"Gago, p're. Si Phoebe, oh... 'Yung crush mo--"
Batok ang isinukli ko bago pa makapagsalita ng kung ano-ano si Pat. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya nang loko-lokong tumingin.
"Hindi ko crush 'yun," ang bobo nito. "Nagagandahan lang ako sa kanya."
"Weh?" Nagdududang tanong niya. "Aysus! Kunwari ka pa. Lahat naman yata ng babaeng nakikita mo, maganda sa paningin mo e."
Kaagad na kumunot ang noo ko. "Dahil maganda naman talaga sila..."
Lahat naman ng babaeng nakasalamuha ko ay magaganda. Wala namang pangit sa paningin ko. Ngunit, sumasama ang tingin ko sa kanila sa tuwing nalalaman ang totoong baho ng ugali.
Ipinagpatuloy ko ang pagsasaayos ng floaters sa tubig. Ngayon ang araw na pinahintulutan ako ng mga kapatid ko na makapagpahinga muna. Sila na daw ang bahala sa bahay na mag-general cleaning at sumama daw muna ako sa mga kaklase ko dito sa resort.
Libre naman nila. Kaya hindi na ako tumanggi. Ang kapal naman ng mukha ko para doon, hindi ba?
Ilang minuto akong nanatili sa tubig. Para akong bata na sumampa sa isang nakitang floater. Nagsigawan pa ang mga kasama ko nang minsan akong mahulog doon.
"Ano bang ginagawa mo, Benedict?! Para kang bata!" Ani Lou.
"Magp-picture-picture ako," tugon ko habang kinakalikot ang laman ng cellphone. "Ipapakita ko sa mga kapatid ko."
"Dapat kasi sinama mo. Pwede naman bata dito!" Sigaw naman ni Tim.
Sunod-sunod ako na umiling. "Hindi sasama iyong mga 'yun," dahil natatakot na lumubog sa tubig. "Naglinis ng buong bahay."
"Ayos, ah? Tapos iyong Kuya nila, sarap-buhay lang?!" Nagsitawanang muli sila.
Kung alam niyo lang na hindi puro pags-sarap-buhay ang ginagawa ko. Hirap ako humanap araw-araw ng makakain namin nang hindi naubusan ng panggastos.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Kahit na magmukha akong tanga dito ay nilitratuhan ko ang sarili para ipakita sa kambal at kay Raven.
Una kong pinunterya ang duck na floater. Kaagad akong umalis dahil masyadong maliit iyon para sa akin. Sumunod ay ang flamingo na puti, doon ako naging kumportable kaya't marami ang nakuha kong litrato.
Nariyang yumakap ako at bumungisngis. Ginawan ko pa ng boomerang na parang inaaway ko ang flamingo, nakahawak sa leeg at ginagalaw-galaw na animo'y sinasakal.
Lumipat ako kaagad nang makita ang donut na may kagat. Hindi ko na inilusot ang sarili doon dahil mukha akong tanga, hindi rin ako kaysa. Kunwari kong itinapat sa bibig ang bahaging may kagat tsaka pinindot muli ang telepono. Ilang beses akong nagpalipat-lipat sa ibang prutas hanggang sa tuluyang magsawa.
Tuluyan na akong lumayas doon at nagpakalunod sa mainit ng tubig.
Tangina naman nito. Kaya nga ako sumama dahil akala ko ay makakapagpalamig dito sa beach. Hindi ko naman alam na uminit na din ang mga tubig dahil sa araw.
Kantyawan ang una kong narinig pakaahon ko. Unti-unti kong pinasadahan ang basang buhok para hindi umabot sa mga mata ko ang tubig.
"You never disappoint us, Benedict!" Malanding sigaw ni Zild. "Napakagaling pa rin sumisid, men!"
"Ako din, Papa 'Liyen! Hindi ako swimming pool pero, sisirin mo ako," sinundan nila ng tawanan ang sinabi ni Tim.
"Hindi kita kayang sisirin kaya lulunurin na lang kita." Sabi ko bago makipagsabayan sa usapan.
They're not boring, actually. Kaya ako sumama dito para gumaan-gaan ang loob sa nagdaang araw. Pero, hindi ko naman iniisip na matatakasan ko ang lahat ng problema sa pamamagitan nito. Doon pa rin ako sa pagharap para matapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Novela JuvenilThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...