Chapter 28 : End

16 7 0
                                    

"Kuya, may sasabihin daw si Kuya Danie..."

Isinantabi ko muna ang lahat ng reports na ichini-check. Pinilit ko ang sarili na lumapit ng maayos kahit na tinatamad.

"Ano 'yun?"

"Sorry, Kuya..." Napayuko si Danie sa agad na sinabi.

Iniwasan ko ang pagngiti at pinanatili ang sama ng tingin. Kunwaring hindi ako interesado sa susunod niyang sasabihin ngunit, tahimik naman ako na nakinig.

"Sorry po, puro masasama nasabi ko," aniya. "Hindi ko nakita 'yung pagt-trabaho mo para sa aming lahat. Sa k-kagustuhan ko na makasama kay Mama ulit, pinilit kita kahit alam ko na hinding-hindi mo na kayang sumama ulit sa kanya. Sorry po..."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako nagsisi na inalagaan ko sila at pinangaralan ng maayos simula noong iwan kami ng Nanay namin. Ngayon ay nagagamit nila ang itinuro ko sa paghingi ng tawad. Magalang at hindi lang ang sarili ang iniisip. Alam ko na dito talaga magtatapos ang lahat, nagpalipas lang sila ng oras.

Nais kong magsalita bilang tugon sa kanya. Pinangunahan nga lamang nang mahagip ko ang pagtawa ni Andre sa Kuya Danie niya habang nakayuko. Tumikhom siya matapos kong panlakihan ng mata.

Hindi siya maganda isama sa ganitong usapan. Kahit si Raven. Napakagagago nito at iyon pa talaga ang namana sa akin. Kung hindi lang nakita ng bunso na umiiyak ang Kuya niya ay tatawanan niya, panigurado.

"Ayos lang, Danie," mahinang bulong ko. "Ayos lang sa akin. Alam ko na gusto mong sumama kay Mama dahil... matagal rin siyang nawala. Hindi mo kasalanan kung nam-miss mo siya. Normal lang 'yun."

Katulad ko... kay Papa.

"Sorry pa rin po," sunod-sunod niyang sambit.

Naupo ako sa upuan bago tapikin ang tabi ko. Hindi siya sumunod at nanatili na lang sa tabi ng mga kapatid. Lahat sila ay nakayuko na parang humihingi din ng tawad. Maliban lang kay Drei na halos maihi na sa pagpigil ng tawa.

"May isa ka pa bang sasabihin?" Napataas ang kilay ko nang makita na nagulat siya.

Sabihin mo na, Danie... Ayusin na natin ang lahat. H'wag ka nang matakot.

"Kuya..." Sunod nang nakita ko ang paghagulgol niya habang nakatingin sa akin.

Binanat ko ang dalawang braso para sa pag-amba ng yakap. Doon siya dali-daling sumunod sa akin.

"Walang masama, ha?" Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.

Masyado akong marupok pagdating sa mga kapatid ko. Nanghihina ako palagi sa tuwing makikita sila na umiiyak, kahit sa simpleng bagay. Mabilis na nangingilid ang luha ko.

"Sorry, Kuya..."

"Bakit ka nags-sorry? Hindi mo kasalanan, Danie, ayos na ayos lang sa akin." Napangiti ako.

Iniisip niya siguro na magagalit ako kapag nalaman ko.

"Matagal ko nang alam," dagdag ko.

Natatakot lang itong batang ito noon. Lalo na't maraming tao ang manghuhusga dahil lang nalaman niya ang totoong pagkatao nitong bata pa. Itinago niya sa sarili, pati sa amin. Pinilit na magpanggap ngunit, kahit kailan ay hindi niya kaya.

"Walang mali, Danie, tanggap kita..." Pinunasan ko ang mga luha niya, nangusap ang mga mata.

"Hindi ko alam, Kuya... Sorry..." Pakiusap niya.

"Ayos lang sa akin na itinago mo. Lalo na't bata ka pa lang naman at hindi pa handa sa mga bagay," paniguradong alam na din ng mga kapatid namin. At tuwang-tuwa sila ngayon na umamin siya.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon