Chapter 32 : Committed

16 7 0
                                    

TW // Violence

"Isara niyo ang tarangkahan para sa akin, o pupugutan ko ng ulo ang Hari at Reyna ninyo sa harap ng buong palasyo?!"

Isang malakas na pagsabog mula sa Kanlurang bahagi ang nagpaggising sa dugo at ugat ng dalawang kamahalan sa aking harapan. Ngunit, sadyang matigas ang puso ng lalaki.

"Huwag na huwag ninyong gagawin iyan!" Buong-lakas na sigaw ng Haring Royol sa tauhan.

At dahil hindi ako ang kagalang-galang na kamahalan nila, sa kanya sila sumunod.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa aking labi. Marahas na hinawakan ko ang buhok ng maharlikang mag-irog mas lalong nilaliman ang pagtusok ng espada ko sa kanilang leeg. Napasigaw ang babaeng kamahalan sa pagtarak ng napakakapal na dugo mula sa kanya.

Bago pa man makasigaw ang lalaki, kitang-kita ko na ang pagbagsak ng kanyang katawan. Halos mabinggi ako sa tili ng kanyang asawa.

"Gusto mo?" Bahagya akong natawa sa pag-iwas ng kanyang ulo nang iharap ko sa kanya... ang putol na ulo ng asawa.

"Pasensya na kayo, ha? Nadulas ang kamay ko kaya napugutan siya," itinuro ko ang walang buhay na katawan ng hari.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa buhok ng Hari. Hindi ako makapaniwala na takot na takot ang asawa na umiiyak. "Ngunit, sa pagkakataong ito, hindi na dudulas."

Sinikap ko na makinig sa katahimikan na nanamamayani sa aking katawan. Gamit ang iisang kamay, mahigpit ko na hinawakan ang leeg niya bago tuluyang padausdusin ang aking espada sa kaninang plano.

Una kong nakita ang reaksyon ng bawat mandirigma, sa harap at likod ko. Tuluyan nang napaluhod ang karamihan sa lupa sa sobrang gulat, nanginginig ang mga kamay na binitawan ang sandatang hawak. Samantalang ang ilan, kusang nagpatiwakal.

Hinawakan ko sa kanang kamay ang parehas nilang ulo, sa dulo ng buhok ang higpit. Kanan, bilang paggalang. Hindi ko binitawan ang espada sa aking kaliwang kamay. Ngayon ko lang nalaman kung gaano ito kalakas, nitong mapatunayan ko na kaya kong pugutan ng ulo ang dalawang walang laban na Kamahalan.

Napakasarap sa pakiramdam na pumatay para sa Emperatris ko... para sa iyo, Iris.

Madugo kong tinahak ang daan patungo sa sariling palasyo. Sadyang may mga walang hiya pang nanlalaban sa akin na aktong susunggaban ako ng saksak. Napapangiti ako sa tuwing tumatama ang espada ko sa bahagi ng puso nila.

Kung hindi ko lang hawak ang ulo ng Hari't Reyna ninyo, mawawala na rin ang mga lamang-loob niyo. Ibibigay ko sa ibang hayop na gutom bago sunod na ipakain ang katawan.

Nagdire-diretso ang aking paglakad hanggang sa makarating na sa bulwagan. Naroon at nag-aabang ang itinuturing kong kanang-kamay. Pasimpleng sumulyap si Phero sa dalawang ulo sa kamay ko, at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya.

"Ipagbawal ang paglabas ng imperyo hangga't hindi natatapos ang gulong ito," utos ko sa kanya.

Mabilis na umalis siya. Nakatutuwang hindi na rin siya nagulat doon. Sa kanya ko naman ito natutunan.

Ang lahat ng tao sa pagpupulong na lumilingon sa akin, hindi ko pinapansin. Pilit ko na kinakabisaso ang mukha nilang matatapang na tumitingin sa ulo ng kamahalan. Napapatakbo ang ilan sa pagkagulat.

"Yadan..."

"Pakawalan ninyo si Iris."

"Kamaha--"

"Pakawalan ninyo ang asawa ko, o mamamatay kayo katulad ng nasa kamay ko..."

Ikinulong nila ang babae ko na walang laban, sa hindi malamang kadahilanan. Alam ko na kapalit ng pagpapalaya niya ay ang bagay na hinihiling ng buong palasyo.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon