leeina. Pamilya ka namin, hindi kami magiging masaya hangga't hindi ka masaya." Si Ate Jem.

Bumyahe agad sya paponta dito ng malaman kung anong nangyare sa akin. Kasama nya ang fiance nyang ubod ng pogi. Hahaha joke.

Ngumiti ako ng pilit. "Maayos naman ako. Sadyang anxiety ko lang yung paepal minsan." Biro ko.

Pero totoo naman. Siguro hindi ito gagaling hangga't hindi ko tunay na nakakasama si Isaac. Kahit friendship lang ang gusto ko.

"Sabihin mo, ang Isaac Heimz ba ang dahilan nyan, ha?!" Galit na sabi ni Papa Dan kaya napangiwi ako. "Lagot talaga sa akin iyon!"

Tumawa ako. "Huwag nga kayong ganyan, over protective naman kayo sa akin. Ayos nga lang ako." Sambit ko.

"Visit a therapist, Leei." Suggestion ni Kail habang pinagmamasdan ako tumango na lang ako.

Hindi din katagalan ay lumabas na sila ng kwarto ko, naiwan naman kami ni Zenth sa loob. Nakatulala ako habang sya ay pinagmamasdan ako.

"I think Isaac should know this. Sya lang ang makakapag pagaling sayo nyan." Rinig kong sambit nya.

Kumunot ang noo ko. "Doctor ba sya?" Biro ko.

Saka hindi na mangyayare iyon...Close na ang pagitan naming dalawa. Pinatawad na namin ang isa't isa at ibig sabihin nun wala na kaming ugnayan.

"He's the reason why you're suffering like that. Isaac is the only one who can heal you too."

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan sya na pilit pilitin ako.

3 DAYS LATER

Nasa isang patahian kami para sukatan kami ng dress na susuotin namin para sa kasal ni Tim at Cristy. Nauna pa nga ako dito kesa sa ikakasal dahil excited na ako. Hahaha.

Naglalakad lakad lang ako sa paligid at tumitingin ng mga wedding dress. Nung ikinasal ako sa garden lang, sa bahay namin.

Ang gusto ko pa namang wedding ay sa mismong simbahan. Yung haharap talaga ako sa diyos habang kasama ko ang taong mahal ko.

Napahinto ako sa isang wedding gown na nakita ko. Ngumiti ako ng marahan. Napakaganda.

"Do you like that?" Biglang tanong ng sa gilid ko. Pagtingin ko it was Herry.

"Hindi naman. Nagandahan lang." Ngumisi sya sa isinagot ko. "I know about your marriage, Leei." Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"Mahal mo pa?" Hindi agad ako nakasagot.

"If you still love him, go on."

"May girlfriend na sya. Kawawa si Lou."

"Sya kamo ang kawawa."

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. What is he talking about?

"Baliw ata yung Lou na iyon. Nanakit ng tao, Isaac always been hurt physically." Nanlaki ang mata ko.

What? Pero bakit hindi nya parin hinihiwalayan yung babaeng iyon.

"3 years ng sila at 3 years na ding nag titiis si Isaac sa piling ni Lou."

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon