Uwian na at saktong paglabas ko ang pag hatak sa akin ng kung sino at kinaladkad ako. Nag pupumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakakapit nya sa kamay ko.
Marami kaming taong nababangga kaya Ang sakit ng katawan ko. "A-aray! Sino ka ba?" Inis na tanong ko.
Humarap sya sa akin. "Hindi mo na kilala ang boyfriend mo?" Tanong ni Christian habang nag lalakad kami.
Huminto kami sa dulo ng building at pumasok sa isang room. 3 palang ng hapon kaya medyo maliwanag kahit walang ilaw. Inihagis nya ako sa pader. "Ang kapal ng mukha mong hindi mag paramdam sa akin!" Galit na sabi nya ay mabilis akong sinampal.
Napaupo ako sa sahig ngunit itinayo nya ulit ako, namuo ang luha sa mga mata ko. "Suspended lang ako, Leei! Pero hindi pa tayo break!" Sigaw nya.
Hinarap ko sya at pinunasan ang luha ko. "Break na tayo! 2 months na, Baliw ka ba at hindi mo maintindihan iyon?!" Sigaw ko din sa kanya at nakatanggap ulit ako ng malakas na sampal.
Mabilis akong binalutan ng takot ng makita ko syang mag tanggal ng belt nya. Nakatingin sya sa akin habang ginagawa iyon. "Alam mo? Galawin nalang kaya kita total matagal na akong libog na libog sa iyo, eh. Bawat post mo sa facebook tumatayo ang kaibigan ko." Sabi nya.
Pilit akong umaatras kahit pader na ang likod ko. Ang luha ko ay naging hagulgol na. "P-please, don't do this, Christian." Mahinang sabi ko.
Ngumiti sya at hinubad naman ang polo nya. "Okay lang yan, pananagutan naman kita kung mabuntis ka." Boxer nalang ang natitira nya.
Nanginginig na ako sa sobrang takot. Ayoko na! Ayoko nito! Kung panaginip lang ito please gisingin nyo na ako!
Akmang huhubarin nya na ang boxer ng suot nya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tim na galit na galit at mabilis syang pinaulanan ng suntok.
Napaiyak na lang ako sa gilid. Thanks, God. Akala ko pababayaan mo na ako.
Biglang may yumakap sa akin. "Shhh... You're safe now, Baby." Bulong ni Isaac habang sinusuklay ang buhok ko.
Napayakap nalang ako sa leeg nya at sumuksok doon at nag simulang umiyak ng malakas pa, takot na takot ako. Niyakap nya rin ako pabalik.
HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako, pag gising ko nasa bahay na ako nila Tito. Napatingin ako sa gilid ko ng makitang wala akong katabi.
Anong oras na ba? Asan na si Ate Jemalli?
Kinuha ko yung phone ko, 7pm na! Anak ng bakit ang haba ng tulog ko?! Mahihirapan na naman akong matulog nito.
Nakita kong may 3 messenge ang phone ko. Dalawa sa unknown at isa kay Tim.
From: Tim Cruz
Ako ng bahala doon sa manyakol na Christian na iyon, nasa kakulong na sya. Nag sampa ng kaso si Tito mo.Huh? Edi alam din ni Tito?
Unknown:
Hi, This is Isaac Heimz. How are you feeling right now? You fell asleep nung natapos ang lahat. Kumain ka na pagkagising mo.Unknown:
Someone got a video, ginamit iyong ibedensya para ipakulong si Christian. He's 18 now so he can go to jail now. So don't be worry, okay?Napahinga ako ng maluwag. Wala na bang mananakit sa akin?
Napangiwi ako ng maalalang meron pa pala. Ang sarili kong tatay.
Bumababa ako at nakita ko si Tito at Ate na may seryosong pinag uusapan, ng makita nila ako umayos sila ng upo at tumahimik.
"Gising kana pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tito. Hindi ko sinagot ang tanong nya. "'Kumain na ba ang Papa ko?" Tanong ko na nag patigil sa kanya.
"K-kumain na sya, binigyan ko kanina ng ulam." Si Ate Jemalli ang sumagot. Umupo ako sa dining at kumamot sa ulo. "Nagugutom ako, ano ulam ninyo Tito?" Nakangusong sabi ko.
"Giniling. Gusto mong ipaghain kita?" Nakangiting tanong nya at tumango ako. "Sakto, mahilig din akong gumiling, eh." Biro ko.
Pagtapos kong kumain ay natulog ulit ako, mabilis naman akong dinalaw ng antok dahil nadin siguro sa pagod.
KINABUKASAN ay nasa labas na ako ng bahay at inaantay na lumabas si Isaac. Sabi nya ay hintayin ko daw sya. Sabay daw kaming papasok.
Oh diba, para kaming mag jowa at sabay papasok ng school. Hahahha.
May lumabas na isang babae sa bahay nila, kapatid ata ito ni Isaac. Lumapit sya sa akin ng makita ako.
"Paantay nalang daw si Kuya, late na kase syang nagising kanina." Seryoso nitong sabi at akmang aalis na ng hawakan ko ang braso nya. "Anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong.
"Issa." Kalmado nyang Sagot at iniwan na ako. Kumunot ang noo ko.
Napakahinhin naman nung babaeng iyon. Sarap maging sister in law hahaha.
Wala pang ilang minuto ng lumabas din si Isaac. Medyo basa pa ang buhok nya at wala pang suklay pero kahit ganun ang pogi nya talaga. Sinuot nya ang salamin nyang may grado saka lumapit sa akin.
"Let's go?" Tanong nya at sabay kaming naglakad. "Oo nga pala, paano nyo nalaman ni Tim na kasama ko si Christian kahapon?" Curious na tanong ko.
"Somebody saw you." Simpleng sagot nya. Tumango ako. "Thank you sa pag ligtas sakin, ha? Anong gusto mo? Pag mamahal ko o ang pagibig ko?" Biro ko.
Bahagya syang natawa. "Parehas lang naman iyon." Komento nya. "Edi parehas ang piliin mo." Sabi ko.
Pagdating sa gate ng school nauna akong humiwalay sa kanya ng dadaanan, kita ko pa ang pagtataka nya. Andami kaseng nakatingin na mga mata sa amin, baka masira ang image ni Isaac dahil sa akin.
Pinupuri pa naman sya ng lahat dahil sa sobrang talino nya, ayoko namang masira iyon ng dahil sa akin.
Proud akong pumasok sa room dahil hindi ako late. "Magdiwang kayo mga tanga! Hindi ako late!" Tawa tawang sambit ko.
Napatingin naman sa akin si Cristy. "Malamang dahil kasabay mo ang president ng 11-A." Komento nya. Suminghap ako at mayabang na humarap sa kanya. "Late nga syang nagising kanina, eh. Inantay ko pa sya." Sabi ko.
Umiling iling sya saka bumalik sa pagrereview. Ako naman ay umupo sa upuan ko ngunit agad ding napatigil ng makita sila Tim na nag susugal mismo sa likod ng room.
May mga dala talaga silang baraha!
Lumapit ako sa kanila at akmang sasawayin ng maisip ko na pwede namang sumali. Edi nagkapera pa ako.
Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Tim. "Sali ako! Sali ako! Anong laro yan? Pusoy?" Tanong ko. Agad silang umutungal na tila ayaw akong pasalihin. "Huwag na! Magaling ka, eh. Baka matalo mo kami."
"Magaling naman ako sa lahat, no." Sagot ko at naglabas ng 100. "Ulitan, sali ako." Kinuha ko yung mga baraha at binigay kay Tim para sya ang mag balasa.
Sampung minuto na ang makalipas at tawa na ako ng tawa. Paano ba naman panalo na kase ako HAHAHAH. Mahigit 500 na ang panalo ko.
"Hoy, kunin mo nga yung bag ko." Utos ko sa isa kong kaklase. Kinuha nya naman iyon at binigay sa akin. Niyakap ko yung bag ko saka doon nilagay ang ibang pera.
Ngunit agad kaming napatagil sa paglalaro ng biglang may sumigaw na nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"BOYS AT THE BACK AND MS. LEWIS!!!!" Galit na sigaw ni Sir kaya naistatwa kami. "Come to the office now!!" Dali dali kaming tumakbo papontang office.
Tangina talaga!!
BINABASA MO ANG
How My Life Play with Me [COMPLETED]
RomanceHow Series #1 Leeina Lewis is the woman everyone annoys with, because all the boys in their school have become her boyfriends. She was full of gossip every day, always fighting at school. But no one knew about her problem. That she do that all becau...