Chapter 37 : Repeat

18 7 0
                                    

Xalien's Point of View

"Dahlia, I love you... I'm fine. I'm f-fine..."

"Hindi, Benedict! Hindi ka ayos e. Dadalhin kita sa ospital--"

Hindi ko na kayang tumagal...

"I'm okay... P-please, don't feel bad at him." I can feel a burning sensation on my heart. For some reasons, hindi ko maramdaman ang hapdi. "Gusto lang niyang... protektahan ka. At ibigay ang makabubuti sa 'yo."

"Makabubuti sa akin? Ang pumatay ng tao?" Umiiyak na sabi ni Dahlia. "Ang patayin ka sa harap ko?"

"Listen, Dahlia... I can't w-walk..."

"Benedict!"

Kusang bumagsak ang katawan ko sa lupa kahit na napakahigpit ng pagkakahawak niya sa 'kin. Kasunod na narinig ko ang sunod-sunod niyang sigaw.

"Tulong! Tulungan niyo kami..." Nakikusap na sigaw ni Dahlia.

Mahina akong napadaing sa biglang paghapdi ng tiyan ko-- ngunit, marahil ay wala nang mas titindi pa sa tila paulit-ulit na pagtaga sa bahagi ng puso ko. Marahas akong napapikit.

"Benedict, alam kong m-malakas ka... Tara na, dadalhin kita sa ospital." Pagbulong ni Dahlia ang nagpalakas sa akin. "Tulong!"

Sa kalsada ng Mayall... walang sinomang tao ang naririto. Tanging siya lang ang nagpapatatag sa pag-asa ko. Habang tumatagal ay nawawalan ako ng lakas na maging malakas para sa kanya.

Nawawala na ako sa sarili. Pasimple kong inilagay ang mainit niyang kamay sa parte na may sugat.

"Tulungan niyo k-kami! Please... Xalien..."

"Shh... I'm okay," but, I can take it. "Listen..."

I tried to reach for her hands... Pinigilan ko ang aktong pagtawag niya ng tulong sa kung sino.

"You can do it later... Please, l-listen to me..."

"Wala na tayong oras, Xalien! Mauubos dugo mo dito-- Tulong!"

Napangiti ako nang makita ang mukha niya, agad man iyon na napawi dahil sa luha na tumulo patungo sa akin, walang nagbabago sa paningin ko pagdating sa kanya.

Mabilis kong inabot ang kanang kamay niya, kahit mawala na halos sa sarili. Nagdampi ako ng sandaling halik sa pisngi niya.

"Babalik ako, Iris..."

Isa sa pinakamataas na bundok ang aming aakyatin, bilang pagtanggap ng isa sa kaparusahan. Kailanman ay hindi pumasok sa aking isipan na pinili ni Phero na sumama sa akin kaysa pangalagaan ang Kondesa na habang-buhay niyang ipinangako.

Muli akong nagdampi ng halik sa kanyang pisngi, sa ikalawang pagkakataon. Bumalik ang lakas ng loob ko nang tapat na ngumiti siya sa akin.

Sa gitna ng damuhan sa lungsod, naroon kaming nakatayo. Inaangkin naming dalawa ang bawat sulok ng lugar. Sa huli, kami ang nagmamay-ari nito... kasama ng tagapaglingkod at ng buong imperyo.

"Maghihintay ako sa muling pagbabalik mo, Kamahalan. Kahit pa gaano katagal iyan."

"Tila nais ko na lamang na maging aso muna at maalagaan mo bago ako ipanganak muli, higit dalawang daang taon simula ngayon," pagtawa ko upang mas mapagaan ang usapan.

Sunod-sunod na nakakuha ako sa Emperatris ko ng hampas sa braso. "Makapangyarihan kang magsalita, Yadan. Baka magkatotoo..."

Napangiti na lamang ako. Ano naman kung magkatotoo? Ang mahalaga, magkikita muli kaming dalawa.

"Mag-iingat ka doon, Kamahalan." Huli na ng aking masaksihan ang tuluyang pagluha niya.

"Makasisiguro ka, Iris. Ako na ang bahala..."

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon