Chapter 15: Their First Kiss

1.7K 132 28
                                    



Adam:

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Naglalakad si Noah sa ikatlong palapag papuntang hagdan ng Saturnino High School. Sa kabilang building ay naglalakad ako sa parehong direksyon. Bago pa kami magpang-abot ay mabilis akong huminto. Nginitian niya ako nang magtama ang aming mga tingin.

Pero agad akong tumalikod. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at nagpanggap na hindi ko siya nakita. Medyo malayo na ako sa kanya nang marinig kong tumunog ang kanyang cell phone.

"Hello?" malungkot na bati ni Noah sa kausap nito.

Napatigil si Noah sa tapat ng hagdan habang nakatingin sa akin habang unti-unti akong naglalakad palayo.

Maging ako ay naiinis na sa inaasal ko. Isang linggo ko na siya halos hindi kinakausap mula nang mangyari ang insidente sa pabrika ng pantalon.

"So? Did he talk to you na?" Maririnig ang boses ni Nico sa kabilang linya.

"Ah, eh." Hindi makasagot nang maayos si Noah. Mabilis itong nagtungo sa kabilang direksyon.

"Iniiwasan ka pa rin niya? It has already been a week since the incident," sabi ni Nico. Mararamdaman sa telepono ang matinis na boses nito habang hindi mapakali sa boses ng kanyang pinsan.

"Nah, we're good," pagsisinungaling ni Noah. Bumaba ito ng hagdan.

Marahan akong huminto. Nilingon ko si Noah hanggang sa makita ko itong naglalakad sa ibabang palapag habang kausap pa rin si Nico.

"Ano ba naman, Adam!" bulong ko sa aking sarili. "Kausapin mo na!"

Halos hapon na lang kami mag-usap tuwing kailangan naming mag-review. Sa umaga ay kung wala ako sa sala upang mag-aral, nasa kuwarto naman ako at nakababad ang tainga sa MP3. Mas malamig pa sa mga laman ng refrigerator ang pakikitungo ko sa kanya. Mabilis rin akong magpanggap na tulog tuwing tatabihan niya ako sa kama.

Nagpatuloy ako sa pagmamasid kay Noah. Nakayuko itong naglalakad habang ilang metro na lamang ang layo niya sa student council room. Nasa ikalawang palapag ito habang kausap sa telepono si Nico. Naglalakad ito nang mabanga siya ni Bien na may dalang maraming kahon ng dokumento galing sa isang kuwarto.

"Buwiset!" bulalas ko habang pinapanood sila.

Hindi nakita ni Bien ang dinadaanan niya dahil sa mga kahon na nakaharang sa kanyang mukha. Akmang tatakbo na ako pababa nang makita ko kung paano tinulungan ni Noah at Class President namin na dumampot sa mga papeles.

"Nako Bien, sorry!" ani ni Noah. "Nico, I'll talk to you later,"

"Okay lang, hindi rin kasi ako nag-iingat," saad naman ni Bien.

Bakas ko sa mga mukha nila ang mga ngiting nakakarindi tuwing sila ay magkasama. Mabilis na inayos ni Noah ang ibang kahon na nagkalat gayundin ang mga dokumentong laman nito.

"Tulungan na kita, Bien," sabi ni Noah.

"Akin na iyan. Kaya ko na ito," nahihiyang tugon ni Bien.

"Sus! Magaan lang naman, eh."

Ngumiti si Noah. 'Yong ngiting kasing lagkit ng champorado habang naglalabasan ang dalawang dimples sa makinis niyang pisngi.

Napakagat ako ng labi. Kitang-kita ko kung paano mamula ang mukha ng class president namin. Napahinga ako nang malalim.

"Salamat. Maiba ako, gusto mo bang mag videoke kasama ng iba nating classmates mamaya sa bahay namin?" alok ni Bien. Nakatitig ito sa nakangiting si Noah.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon