The Way of Heaven.
Wala sa sarili akong lumapit sa dala-dala ng babae. Ngumiti siya sa akin.
"You know, the Benazirs are so..." Napaisip sandali si Mr. Bruce. "Curious about a few good thing. Huh?"
"Gusto mo bang hawakan?" Si Datu na ang nag-alok sa akin upang kunin ang taling iyon.
Kakaiba iyon. Kupas na ang kulay dahil sa haba ng panahon.
"Hindi po ba ito makakalas?" I asked.
He didn't bother to answer me. While Mr. Bruce shook his head continously.
Maingat ko ulit na hinarap ang tali. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti. Wala talaga akong balak hawakan dahil alanganin.
Unti-unting tinanggal iyon ng babae. Pansin ko na magsuot siya ng gloves bago hawakan ang takip.
"Magg-gloves pa din po ba ako?" Muling tanong ko sa kasama.
Parehas lamang 'yon ng nakuha kong sagot sa kanina. Wala pa ring pagdududa ang opisyal ng auction sa akin. Baka mabago ang itsura nito kapag nahawakan ko. O kaya baka maputol dahil hindi na matibay.
Hindi ko pa man nahahawakan, nadulas na sa cushion.
"Dahlia!"
"Pasensya na po..." Ang babae ang sumagot.
Inayos ko ang suot na damit bago yumuko sa lupa. Doon ko maingat na idinampi ang aking kamay sa lubid, sinigurado ko na maayos ang pagkakahawak upang hindi na muling dumulas.
Nadumihan na kaya ito? Mukha na siyang madumi. Parang nasa lupa na sa matagal na panahon. May makabagong init o boltahe ng kuryente ang dumadaloy dito na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa aking mga daliri. Inalalay ko pa ang isang kamay ko doon.
Wala sa sarili akong napatitig sa blangkong entablado nang maalala ang kanina lamang na panaginip.
Akala ko'y hindi na manunumbalik.
Inilabas ko ang isang maikling tali na personal kong ginawa para sa aming dalawa. Maingat ko iyon na inilusot sa kanyang kaliwang pulsuhan at hinigpitan ang pagkakatali, ganoon din ang ginawa ng kabila kong kamay sa kanan. Upang hindi matanggal, muli kong ipinagsalikop ang aming mga daliri. Kasunod niyon ay ang pag-akbay ko ng kanyang kaliwang bisig sa aking balikat, ako'y mas nakalihig ng kaunti sa dibdib niya. Yakap-yakap ako ni Yadan nang walang kamalay-malay. Mariin kong pinagmasdan ang aming mga daliri.
Tila ba isa kaming malayang preso sa madilim at masikip na selda.
"Gusto ko... sabay tayo na magkikita ulit." Kahit pa hindi na kita makilala sa dating paraan. "Kung kailan ang paninibagong taon na itinakda ng langit."
It looks like a handcuffs. Hindi ko na pinigilan ang pamumuo ng luha ko. Dahil, para saan pa nga ba? Mas lalo akong nagtaka nang tumingin sa mga kasama.
Wala sa akin ang atensyon ni Datu. "Mga sa tingin ninyo, anong taon iyan?" Tanong niya.
Napatitig ako sa hawak. Hindi ko na kailangan ng kasagutan.
"Roughly, 1775 to 1780s." Ani Mr. Bruce.
Sarkastiko akong natawa. Sabay sa patuloy na pagluluha, tuloy-tuloy ang daloy sa aking pisngi. Lumingon ako kay Datu. At ganoon na lamang ang pagtataka niya ngunit, hindi siya nag-abalang magtanong pa.
Ito ba iyon? Ang nasa panaginip ko kanina...
Totoo ba na nangyari ang bagay na iyon dati? Sina Iris at Yadan? Hindi ba sila gawa-gawa lamang ng isipan ko?
Unti-unti kong kinapa ang lubid. Hindi ito tulad ng inaasahan ko. Siguro ay umaabot din sa six inches ang haba ng tali. Bukod pa sa inikot upang gawing kung ano.
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Ficção AdolescenteThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...