Xalien's Point of View
I was crying the whole day. I said yes but, it doesn't mean that... I promise.
Mas masaya ako kung hindi ko magagawa e. At kung magawa ko man, anong mangyayari? Hindi ko paninindigan ang pakikisama sa iba. Sa kanya at sa kanya lang ako babalik...
Araw-araw ako na nag-aabang sa tapat ng bahay nila. Kahit wala siya, hinding-hindi ako magsasawa. Ni hindi ko nakita si Dahlia na pumasok, o kung sa ibang lugar dumaan. Gusto kong lumuhod sa harap niya, magmamakaawa ako hanggang magkamatayan.
Inisip niya siguro na... makakaya ko ito dahil gawain ko naman ang pagpapalit-palit ng babae dati.
Oo na, Dahlia... Babaero ako. Pero, hindi ko kayang gawin ito... hindi ko kayang lumayo sa 'yo.
Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit nagkaganito. Alam ko na marami akong kasalanan, at handa akong maparusahan ng langit sa kahit na anong paraan. Ngunit, mas gusto ko na bumalik kami sa dati. Wala akong pakialam kung intensyon niyang sabihin iyon, nabigla siya o ano, ang mahalaga ay bumalik kami sa dati... bumalik siya sa akin.
Mas lalong lumalim ang pag-asa ko nang makita ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Nangingilid man na ang mga luha ko ay napangiti ako nang makita siya.
"Isa ako sa magsasaayos sa kasal ninyo, Kamahalan! Napakalaking bagay na naman ang nakamit ko sa buhay ko," gilalas ni Ge. "Bukod sa pagsulat, at pag-ukit ng kung ano-anong sining, ito ang matuturing ko na pikamalaking gawain na maaaring iatas sa katulad ko nang hindi nagrereklamo! Masaya ako para sa inyo ng Emperatris."
Napatulala ako sa isang banda ng kanyang nilalakaran.
"Maaari ka bang lumapit dito, Ge?" Maingat na tanong ko.
Hindi ako nagkamali ng ipinag-utos. Siya lang ang dama na napapupunta ko dito sa aking silid.
Mabilis na nagbago ang kanyang presensya. Ang kaninang napapasigaw na lamang dahil sa hindi malamang na tuwa, ngayo'y sumeryoso ang mga mata.
"Gusto ko na malaman mo na batid ko ang nangyari sa inyo ng kaibigan ko," maingat na bulong ng dama.
Ako, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Masyado kong ipinakita ang tigas ng aking puso sa mga nakakasalamuha ko. Pinanindigan ko ang pagpapakasal sa dayuhang babaeng iyon.
Ipinilit ko, kahit na nasasaktan ang Emperatris Madiana, o... ang Jayan na iyon. Wala pa nga kami sa punto na tukoy na ang kanyang pagkakakilanlan. Ano ang malay namin kung sadyang iba ang naisipan ng Reyna at kakat'wang tumama pa sa kanya?
Alam ko sa sarili ko na hindi siya ang nawawalang Emperatris ng aming imperyo. Ngunit, sa kagustuhan ng buong palasyo, heto ako't ginagawa ngayon ang kasiyahan nila. Hmm... Sa paraang ito, napakagandang parusa ang makakamit nila sa oras na mapatunayang hindi siya.
Naging limitado lang ang oras na pag-uusap namin ng aking kaibigang dama, dire-diretsong pumasok ang Inang Reyna kaya nagkagulatan kaming tatlo.
"Bilang pagpupugay sa pumanaw na Prinsesa, ang probinsyang ito ay isusunod sa ngalan niya," paliwanag ng Inang Reyna habang kami ay naglilibot sa isang lugar.
Maulap ang probinsya. Nasa saliwang bahagi ang araw. Iisa ang kulay ng damo at iilang puno. Napakunot ang noo ko nang bumaling sa kanya.
"Bakit ninyo ito pangangalanang Elara? Ibabase ninyo talaga sa anak noon?" Peke akong natawa sa kanyang inasta.
Hindi ko rin batid ang ipinahahatid nilang pakikitungo sa akin. Akala ko ay matatakot ko na sila sa dalawang ulo ng Hari't Reyna sa oras na ihayag ko iyon sa kanilang harapan ngunit, marahil ay ninanais pa nila na umabot sa punto na sila ang tatanggalan ko ng ulo. Wala sa sariling natawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/278377272-288-k585986.jpg)
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Roman pour AdolescentsThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...