Wala si Dahlia noong araw na pumunta ako sa graduation niya. With high honors siya kaya inaasahan ko ang pagdating. Ngunit, ni isang beses ay wala akong nahagip na presensya niya.
"She's not here?" What happened?
"Hindi siya pumunta," sabi ng isa sa mga kaklase niyang lalaki. "Ewan. Baka masyadong naging abala ang mga Benazir sa mga bagay-bagay."
Pero, bakit naman ngayong araw pa?
Masyadong naging marami ang rebelasyon sa pagitan ng buong imperyo, at sa mismong pagkakakilanlan ng itinuturing na Emperatris, si Jayan... o Madiana sa bokabularyo nila.
Abala ako sa pakikipaglaban sa lahat ng nagtatangka sa buhay ko, at ni Iris. Sinubukan kong protektahan ang asawa ko sa kahit anong paraan ngunit, walang nangyari. Hindi sila nakinig sa akin bilang kasalukuyang namumuno, ang pasya ng Inang Reyna ang sinunod ng lahat.
Nahatulan siya ng parusang kamatayan, sa kasalanang hindi niya naman ginawa! Sa bagay na hindi niya intensyon dahil noon, ipinaglaban niya rin ang sarili... sila ang nagkamali, sila ang kumilala sa kanya bilang Emperatris ngunit, nabalewala.
Ang Reyna ang nararapat na mahatulan... ang matandang iyon...
Masamang isipin, mas pinili ko na manatili ang oras at buhay sa pagtanggol sa babaeng minamahal ko. Halos magkamatayan silang lahat dahil sa walang tigil na sagupaan. At hinding-hindi ako magsasawa. Papaslangin ko ang lahat ng magtangkang pumatay o manakit sa babae ko.
Dumalo ako sa paglilitis, para sa pagwawalang-bisa ng aking kapangyarihan dahil sa paglaban sa buong imperyo.
"Tinatanggalan ng sagisag at kapangyarihan, ang Haring Yadan sa kadahilanan ng tangkang pagpaslang sa mahal na Inang Reyna at sa pagtatanggol sa nagkasalang si Madiana..." Anunsyo ng isa. "Sa desisyong ito, tinatanggalan ng kapangyarihang mamuno ang Hari. Ipatatapon siya sa pinakamalayong bulubundukin sa kabilang probinsya."
"Iyan ang desisyon ng hukom," pagtatapos niya dito.
Maingat kong ibinalik ang sagisag ng pagiging Maharlika. Ang sa Hari at pagiging Emperador ng palasyo.
Nangusap ang mga mata ni Noris sa akin, habang ang kanang-kamay ko, nakatitig sa kanya. Ngumiti ako.
Isinuko ko na dati, ngayon lang nila ako pinahintulutan. Mas ligtas si Iris sa ganitong paraan...
Si Ge ay tahimik na nakikinig. May tiwala ako sa kanila, hinding-hindi nila pababayaan ang kaibigan. Nasa paningin ko man siya o wala, magiging payapa ang buhay niya katulad ng dati.
Sa paglakad ko pababa ng palasyo, kitang-kita ang dali-daling pagluhod ni Phero sa tapat ko, hindi kalayuan.
"Pigilan ninyo ang kabalyerong iyo--"
"Bumababa ako ng pwesto, bilang Kabalyerong Tagapagtanggol ng imperyo!" Sigaw ng kaibigan ko.
Malimit akong napatingin sa kanya, sadyang huminto ang paglakad ko at nanatili sa pakikinig.
"Isinusuko ko ang bandera, sagisag at ang buong simbolo sa pagtatanggol sa Inang Reyna," ngumisi si Phero bago tumayo. "Simula ngayon, huwag ninyo na akong tatanungin. Kayang-kaya ko nang patayin ang kung sinong ninanais ko."
Mabilis na natinag ang mag-Ina sa isang gilid. Tanging ang paglapit sa kanya ni Nova ang nagpaligil sa kanyang pagbabanta.
Ako rin, Phero. Nagawa kong pumatay ng Hari at Reyna, pugutin ang ulo nila sa isang banda habang nanonood ang mga mamamayang pinamumunuan. Ngayon ay mas may kakayahan akong gawin ang kung anong naisin ko.
Wala na akong kapangyarihan ngunit, lumuluhod pa rin ang mga tao sa pagdaan ko sa kanilang pwesto.
"Iiwan mo ako?" Nangingilid ang luha ni Nova sa isang banda habang kausap ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Novela JuvenilThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...