Chapter 43 : Definition

21 7 0
                                    

TW // Violence

Ang bigat sa paghinga ng kamahalang Noris ang lalong nagpahina sa mga lalaking nagdala sa labi ng kanang-kamay ng aking Hari.

Sa isang iglap, napaatras ako ng bahagya. Walang pag-aalinlangan niyang kinuha mula sa isang lalaki ang espada. At siya rin ang unang napugutan ng ulo dahil sa galit ng Kondesa.

Noris...

"Mga lapastangan!" Buong-lakas na sigaw niya habang umiiyak. "Pinagkatiwalaan ko kayo sa pagbabantay! Anong ginawa ninyo?!"

Kita ko ang isa pang lalaki na nagtangkang kalabanin siya pabalik. Huli na nang mapagtanto kong na lumuluha na rin ako.

Mas lalo akong napapikit sa paghagupit ng isang bisig na bumalot sa aking leeg. Ang talas ng kanyang patalim ang nagpawala sa akin sa sarili...

"Manahimik ka, o susunod ka sa lalaking iyan?"

Bago pa man makaharap si Nova sa akin, bilang pagtatapos ng kanyang gawain, unti-unti kong naramdam ang luwag sa aking paghinga.

Kahit mapatay ako ngayon, sisiguraduhin ko na hindi ako ang magsisisi sa huli! Ang lalaking iyon. Siya ang magmamakaawa sa ilalim ng kalupaan dahil hindi lamang siya mapapatay ni Nova. Pahihirapan niya pa hanggang sa makiusap sa kabilang buhay.

Ang Konde mula sa kabilang kaharian ang bumaril sa kanya.

Sabay kami na nawala sa sarili ng natitira kong kaibigan. Tila nababaliw siyang napahagulgol sa kamay ng mandirigmang walang kabuhay-buhay.

"Ang boteng iyon..." Tinig ng Kamahalan sa aking tabi. "Sinasabi na doon sinunog ni Phero ang liham para sa babaeng iyan."

Abo ang laman niyong boteng nasa kamay niya?

"Kung mapapansin mo may kuwintas sa loob." Dagdag niyang muli.

Bakit naging ganito ang lahat?

"Gawa sa abo ng sinunog na liham ang bagay na iyon."

Bakit nila ako isa-isang iniiwan?

Paulit-ulit na bumubulong si Noris ng sumpa sa hangin. Tanging ang galaw ng kanyang bibig ang aking hagip. Wala na... Wala na si Phero.

"Gumising ka..." Pakiusap ng Kondesa. "Hindi ako sasama sa asawa k-ko, Phero... G-gumising ka!"

"Nilason siya ng pagkain na kanyang huling kinain. Habang ganoon ang kanyang sitwasyon..." Taimtim niyang paliwanag. "Wala siyang ibang naisip kung hindi ang magbigay ng paalala sa kanya, kay Noris Vara."

Kitang-kita ko ang malalaking patak ng luhang tumutulo sa mga mata ng Kondesa. Mas malalaki pa sa pag-ulan sa tuwing may bagyong paparating.

"P-phero... Nakangako ka! Nakangako ka na babalik... kasama... ang Prinsipe nula d-doon... Phero..." Paulit-ulit niyang pakiusap.

"Noong nalaman niya na hindi na siya tatagal, at hindi niya na iyon maibibigay ng pormal, sinunog niya. Pagkatapos ay inilagay ang abo sa isang kwintas sa loob ng bote," napasinghap ang Kondeng si Elor. "Ang huling hiling niya sa mga kasama, ibigay iyon sa Kondesa at itago ang kanyang katawan sa oras na mamatay. Ngunit, hindi nila ginawa iyon. Sa halip, mas lalo pa nilang nilapastang ang mandirigmang ito. Hindi natupad ang huli niyang paalala dahil dinala nila ang kanyang labi dito. Tila ba tuwang-tuwa pa nang maipakita kay Nova."

Punong-puno ng dugo ang lupain. Ang mga damo ay unti-unti nang nababahidan ng kanyang malinis na dugo, bagay na dinumihan ng lason na habang-buhay nang nakabaon sa kanyang dibdib.

Tama lang ang nangyari sa mga nagbabantay sa kanya... Tama lamang na namatay sila sa mga kamay ng Kondesa...

Ni hindi ko man lang mayakap ang kaibigan ko. Nawalan na ako ng luha. Habang ang sa kanya ay bumabaha sa paghihinagpis at pakiusap.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon