Dahlia's Point of View
"Dahlia, ikaw pala ang nariyan..."
Malaki ang ipinagbago sa katawan ni Pio simula noong huli ko siyang makita sa paaralan. May piercing pa rin sa tainga, ang buhok ay naiba na ng ayos at pati ang kutis, bahagyang pumuti.
"Magandang umaga," bati ko. Siya iyong pinsan ni Joe na tinutukoy.
"Ang dami mong..." Tumigil siya sandali. Pinagmasdang mabuti ang mga braso na pilit kong itinatago. "Pasa. At sugat."
Tipid ako na ngumiti. Ang ganda ng ipinagbago ng katawan niya. Sa lumipas na taon, nagawa niyang ayusin ang buhay niya, hindi na sumama sa mga barkada at may maayos nang uniporme.
Nangusap ang kanyang tingin sa akin. Sinundan ko si Pio nang mauna siyang maglakad papunta sa ibaba.
"What happened?" Inis na tanong niya kay Joe na pabalik-balik ng lakad.
"Pio, pasensya na. Ako ang nakiusap sa kanya na sumama dito," pigil na sabi ko.
Sandaling nilingon niya ako. Mabilisan lang ngunit, hindi ako kinibo.
"What happened?!" Pag-uulit niya.
Kung hindi man niya ako gusto na narito, aalis na ako ngayon. Ngunit, salamat sa kanila ng marami. Salamat dahil may natulugan ako.
"Man, she was abused." Nag-aalalang tugon ng pinsan niya. "Nakita ko siyang naglalakad sa daan, dis-oras ng gabi. Ang sabi niya ay tumakas siya sa asawa niya na binubugbog siya."
"Tumakas?" Ulit ni Pio bago bumaling sa akin. "Paano ka nakatakas?"
Napayuko ako. Sinabi ko na sa sarili ko na walang ibang sasabihan nito dahil... maaaring malaman ng pamilya ko.
"Tumalon ako mula sa... 2nd floor n'ung bahay niya."
Natigilan silang dalawa.
"Aalis na lang ako, Pio."
"No. You'll stay here, hanggang sa maging ayos ka na."
"Pero--"
"Hindi ko sinabi na umalis ka." Paglilinaw niya. "Concerned lang ako sa 'yo, dahil... baka may nakakita."
Mariin akong umiling. Alam kong kagabi ay sinigurado ni Joe na walang tao. Sinilip niya muna ang labas ng kotse bago ako pahintulutan na mauna. Sigurado ako doon.
Kaya ko nang protektahan ang sarili ko sa ibang tao, matapos nito.
"Kung maaari ay babalik na muna ako sa itaas," sambit ko bago pa man sila makapagsalita.
Hinayaan ko na lang sila na makapag-usap. Kaya ko na nga ang sarili ko ngunit, sila naman ang mapapahamak ng dahil sa akin.
Muli akong humiga sa kama, nakatagilid. Madumi na ang lahat ng suot ko, ang mahabang damit ay may bahid na ng lupa. Namamanhid pa rin ang paa ko, parang pinulikat at bigla na lamang namanas. Parehas dahilan niyon ang pagkakabagsak ko.
"'Wag kang matakot. Magtatanong lang sana kami ng daan papunta ng school ninyo." Inilahad ng isang lalaki ang kamay sa harapan ko.
Lumayo ako dahil doon. Sumabay pa ang paglabas ng tatlong kasama niyang. Pare-parehas silang parang adik.
"Takbo, Dahlia!" Sigaw ng kasabay kong kaklase.
Naging mas alerto ako. Nagkahiwalay man kami ng landas na tinakbuhan, ako ang sinundan ng mga lalaki.
Apat sila. Sabay-sabay na tumakbo kasunod ko! Dahil wala sa atensyon ng dinadaanan, minsan na akong natalisod.
"Miss!" Tawag ng isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/278377272-288-k585986.jpg)
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Fiksi RemajaThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...