Dahlia's Point of View
"Bakit ako maiilang o mahihiya na makipag-usap sa kanya kung ako'y may kaibigan na Kondesa?"
Napangisi ako. Sa paglalakbay ko sa paligid ay nakatagpo ako ng mga taong humarang sa akin. Tinaasan ko ng kilay si Rala, katabi niya ang kapatid niya.
Mana-mana nga. Parehas masama ang ugali.
"Hindi ka naiilang dahil siya'y iyong inakit," nagkatinginan sila sabay tawa.
"Nakakaakit ako, kung gayoon." Ngumiti na lamang ako. "Wala naman akong ginagawa kung hindi singhalan siya pero, naakit na siya doon?"
Ang ganda ko naman masyado.
Kitang-kita ang gulat sa kanilang mapupusok na mata. Ilang sandali nang wala silang maisip na sagot, magkasunod nilang binangga ang aking balikat. Naiiritang umalis na palayo.
Haharangin nila ako dito, pagkatapos ay sila pala ang mapipikon.
"Iba ang epekto ng ganda ko," bulong ko sa sarili.
Hindi ko na sila pinansin. Mas bubutihin ko nang maging kaaway sila kaysa na maging kaibigan. Mabuti na lamang at hindi ko tinanggap ang alok nila noon na makipagkaibigan sa akin.
Kaaway sila ni Piana simula pagkabata, kaibigan ko siya. At kilalang-kilala ko na ang ugali nila.
Kakaibiganin ka nila para mapalapit sa Kondesa at sa Inang Dukesa. Magkaaway na sila ng kaibigan ko, bago pa man makipag-ugnayan sa amin iyong si Nova, na ngayo'y Kondesa na.
Ginagawa nila iyon para yumaman. Pinagkakakitaan nila ang pagkakaibigan.
"Ina..." Inabot ko sa kanya ang kagamitan sa kanilang laro.
"Ang tagal mo, matatapos na silang magbilang. Oh!" Pagturo niya 'di kalayuan.
"Pasensya na po."
Naglalaro sila at kumikita din. Habang ang kadikit-bahay namin ay nakikipagkwentuhan.
Taga-kinig lang ako at taga-suporta sa aking Nanay.
"Mukhang tanga iyong bagong saltang trabahador dito," umirap ang Nanay ng kaibigan kong si Piana.
"Bakit naman?" Usyoso ni Ina.
"Tsk!" Napaasik siya. "Akala mo'y kung sinong Reyna. Hindi na nga niya mahawakan ang asawa, hindi pa marunong humawak ng putik!"
"Ano? Ngunit, bakit paggawa ng paso ang kinuha niyang trabaho?" Utas ng isa sa kausap nila.
Nagsimulang magbola ang laro. Una pa lang ay nakuha na agad ni Ina.
"Isang puntos para sa akin!" Inilahad niya ang papel sa nagbobola.
"Iyon na nga ang ipinagtataka naming mag-asawa," pagpapatuloy ni Ate Hire sa kwento. "Biruin mo, doon lang kami nagkasundo na dalawa!"
"Ano po bang nangyari?" Usyoso ko nang makita na ang kaibigan.
Sandaling nagmano ang anak niya sa kanya. "Lumipat sila dito para sa trabahong iyon. Tapos ay ayaw humawak ng putik iyong babae. Inakala niya na pagtatahi ang gawain dito."
Sa lugar namin, kami lang ang mananahi ng damit. Wala nang iba.
"Ay nako, bahala silang magutom diyan!"
"Oo nga."
"Ang arte."
Kasunod niyon ay puro panunulsol na.
Ngumiti lamang ako kay Piana na masama ang loob ngayon. Ngumiti siya pabalik bago muling sumeryoso.
Hindi ko muna siya kausapin. Sa oras na mahimasmasan siya bukas, iyon ang una kong itatanong sa kanya. Kung bakit siya'y masama ang lagay ng katawan ngayon.

BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Fiksi RemajaThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...