Chapter 18 : Stay

19 7 0
                                    

Dahlia's Point of View

"Do you think that I can easily get over with that cute little confession of you, my love?"

Wala na sa kanya ang paningin ko pero, pilit pa rin ako na umiwas. Pinapakaba ako ng todo ng lalaking ito.

"Dahlia..."

Bakit naman po ako naging marupok sa isang Katoliko?

Oo, umamin talaga ako sa kanya ng harap-harapan. Para akong tanga dito na hindi makasagot.

"Ano bang sasabihin ko?" Napapikit ako nang tanungin ang sarili.

Hindi ko na rin matadaan ang pinagsasasabi ko sa kanya kanina. May kung sinong sumapi sa akin, hindi ko alam kung bakit napaamin ako sa paglalim nitong nararamdaman ko kay Xalien.

Nababaliw na ako. Bakit ko sinabi na mahal na mahal ko siya?

Hindi pwede 'yun! Gusto kong bawiin ang lahat pero, mukhang hindi na kaya. Hindi rin siya sumagot pabalik at gulat lang na napatingin sa 'kin. Nalugi ako.

"Aalis n-na ako," dali-daling kinuha ko ang bag bago pa siya makasagot sa palusot ko.

Kahihiyan na naman ang nasa katawan ko bago matulog.

Lutang ako kanina. Oo, tama. Lutang ako madalas sa buhay ko. Siguro ay kalahati ng taon ko dito sa mundong ibabaw ay ang kadalasang pagiging unconscious sa mga bagay-bagay at kamunduhan.

Kaagad ko na tinawagan ang kaibigan ko. Inistorbo ko sa tulog.

"Hello, Lynn?"

"Dahlia..."

"Pwedeng humingi ng payo?"

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Timapik-tapik ko ang paa sa sahig upang mapigilan ang inip. Kaunting oras na lang ay tatawagin na ako para kumain.

"Sure. What is it?" Bahagyang lumaki amg boses niya.

Napabuntong-hininga ako bago magsalita muli.

"Tama lang ba na hindi mo maalala 'yung sinabi mo sa isang tao?"

"Anong ibig mong sabihin?" Utas niya sa linya.

"Lynn kasi," kumalma ka, Dahlia. "Hindi ko matandaan 'yung nangyari kanina. Nasabi ko yata kay Benedict na mahal na mahal ko siya." Napa-facepalm pa ako.

"What?" Agad na narinig ko ang tawa niya. "Hindi mo matandaan?"

"Hm..." Hindi talaga.

Pakiramdam ko ay bigla na lang akong nawalan ng malay kanina, nagdire-diretso marahil sa pagsasalita pero... Hindi ko alam.

May tila sumapi sa akin.

Ni-real-talk niya ako. "Mahal mo ba talaga si Xalien?"

"Yata?" Napakibit-balikat ako sa kawalan. "Baka, siguro. Pero, hindi ko naman sasabihin kung hindi ko sigurado, 'di ba? Basta, bigla na lang akong bumalik sa pagkatao ko na parang nakipag-soul switch ako sa kanino. Nakaramdam ako ng hiya nang linawin at... ipaalala niya."

Natahimik siya.

"Lynn, alam mo 'yun." Nakokontrol ko lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nagka-ganoon.

Hindi ako nag-aalangan sa naiisip ko, o kung hindi kami parehas ng nararamdaman. Pero, itong puso ko... bigla-bigla na lang na maninibago sa katawan ko.

"Hindi ko alam kung totoo 'yung soul switch pero, parang iba talaga 'y-yung nasa katawan ko kanina..." Pinaglaruan ko ang mga inosenteng langgam na nagt-trabaho sa may sahig, papauwi na sila sa kanya-kanyang lungga.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon