NOAH:
Adam:
Year: 2005, Metro Manila (Present)
Naiwan akong mag-isa sa kuwarto. Nakatulala ako sa papel na hawak ko. Sa labas ay naririnig ko si Noah na kausap ang tatay niya sa telepono
"Hello po, Dad? Ah, opo. May makiki-sleepover po pala na classmate ko for two weeks dito sa condo," paalam ni Noah sa ama nito.
Tuwang-tuwa pa ata talaga si buwiset dahil may kasama na siya sa condo. Mukhang wala talaga siyang kaibigan. Samantalang ako, naiinis na. Wala pa akong naiisip na plano kung paano ako magtatago kapag ako ay sinumpong. Hindi pa nakuntento si Arroyo at binuksan pa talaga ang speaker niya.
"Yeah, I got the message from your Science Teacher. Tamang-tama, dadaanan kita riyan sa Taguig bukas bago ako dumiretso sa Bulacan. May pinabibigay ang Lola mo," saad ng kausap ni Noah.
Lalo akong kinabahan. Ngayon lang ata halos ako makakausap ng magulang ng isang kaklase. Kahit sina Alex at ang baliw na si Ethan, hindi ko kilala ang mga magulang nila.
"Alright Dad, see you," madaling paalam ni Noah.
Nakarinig ako ng mga yabag. Tila isang taong nagmamadaling magbihis. Ilang segundo pa ay naabutan niya akong nakayuko sa gilid ng kama at inaaral ang balahulang sticky note.
"Yow! Ano iyan?" usisa ni Noah.
"Fuck! Ah, eh, wala," bulalas ko.
Agad kong tinago ang mga hawak ko at sinimulang ilagay ang mga iba ko pang gamit sa cabinet. Gulung-gulo pa rin ako sa papel na nakita at ang kakaibang bagay na kasama nito.
Marahan akong napalingon sa pinto. Nakasandig si Noah doon habang pinapanood akong mag-ayos ng mga gamit.
"Kailangan talaga na pinapanood mo ako, bro?" Tinaasan ko siya ng kilay bago inirapan pabalik sa ginagawa ko.
"Bawal ba, Ambrosi?"
"Alam mo, Arro-"
Bigla akong natigilan nang muli ko siyang lingunin. Nakasandal na siya sa aparador sa aking tabi habang nakatungkod sa kanyang balikat. Ilang dipa lamang ang layo ng mukha niya sa akin. Marahan niyang pinakurba ang isang bahagi ng kanyang labi at lumabas ang isang nakakainis na dimple niya sa pisngi.
Sa mas malapitan, lalo kong nakita ang suot niyang puting t-shirt. Hapit na hapit sa pumuputok niyang braso maging sa matikas niyang dibdib. Mabilis akong napasimangot dahil hindi ko alam kung ipinagyayabang ba niya ang katawan niya.
"Oh, bakit ka natulala r'yan?" tanong ni Noah.
Tuluyan na niya akong nginitian. Mabilis na sumingkit ang kanyang mga mata. Bigla akong napagtingin sa kabilang direksyon dahil may kung anong bagay na biglang tumatambol sa dibdib ko. Isang bagay na nagpapamula sa pisngi ko. Isang bagay na tila hindi nagpapakali sa sa tuhod ko. Ito ang pamilyar na pakiramdam noong makita ko siya sa music room. Pakiramdam na nakakainis. Nakasusulasok. Nakapagtataka.
BINABASA MO ANG
Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)
Science FictionThe Time Traveler's Boyfriend Book 1 (Book 1 Ark and Apple Published under Pop Fiction) "How can you miss someone you've never met?" (A BL story) COMPLETED "Ang gulo-gulo mo naman kausap, kuya. Ako ito! Hindi mo na ako naalala agad?" halakhak ko. Pi...