Chapter 1 : Married

102 9 2
                                    

Dahlia's Point of View

"My Dahlia is now a woman. She's already married..."

My Omie's right. I'm married to Khalid Abdullah Sahm. If she thinks that I'm a woman now, then I am. My Omie is the best, mas kilala niya pa ako kaysa sa sarili niya.

Ipinagpatuloy niya ang pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Pasimpleng ngumiti sa akin ang asawa ko bago nagpatuloy sa pagkain.

"Sana ay may anak ako na katulad mo," pagbaling sa akin ni Normina. "Napakaswerte sa iyo ng mga magulang mo, pati ang pamilya mo. Napakamasunurin mong bata."

Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Masunurin naman ho si Aaira."

Kasundo ko siya sa lahat ng bagay kahit na hindi naman kami magkamag-anak. Kung tutuusin ay mas nasasabihan ko pa siya kaysa sa mga pinsan ko na naririto ngayon.

"Right," Nadia agreed. "She's obedient. Naku, iyong anak ko? Na-inlove sa Roman Catholic!" Nagsitawanan sila.

Muli na lamang ako na yumuko. Ang sabi ni Omie sa akin ay pormal na pormal ang paraan ng pagtawag ko sa mga kaibigan niya, kahit na mas matatanda sila sa akin. Nararapat daw na magbigay sila ng pantay na paggalang sa akin bilang apo ni Sultan. Konektado kami sa mga Sultan at Datu sa maraming panig ng probinsya namin, dito man o sa iba pang pinamumunuan ng pamilya namin.

"Oh?" My Omie hissed. "Paano ninyo nalaman? Lalo na't si Datu ay napakahigpit. Anong ginawa?"

"Ayun na nga, syempre nagalit." She answered formally. "Alam mo Liya, wala naman kasi sa akin kung mahulog ang loob niya sa hindi natin katulad ng pinaniniwalaan. Ang kaso, kinamuhian namin siya ng Baba niya noong nalaman namin nakainom siya."

Napabuntong-hininga si Omie. "We all know that it was haram--"

"I know." Nasapo ni Nadia ang sariling noo. "Alam mo naman kung gaano kahigpit ang asawa ko sa mga ganiyan. Ayaw na ayaw niyang may nilalabag na batas, kahit sa mga simpleng utos niya!"

Malaking gulo nga iyon. Ang mahulog ang loob mo sa isang tao na hindi naman kaparehas ng relihiyon mo. Mapakikiramdaman mo ang sarili na ipinagtatabuyan ka ng nakararami, kahit na humihinga lang naman ikaw nang payapa.

Kaya mas pipiliin ko na lang na pumayag sa kagustuhan nila na ipakasal ako sa ganitong edad, kaysa may madamay pa na iba na walang kinalaman sa 'kin.

"Dahlia, take this." Inilagay ni Khalid sa pinggan ko ang isang piraso ng manok.

Alam niya na paborito ko ito. "Salamat," yumuko ako ng bahagya. "You should eat more too."

"Ah, yeah." He smiled sweetly. "Your Omie's the best cook."

We both laughed when she glared at him. I will be a good daughter for my Omie and Baba. And a good wife for my husband.

Matapos noon ay nagboluntaryo na si Khalid na maghugas ng pinagkainan, pinagpahinga niya muna ang dalawang kasambahay namin.

Sina Ate Lav at Rina, hindi sila Muslim. Ngunit, nasanay na sila sa amin, alam na alam na nga rin nila kapag may bibisita dito sa aming bahay. Masungit si Omie sa kanila pero, hindi naman ganoon kasama. Sapat lang para maintindihan nila.

Minsan ay pinaliliwanagan ko na lang dahil frustrated din siya madalas. Day-off nilang dalawa tuwing Sabado at Linggo ngunit, minsan ay nananatili pa rin sila dito sa bahay. Sa tuwing ika-20 araw ng Disyembre naman ay uuwi na sila sa kanya-kanyang bahay, ang balik nila ay sa susunod na taon na.

Marahan kong binuksan ang diary ko sa lamesang nakapatong. Hindi ko pa man nababasa ang ikalawang sunod na pahina ay pumasok na si Khalid.

He smiled genuinely before turning his gaze on my journal. "Omie said that you should sleep, Dahlia. She said that you're having trouble. Uh, is it because of insomnia?"

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon