"Pinatay ni Ge si Diseo. Pagkatapos noon ay kinitil niya rin ang sariling buhay, sa hindi malamang kadahilanan..."
Isa-isa na nila akong iniiwan...
Parang kailan lang ay kumpleto pa kaming nakikipaglaban.
"Paano mo nasisiguro na siya mismo ang kumitil sa buhay ni Diseo?" Naninigurong tanong ko. Hindi niya magagawa iyon.
Mahal niya ang lalaking iyon, kahit na bawal na bawal ang relasyon sa pagitan ng dama at iba pang kasapi ng imperyo. Ang loob ng palasyo ay sagradong lugar. Naniniwala sila na maaaring bumagsak iyon kung puro na lamang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao ang mamumutawi sa paningin ng langit.
Kaya papaano mapapatay ng kaibigan ko ang nobyo niya?
Sandali kong pinasadahan ng tingin ang Kondesa nang mapait siyang ngumiti.
"Siya ang paboritong kaibigan ni Kaspiana," aniya na lalong nagpatigil sa akin. "Hindi k-ko inakala na... susunod siya."
"Sa tignin mo, sino na ang susunod sa atin?" Sinubukan kong pagaanin ang loob ni Nova.
Ngunit, mas lalo lang yatang sumama ang loob niya. "Napakagaling mo namang magbiro."
Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko. Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Paano kung si Diseo pa ang nananakit sa kanya? O ang nagtangka na patayin siya? Hindi siya mapapatay ni Ge kung walang masamang nangyari sa pagitan nila.
"Ayon sa nakasaksi, nasa labas sila ng isang tarangkahan sa palasyo, kung saan napapalibutan ng maraming tao. Ang pinakamaliit na tarangkahan, sa tabi ng bangin. Iyon na ang huling oras na nakita silang magkasama..." Ngumuso si Noris, may luha sa mata.
Patuloy akong nakinig kahit na sobra-sobra ang tusok nito sa puso ko.
"May ilan din daw na nakakita sa kanilang dalawa sa gilid ng daanan. Personal na ibinigay ng Inang Reyna kay Ge ang isang diretsong bahagi ng pader sa kalsada, bilang pasasalamat noong nahanap nila iyong Emperatris." Napasinghap siya. "Doon, sabay na nagpinta at nagsulat ang babae at Diseo dahil pagmamay-ari niya na iyon, kasama si Diseo. Mahilig siyang magsulat at manghula ng mga bagay na imposible. Mahilig din siya sa sining. At ang mas nagpabilib pa sa lahat, sa tuwing sasapit ang diyes kwarenta ng gabi, nagsisimulang i-ukit ni Ge ang nobyo niya sa lansangang iyon."
Napatitig ako sa manghang mukha ng kaibigan ko. Hindi ko alam ang bagay na iyon.
"Hindi naman masyadong halata sa gilid na bahagi ngunit, sa malapitan ay kitang-kita ang ganda ng kulay sa pagkaka-ukit. Bago nangyari ang bagay na ito ay natapos niya ang pag-uukit kay Diseo." Pagtatapos niya sa paliwanag.
Tama ang Kondesa... Isa-isa na silang umaalis sa tabi namin. Ang mga kaibigan namin... bakit ganoon? Noong una, si Kaspiana ang nagpakamatay. Ngayon naman ay si Ge ang sumunod, hindi pa kami masyadong nakakahinga sa pagkamatay ng isa naming kaibigan ngunit, siya naman itong sumunod?
Habang patuloy na nagp-proseso ang sinabi niya sa utak ko. Unti-unti kong napagtatanto ang karamihan ng bagay.
"Sa pag-uukit niya kay Diseo, may mukha ba siya doon?"
"Bakit?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Noris. "Wala bang mukha iyong nakita mo?"
Mas lalo akong natahimik.
"Tama ang iniisip mo, Iris. Walang mukha si Diseo sa pagkaka-ukit ni Ge."
Iyon kasi... nakita ko sa lansangan ng kabilang palasyo. Napakalaki ng sining na iyon. Kaunti lang ang nakapupunta doong mga mamamayan at malaki na ang pasasalamat ko na napahihintulutan ng tagapagbantay.
"Umaalis sila ng hindi man lang n-nagpapaalam," sabay kaming naluha ni Nova. "Bakit, Iris?"
"Magpapaalam na ba ako sa 'yo?" Pinigilan ko ang pagtawa.
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Teen FictionThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...