Chapter 16 : Coins

25 7 0
                                    

"Date me."

Hindi na bago sa akin ang reaksyon nila parati. Napangisi ako lalo.

"Ayaw mo?" Tanong kong muli. "Okay, then d--"

"I'll date you." She immediately said. "Benedict... I'm just... s-speechless... I don't know."

Why are they always like this? Kina-crushback ko na nga sila, tapos ay inaalok kung ayos lang na mag-date kami. O manligaw ako.

"Can I court you, instead?" Bawi ko.

Sunod-sunod na pagtango lang ni Olivia ang tugon na nakuha ko.

Damn it! Finally...

Sa gitna ng pagmumuni ko sa langit, unti-unting gumagapang sa sama ng loob sa katawan ko. Napanguso ako.

Ayaw na magpaligaw ng babaeng kaibigan ko, kaya ibinubugaw niya ako sa iba. Akala niya ay magbabago ang isip ko.

"Tanging mga dama lang ang kasama ko dito," saad ko sa tapat nila. "Kayo."

"Kamahalan..." Yumuko siya bago maglagay ng alak sa aking baso.

"Maaari ka bang ligawan?"

"Ano?"

"Gusto ko sanang manligaw... sa 'yo." Gan'un din kasi ang gusto ng kaibigan ko.

Kahit na siya ang gusto kong ligawan ay hindi maaari. Baka gumana at payagan ng Inang Reyna kahit na dama. Narito lang naman sa palasyo.

Ngumiwi siya. "Pigilan mo ang kasamaan, Kamahalan. Hindi bagay sa 'yo na mukha kang tigan--"

"Huwag." Dagliang pigil ko. "Baka may makarinig..."

Hindi pwedeng malaman ng ibang dama o alalay na malapit na kaibigan din namin siya.

"Tumahimik ka na lang. Huwag ako ang landiin mo," pangaral niya bago yumuko, tumayo na siya agad at umalis kasabay ng iba.

Natawa lang ako sa inasal niya. Masarap sa pakiramdam na may naaasar ngunit, mukhang... mahihirapan akong maghanap ng liligawan.

"Benedict?" Natulala ako sa bato.

"Benedict..."

What was that?

"Benedict!"

Napatalon ako sa gulat. Malapit na ang mukha ni Olivia sa akin, at sa harap ko pa siya mismo sumigaw.

"Ang lalim naman ng iniisip mo," tumawa siya ng kaunti. "Ako ba 'yan?"

Tanging pagtikhom ang nagawa ko. Siya ang kausap ko pero... bakit iyon ang pumasok sa isip ko bigla?

That... again?

"I'm sorry," ngumiti ako para hindi siya magtaka.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya matapos noon, hinatid ko sa classroom nila.

Maraming beses na ako na nanligaw. Pormal kong hiningi sa mga magulang ang kamay, pumayag... ngunit, sa huli ay nauuwi sa hiwalayan.

Marami akong hindi maintindihan. Sa lahat ng pagkakataon ay ako ang palaging hinihiwalayan. Kahit pa mahal ko iyong babae ay wala akong magagawa kapag sumuko na.

Sa lahat ng babaeng iyon, may hindi ako makakalimutan.

It was Meryl.

She's my first... on everything. Siya ang unang babae na halos kabaliwan ko na noon, matagal-tagal kong niligawan dahil gusto ko talaga siyang maging nobya. She may not be my first love but, she was my first experience. I will never forget her.

Siya rin ang pinakamatagal. Naka-mahigit dalawang taon din kami, alam ng buong school iyon. Ang kaso ay... hindi talaga nag-work.

Mukhang mas maganda tingnan ang pagkakaibigan namin kaysa doon. She broke up with me, the day after I told her everything-- including my life. How do I live and what do I do in order to make money.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon