Chapter 41 : Safe

21 7 0
                                    

"Sinabi sa akin ni Dextre na gusto daw makipagkita ni Mave sa akin."

"What now?"

"Kailangan ko ng kasama, Khalid. Pwede ka ba?"

"I'm always available when it comes to you," he said.

"Uh... Right. Mamaya daw, mga 4 ng hapon." Tumingala ako sa orasan.

Mariin siyang napatingin sa 'kin. "Tungkol daw saan?" Nagdududang bulong ni Khalid.

Napabuntong-hininga ako. Dapat ba talaga na ipaalam ko sa kanya ngayon? Tama ba na sabihin ko ang totoong dahilan? Baka magsumbong siya kina Omie...

"Tungkol daw sa pamilya namin." Napatitig ako sa mata niya.

Tila ba nahimasmasan siya sa narinig. Muling nabuhay ang pag-asa sa katawan ko sa sunod-sunod niyang pagtugon.

Payag siya... Samahan niya ako. At hindi niya muna sasabihin sa mga magulang ko, alam niya naman siguro na mas lalaki pa ang gulo.

Hindi ko alam ang pag-uusap tungkol sa pagitan ng mga pamilya namin. Ngunit, may lilinawin lang siguro si Mave kaya ganoon. Ako lang naman ang maaari niyang tawagin kapag may gustong ipahatid sa pamilya ko. Kami lang ang magkasundo, kahit na hindi naman magkaibigan. Binilin ko iyon kay Benedict noon, kung sakali na kinakailangan ako na tumulong para matapos na ang gulo.

Tipid lang ang pagsagot ko sa mga magulang habang kumakain. Ayaw ko na madulas sa pagpapaalam mamaya. Iba ang iisipin nila sa oras na masabi ko. Mas mabuti na manahimik muna kaysa madagdagan pa ang pagsisinungaling namin.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Baba habang naghuhugas ng plato.

Hinila ako ni Khalid ng bahagya patungo sa likuran niya.

"Gusto daw po na makita ng kapatid ko si Dahlia," ngumiti siya sa akin. "Hindi po siya makaalis mag-isa doon."

"Hmm. Naiintindihan ko. Bumalik kayo kaagad." Nagpatuloy siya sa ginagawa.

Napanguso ako habang nakatalikod siya. Bakit dati ay ini-interrogate niya pa ako? Alam niya kaagad kapag nagsisinungaling ako para makapaglibang-libang sa labas. Kung ano-ano ang itatanong niya hanggang sa tuluyan akong magtapat sa kanya, ako ang napapahiya dahil nagsisinungaling ako. Wala naman kaming pinagkaiba ni Khalid... Bakit ang bilis niyang pumayag?

Ako ba talaga ang anak niya o si Khalid? O pumayag lang siya dahil alam na kasama ko ang asawa ko?

"Baka nga gan'un," wala sa sariling sabi ko.

Kampante siya na hindi ako tatakas para gawin ang kagustuhan. Narito si Khalid para magbantay.

"What?" Nataranta ako sa boses na sumunod sa akin.

Tumaas ang kilay ni Khalid.

"Uh, hindi... May sinasabi ka ba?" Pilit akong nagpatay-malisya.

"I said, mas okay kung pumunta talaga tayo sa kapatid ko. Para hindi mahalata." Ngumiti siya. "Kahit na pakatapos na ng usapan ninyo n'ung Mave."

Sunod-sunod ako na tumango. Tama naman siya. Kilala ko si Baba, alam kong sisiguraduhin niya na doon kami pupunta, kahit na si Khalid. May mata iyan sa bawat sulok ng probinsya. Tho, I really want to meet Alema, his younger sister. Sa palagay ko ay magkakasundo kami sa maraming bagay.

Hinintay ko na lumipas ang oras, kasabay namin si Baba sa pag-alis. Ngunit, sa ibang sasakyan kami. Hindi ko maiwasang magtaka kung tungkol saan ang maaaring usapan naming dalawa, o kung may iba pang bagay na maaaring masali.

Si Dextre ang naging katiwala ko, kahit na loloko-loko madalas. Sa kanya ko ipinapahatid ang bilin ko sa lalaking iyon. Wala pang isang minuto ay may tugon na siya.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon