Xalien's Point of View
"Kuya..." Hindi ko inaasahan na magpupunta siya dito.
Joy is evident in his eyes. Lumapit ang lahat ng kapatid ko para yumakap sa kanya.
"Kuya Joe!" Sigaw ni Gail. "Pogi mo ngayon. Nilalagnat ka ba?"
"Gagi..." Natatawang saad niya.
Hinayaan ko lang sila na magpulong-pulong doon. Alam ko na mahihirapan siya na makatakas doon dahil sa dami ng tanong niya. Isama pa ang paulit-ulit na tanong ni Raven kahit na ilang beses niya na ding nasagot. Napakakulit na bata.
"Kuya Joe, may girlfriend ka na?!" Muling tanong ng bunso.
"Me'ron na nga! Ang tigas ng ulo mo." Pinanggigilan ni Kuya ang pisngi ng kapatid ko.
Nagsimula na naman sila sa pagdadaldal, hindi na siya makapagsalita sa sobrang ingay. Sumenyas si Kuya na tulungan siya.
"Hoy, pst! Lumayas kayo d'yan." Saway ko na mabilis nilang sinunod.
Ayaw ko silang sisihin. Gustong-gusto din nila na may bisita sa bahay, lalo na kung si Kuya iyon. Talagang magkaka-ingay ang lahat.
"Sige na, laro na muna kayo sa labas." Napapikit ako sa malakas na sigawan.
Hindi ko sila pinayagan. Napagalitan ko dahil nakikipag-away sa iba. Pasalamat sila at dumating siya kaya't napagbigyan.
"Kumusta na?"
"Ayos lang. Nakakaraos kahit papaano."
"Sa isang araw, Noche Buena na. Saan ba kayo magp-Pasko?"
"Dito pa rin," diretsong sagot ko. "Wala kaming ibang pupuntahan kaya't gusto namin na magkakasama dito."
Kahit na wala kaming handa ay ayos lang basta magkakasama. May makain lang kami na simple, sapat na sa aming magkakapatid, hindi na kami naghahanap ng ibang bagay o regalo.
"Pwede namang sa 'min," tumawa si Kuya. "Minsan naman ay hinahanap ka nila Grandma d'un, baka sakali na matapatan mong Pasko para makapunt--"
"Salamat pero, hindi na." Pigil ko kaya napatitig siya. "Kung pwede lang na tanggalin ang apelyido ko ngayon katulad ng ginawa ko dati," wala sa sariling natawa ako. "Kaso hindi na pwede e."
Kahit na ang mga kapatid ko ay Hermosa ang gamit na apelyido, sa Mama ko. Dahil iniwan kami ni Papa noong ipanganak ang bunso, at siya ang nagpalaki sa aming magkakapatid. Sabay-sabay kami na ipina-rehistro ng Mama ko noon para sa paggamit namin noon. Pero, hindi naman namin inakala na iiwan niya din kami sa panahon pakatapos na manganak.
Hindi ko magawan ng paraan ang apelyido ko. Gusto kong palitan ngunit, ang tanging magpapabago lang dito ay ang sa Papa ko. Hindi ko rin kaya dahil nga masama ang loob.
"Bagay naman sa 'yo apelyido ko, ah?" Pagtawa niya bago naupo sa harap ko. "Xalien Benedict Hermosa Mirelia. At tsaka basically, 'yun talaga ang apelyido mo."
"Hindi ka ba galit sa Papa?" Pagbabago ko sa usapan. "Dahil bata ka pa lang ay lumipat siya sa ibang babae?" Sa Mama ko?
"Syempre, galit..." Aniya. "Pero, wala naman akong magagawa e. H'wag mong isipin na pagkakamali ka dahil sinasabi na kabit ang Mama mo. Sa totoo lang ay mas masaya dito, ang dami kong kapatid, oh." Itinuro niya sina Raven sa labas, at ako.
"Kahit naman isipin ko na pagkakamali ako o hindi, wala namang mababago sa katotohanan." Na nangaliwa siya at si Mama ang naging babae niya.
Ito ang problema ko minsan kay Kuya, masaya siya palagi at animo'y walang tinatagong galit. Kahit bago mamatay si Papa, n'ung nalaman niya na may kapatid siya sa ibang babae, ngumiti lang siya sa akin. Niyaya ako na maglaro.
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Roman pour AdolescentsThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...