Special Chapter: The Lonely Neighbor

1.6K 113 35
                                    

AUTHOR'S NOTE: THIS CHAPTER ONWARDS WOULD INCLUDE THIRD PERSON POINT OF VIEW.

Special Chapter

"The Lonely Neighbor"

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Tinutulungan ni Noah si Adam na magtupi ng mga damit. Dahil tapos na ang Quiz Bee, kailangan nang bumalik ni Adam sa kanila. Napansin ni Adam na walang imik si Noah habang nakatalikod sa kanya sa kabilang dulo ng kama. Nalungkot si Adam para sa kasintahan nito.

"Uy, baka ma-miss mo ko agad, ha?" malambing na saad ni Adam kay Noah. Natatawa ito habang nakatitig sa kanyang nobyo.

Kumuha si Noah ng isang damit at hinagis kay Adam. "Hindi, no, sanay na ako. Lagi mo naman akong iniiwan," biro ni Noah. Nakangiti si Noah kay Adam at bumalik sa pag-aayos ng gamit. Bagamat mukhang ayos lang, may nararamdamang lungkot si Noah dahil maiiwan nanaman itong mag-isa. Sa pagkakataong ito, hindi ng mga future version ng nobyo niya kundi ang kasalukuyang Adam mismo.

Napansin ni Adam na tahimik lang si Noah sa ginagawa nito at pinipilit lamang nitong ngumiti. Dahan-dahan siyang gumapang mula sa likod nito at hinalikan si Noah sa pisngi.

"Hey!" bulalas ni Noah habang namumula na ito sa kilig.

Nakangiti sa kanya si Adam at kumikislap ang mga mata nito. Inalala nito ang sinabi ni Noah tungkol sa sanay na itong maiwang mag-isa. "Ako, ayaw kong masanay na iwan ka," sambit ni Adam. Napaka amo ng boses nito. Wala nang bakas nang pagsusungit sa kanyang mukha mula nang maging silang dalawa ni Noah.

Lalong namula si Noah dahil sa narinig niya. Inangat niya ang hawak niyang damit at itinago ang mukha niya rito. "Kainis ka," saad ni Noah.

Sinumulan siyang yakapin ni Adam mula sa likuran. Nagpatuloy si Noah sa pagtupi ng damit. Ikinalat ni Adam ang mga mata niya papunta sa isang sulok. Napansin nito ang isang bagay na matagal na niyang nakikita sa kwarto ni Noah. "Pansin ko lang, bakit hindi mo ginagamit ang piano mo, Apple?"

Napatingin si Noah sa keyboard piano na tinutukoy ni Adam. Medyo may kalumaan na ito ngunit halatang palagi niya pa ring nililinis upang mapanatiling maayos. Napabuntong hininga si Noah bago ito sumagot. "Hay, busy kasi ako sa school and mas gusto ko talaga ang violin at gitara. At isa pa..." Natigilan si Noah sa pagpapaliwanag nito.

Tahimik na nakikinig si Adam habang mahigpit pa rin ang yakap kay Noah. "At isa pa, ano?" tanong ni Adam.

Muling ibinalik ni Noah ang mga mata niya sa mga inaayos niyang damit. Inalaa nito ang mga araw na madalas siyang mag piano sa kwarto. "Naalala ko kasi ang dati kong kaibigan mula sa piano na iyan," paalala ni Noah.

Nagsimulang usisain ni Adam ang instrumento. Nang mapansin ni Adam na limitado ang mga sagot ni Noah ay napatayo ito sa kama at marahang pumunta sa piano. Nagsimula itong tumugtog ng isa sa mga natatanging piyesang alam niya. Sa una ay mahinang nota ang pinakawalan ni Adam hanggang sa mapuno ang kwarto ng malungkot na musika. Isang piyesang halatang puno ng hinagpis mula sa taong gumawa nito.

Tumigil ang oras.

Nang marinig ni Noah ang mga mga nota na tinutugtog ni Adam ay natigilan siya sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin kay Adam. Tahimik na tumutugtog si Adam habang hinahangin ang kurtina sa likod nito. Mararamdaman ang lungkot sa kanyang tinutugtog. Ngunit halatang hindi galing kay Adam ang kalungkutang umiikot sa kwarto kundi sa taong nag-compose ng piyesang tinutugtog nito. Magkahalong gulat at lungkot ang makikita sa mukha ni Noah sa pamilyar na piyesang tinutugtog ni Adam habang lumulubog ang araw sa labas ng bintana.

****

Year: 2003, Metro Manila

Kakalipat lang halos ni Noah sa condo nito sa Taguig. Ilang buwan pa lamang siya rito at unti-unti na siyang nasasanay na mamuhay mag-isa. Bilang libangan, mahilig itong tumugtog ng iba't ibang instrumento sa kanyang kwarto. Mula paggising sa umaga at bago matulog galing sa paaralan, nagsasalitan ang piyano at biyulin sa mga daliri ni Noah. Hanggang sa isang araw, habang lumulubog ang araw ay may narinig si Noah na tumutugtog ng piyano mula sa katabi nitong condo unit. Pamilyar kay Noah ang piyesang ito. "Teka, iyon din ang tinutugtog ko lagi, ha?"

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon