Chapter 5

27 1 0
                                    

6 am na at nandito kami sa dining kumakain ng almusal. Pandesal at kape lang ang kinakain ko. Wala kase akong gana kumain kapag umaga, nasanay na akong hindi nag aalmusal.

"Kumain ka kaya ng kanin, Leei. Tignan mo ang payat ng katawan mo. Paano nalang kapag umuwi si Nilda?" Komento ni Tito Nathan habang pinagmamasdan akong kumain.

Ngumisi ako. "Sexy ang tawag dito, Tito. Ayaw nyo ba? May pamangkin kayong ubod ng sexy, pwede na akong maging sexystar." Nasamid si Ate Jem sa kinakain nya.

"Wala ka bang matinong pangarap, Leei?" Tanong nya. Napaisip ako. "Hahaha wala, eh. Hindi ko naman alam na aabot ako sa senior high." Natatawang sabi ko.

Pagkatapos kong kumain ay inihatid kami ni Tito papontang school. Sa backseat ako umupo habang si Ate Jem sa passenger seat.

Saktong pag kabit ko ng seatbelt ay ang paglabas sa tapat ng bahay si Isaac. Isinarado nya ang gate nila, kasama nya ang isang kapatid nya na hindi ko masyadong kilala.

Tahimik lang itong babae, mukhang hindi pasaway tulad ko. Maputi din at maganda kaya nga lang mas maganda ako.

Biglang nagtama ang mata namin ni Isaac kaya kumindat ako sa kanya sabay sarado ng bintana ng kotse. Pinaandar na din ni Tito ang sasakyan.

Pag dating ko sa school dumaretso agad ako sa room, naabutan ko si Tim na seryosong nag aaral. Umupo ako sa tabi nya. "Hey, what's up? Bat parang sumipag kang mag aral?" Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi kaya sinuntok ko sya, hindi naman nya iyon ininda.

Nakasanayan ko na ang ganito si Tim, nanghahalik ng basta basta. Kaya lahat ng mga naging boyfriend ko inis na inis sa kanya at nakikipag suntukan sa kanya, pinapatulan nya rin naman, eh.

"Pinagalitan ako ni Mama kagabi, kainis si Cristy sinumbong ako, eh." Pagmamaktol nya.

Dumating si Cristy at dumaretso agad sa pwesto namin. "Ano? Nagawa nyo na assignment sa biology?" Tanong nya. Ngumuso ako. "Hindi pa...Pakopya naman ako, Cristy." Paglalambing ko.

Inakbayan ako ni Tim. "Sagot kita ngayon, Leei. Ako ang hero mo. Papakopyahin kita, alam mo naman yan si Cristy gusto nya tayong pahirapan." Agad syang hinampas ni Cristy.

"Hoiii! Ang gusto ko lang ay matuto kayong magsumikap para sabay tayong maka graduate na paghihirap natin! Paano pag nag college tayo? Hindi na pwede na mag kopyahan dahil iba iba na tayo ng papasukang course." Hinampas ko naman si Tim.

"Oo nga! Makinig ka sa Nanay natin!" Pagkasabi ko nun ay nagtawanan kaming tatlo.

Kumopya ako kay Tim at ipinaliwanag ni Cristy ang mga hindi ko maintindihan. Hindi rin katagalan dumating na ang advicer namin kaya bumalik na sya sa upuan nya sa harapan.

Nakaakbay lang sa akin si Tim buong klase habang ako ay bored na nakikinig sa lesson. "Hoyyy, alam mo na kapitbahay ko si Ma'am Elizabeth ngayon!" Chismis ko.

Nanlaki ang mata nya. "We? Baka naman nag sisinungaling ka?" Tanong nya kaya inirapan ko sya. "Why would I do that, no?!" Inis na tanong ko.

Nagkibit balikat sya. "Malay ko ba, baka ginawa mo Yan dahil gusto mo ang panganay nyang anak. Ano nga palang pangalan nun? Yung nasa 11-A? Ahh, oo si Isaac." Sagot nya sa sariling tanong.

Ngumisi ako sa kanya. "Ano kaya kung jowain ko yun, no? Malakas naman ang alindog ko." Umirap sya."Hindi ka papatulan non. Ako nalang ang jowain mo."Nakakalokong sabi nya saka yumapos sa braso ko.

Nandiri ako. "Ewww, ayoko nga. Ano naman ang mangyayare sa atin kapag naging tayo? Puro tayo kalokohan, clingy ka at ayoko ng clingy na tao! Hindi tayo para sa isa't isa." Napahawak sya sa dibdib nya na para bang nasaktan.

"Ouch! You just broke my heart." Maarteng ani nya.

"Mr. Cruz and Ms, Lewis at the back! Are you two listening?!" Galit na sigaw sa amin ni Sir. Sabay kaming umiling ni Tim. "Labas!" Sigaw nya ulit.

Pinanlakihan ko ng mata si Tim. Kainis to! Lagi nalang akong pinapahamak.

"Hindi kayo lalabas?! Gusto nyo pa bang kaladkarin ko kayo?!" Ngumuso akong tumayo at naglakad palabas, naramdaman ko naman ang pagsunod ni Tim.

"Mga walang kwentang istudyante!" Rinig ko pang hirit ni Sir. Inis ko syang binalingan. "Hindi ka naman nag tuturo!" Sigaw ko din saka tumakbo paalis.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko pala si Isaac at may kasama syang isang babae at mukhang popontahan si Sir.

Nag diretso lang ako ng paglalakad dahil mas lalo kong narinig ang galit na sigaw ni Sir sa akin na pinapabalik ako.

Dumaretso ako sa dulo ng building at umupo sa gilid ng hagdanan. Ganun din ang ginawa ni Tim at tumawa.

"Gago ka talaga, gustong gusto mo na may naiinis kang teacher, ano?" Sabi nya sabay halakhak.

Ngumuso nalang ako para pigilan ang pag ngiti. Nakita ko palang ang galit na mukha ni Sir natutuwa na ako.

"Billiards nalang tayo, ano gusto mo ba?sa dating tambayan." Aya nya. Umiling ako."Mag lunchtime na din, eh. Gutom na ako." Sagot ko.

"Huwag tayong mag pakita mamaya kay, Cristy pagagalitan tayo nun." Sabay kaming natawa.

Napatingin kami sa likod namin ng may maramdamang may pababa. Si Herry ito na may kaakbay na bagong babae.

"Sugar daddy!" Bati ko at kinawayan sya. Dumako ang tingin nya kay Tim. "Pinalabas na naman kayo, no? Hahaha mga bobo!" Mayabang na sabi nya.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo sa labas? May klase pa, ah?" Tanong ni Tim sa kanya.

Ngumisi naman ito. "Excuse me, hindi ako pumapasok ng klase, no!" Pagmamayabang nya saka dumaan sa harap namin. "Bye na! Mag jujugjugan lang kami ng girlfriend ko." Napailing iling nalang ako.

Ng mawala silang dalawa ay naiwan ulit kami ni Tim. "Babaero talaga ang putanginang yun." Komento nya. Natawa ako. "Nagsalita ang hindi Babaero." Irap lang ang sinagot nya.

"Ikaw lang naman ang babae ko, Babe, eh." Hinawakan nya ako sa braso kaya nandiri kong tinanggal yun. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Naaalibad baran na sabi ko.

Natigil lang kami sa pag haharutan ng may matangkad na lalaki na huminto sa harap namin. Napalunok ako ng nagtama ang malamig na mata nya.

"Ma'am Elizabeth looking for you. Sumama ka sa akin." Malamig na sabi nya. Akmang tatayo na ako ng hawakan ni Tim ang braso ko kaya agad doon napatingin si Isaac.

"Sama ako." Usal nya. Tumaas ang kilay ni Isaac. "Si Ms. Lewis lang ang hinahanap. Hindi nya sinabing pati si Mr. Cruz." Seryosong ani nito.

Nag igting ang panga ni Tim na para bang hindi nagustuhan ang sinabi nito kaya binatukan ko sya. "Hoiii, huwag ka ngang ganyan! President ng section A yan." Sita ko.

Maya maya ay ngumiti ng malawak si Tim at hinalikan ako sa pisngi. "Okay, ingat ka, ha? Hintayin kita sa bilyaran. Mag bebe time tayo doon." Nakakalokong sabi nya.

Kahit nag taka ay tumango nalang ako. "Baliw..." Komento ko at naglakad na.

Panay ang sulyap ko kay Isaac, diretso lang kase ang tingin nya sa daan at seryoso ang face nya.

Kailan kaya ngumiti ito, ano?

"Woiii... Yung si Tim kaibigan ko lang yun, ha? Baka kung ano isipin mo." Hindi ko alam kung bakit ako nag explain.

Ngumisi sya nung hinarap ako. "I don't care if kaibigan or boyfriend mo iyon, Ms. Lewis. Hindi naman kita gusto. At hindi kita magugustuhan." Pagkasabi nya nun pinihit nya pabukas ang pinto at sinenyasan akong maunang pumasok.

Napatulala ako sa sinabi nya. Did he just said na he don't like me?! Kahit kailan walang nag reject sa ganda ko, no!

How My Life Play with Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon