Chapter 8 : No

34 7 0
                                    

Dahlia's Point of View

Sunod-sunod na ang pagkamatay dito sa daungan. Ayaw pa rin nilang ipasara ang pier. Alam ko na dapat nilang gawin iyon para maiwasan na.

Ang kaso ay hindi maaapektuhan ang may-ari n'un. Ang mga nagt-trabaho, oo. Mga mangingisda, at sa mismong pamilihan. Kaya hindi rin nila kayang ipasara dahil doon.

Dito sa school, ako na ang palaging nagyayaya kay Lynn na kumain. Para may kasabay siya at gan'un din ako. Nabalitaan ko na isinayaw siya n'ung kaaway niya sa prom, si Shaun, kilala din na estudyante dito sa mga department dahil bukod sa nagbebenta sila ng kung ano-anong produkto na gawa, sakristan din siya.

Nag-away sila kasi type dati ni Lynn iyong Kuya ni Shaun. Ilang beses siyang nagsinungaling. Kaya iba ang naging dating noon sa kaibigan ko, parang ipinahahatid na malandi siya... tulad ng sinasabi ng iba. Bagay na paulit-ulit na pinabulaanan n'ung lalaki.

Ikinikwento niya kung gaano niya kagusto ang ibinigay sa kanya ng Tatay niya na bracelet.

"Baka naman 'yung tinutukoy niya ay malapitan ng lalaki." Sabi ko n'ung iniisip niya ang hula ng matanda. "Mag-ingat ka kasi masyadong maraming lalaking may gusto sa 'yo, baka nga naman d'un ka mapahamak."

Ngumuso siya. "Lagi naman akong nag-iingat. Pero, siguro manghuhula lang si Lola, alam mo 'yun? Instincts niya lang, maraming magaling lalo na't matanda na siya."

"Hm. Maniniwala ka doon?" Usyoso ko.

"Depende." Tumaas-baba ang kilay niya. "Mag-iingat ako lagi sa galaw ko, iyon lang."

Mukhang masaya na ang kaibigan ko ngayon. Ngunit, hindi pa rin ako makakapante na ganito si Lynn.

"Break na naman." Putol niya sa mahabang katahimikan namin.

"Sino?" Napakadami nang naghihiwalay dito. Hindi ko alam kung sino.

"Si Xalien, at tsaka 'yung girlfriend niya."

Unti-unti ko nang nararamdaman na nawawala ako sa sarili ko. Nandito na naman 'yung crush ko, hindi naman sa tinutukso ako ni Lynn sa kanya, gusto ko nga itong kaibigan ko kasi tahimik lang pagdating sa aming dalawa.

Si Benedict lang ang nagustuhan ko simula n'un, at alam ng kaibigan ko ang lahat ng pinangarap ko.

Sa isang iglap na lang ay narito na si Benedict sa harapan namin.

"Ano na namang ginawa mo?"

"Ang gulo kasi. Hindi marunong umintindi." Sandali siyang sumulyap sa akin.

Pasimple akong ngumiti ngunit, hindi niya naman nahagip.

"Siya naman may gustong ligawan ko siya pero, masyadong demanding... Nagalit pa noong tumigil ako." Inosenteng tumitig siya sa lamesa.

Hindi pa pala sila.

May ibang gusto iyong babae pero, nagpaligaw sa kanya?

Mabuti at... hindi na siya nagpakahirap. Kusa nang tumigil. Siya lang din ang mahihirapan.

"Wala," nanlumo siya. "Paulit-ulit, nagsawa, may gustong iba."

Ako na lang kasi. Hayaan mo si Omie, hindi naman siya 'yung liligawan.

"Wala na. Nagreto na." Bulong ko sa aking sarili nang sambitin ni Lynn ang mga pangalan ng ibang babaeng maaari niyang ligawan.

Ayaw niya, Lynn. H'wag mo nang pilitin. Nasa tabi mo lang ako, oh.

"O? Si Gracie! Maganda, matalino, mabait, approachable, katabing section mo lang." Nasa tabi mo din ako, Lynn.

Umiling-iling si Xalien sa kanya.

Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon