Dahlia's Point of View
Simula noong araw na mabasa niya ang diary na isinulat ko, inaasahan ko ang paglabas ng totoong pag-uugali niya.
Lumipas ang ilang buwan ay hindi nawala ang pasa, kahit ang maliliit na sugat na kayang itago nitong suotin ko ay walang nagbabago. Kung hindi namumula ay nangingitim na.
"Ano?! Magsumbong ka!"
"Kahit magsumbong ako, hindi ako ang aalalahanin nila kung hindi iyong prinsipyo mo!"
Ganiyan ba siya ka-tanga? Alam niyang hindi ko kayang magsumbong! May mababago ba kapag magsabi ako sa kanila? Kung paghihiwalayin kami ay hindi naman mawawala itong sugat ko.
Sarkastikong tumawa si Khalid. "Hmm... Bakit hindi mo na lang aminin na mahal mo pa 'yung lalaking iyon?"
"Oo! Bakit? Haram 'yun?" Pagbalik ko ng tanong habang umiiyak. "Wala akong pakialam. Handa akong pagbayaran iyon ngayon."
"Alam mo, ang landi mo!"
Muli niya akong sinampal at sa pagkakataong iyon, napaupo ako.
"May asawa ka na, ganiyan ka pa?" Dagdag niya.
Payapa akong nagdasal. Ayaw ko pong mawalan ngrespeto sa iba, naiwala ko na ang sa sarili ko, hindi ko gugustuhing mapatay siya...
"Khalid!" Sigaw ko nang marahas niya akong sinabunutan. "Tama na!"
"Ano?! Tangina. Ang tagal-tagal ko nang nagtitiis sa gaya mo! Gustong-gusto kita dati pero, ngayon... nakakadiri ka!" Buong-lakas na sigaw niya sa harap ko.
"Wala akong pakialam, Khalid! Sa oras na mamatay ako, hinding-hindi mapapayapa ang buhay m--" pabagsak niya akong binitawan sa sahig.
Mabilis na gumapang ako sa sahig nang magtungo siya sa pinto. "Khalid!" Huling narinig ko ang pagkandado ng pinto sa labas.
Nahagip ng basang mata ko ang bintana. Kahit iyon ay nasiguro niyang nakasara ng mabuti.
Matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na lumayo sa kanya noon pa man! Dahil akala ko'y mabait siya ngunit... mas gusto ko pang mamatay sa kamay ng pamilya ko kaysa sa madumi niyang palad.
"Omie..." Please, help me... I don't want to live with him! I don't want to live anymore!
"Please forgive me, Allah..." If I kill him, please do forgive me. Marami na akong kasalanang nagawa, ayaw kong madagdagan dahil lang ipinagtanggol ko ang sarili ko sa masamang tao na kasama ko sa bahay.
That's what he wanted, sinunod ko. Kailangan naming manirahan sa isang bahay dahil iyon ang sinabi, ginawa ko. Pumayag ako. Sa lahat! Itinaya ko ang kagustuhan ko para lang sa lalaking ito na nawalan na ng awa sa akin.
Ngunit, kailan nga ba siya nagkaroon ng awa? Gusto niya lang ako dahil sa pamilya, para sa prinsipyo nila, at para sa susunod na henerasyon. Umaasa sila na magkakaroon kami ng anak.
Kaya ko siyang mahalin kung tutuusin, sa ibang paraan. Hindi man kasinglalim ng ibinigay ko dati ngunit, mapag-aaralan ko. Matututunan ko. Kaya ko.
Pero, hinayaan ba nila ako? Hindi! Ipinakita lang nila na hindi sila karapat-dapat sa buhay ko. Pati saruli kong pamilya, ginagago na ako e.
"Isa... Dalawa..." Magbibilang ako hanggang sa bumukas muli ang pinto. Alam kong may natitira ka kayong kaunting awa sa akin. "Tatlo... Apat..."
"Tapon basura!" Sigaw ng batang lalaki sa labas.
Pinasadahan ako ng tingin ni Baba bago sumenyas sa pinto. Itinigil ko ang paglalaro bago magpunta doon.
N'ung binuksan ko ang pinto ay nasa harap na si Xalien na madungis ang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/278377272-288-k585986.jpg)
BINABASA MO ANG
Love the Way Heaven Forbids (Side of the Universe #4)
Novela JuvenilThere are two kinds of people; the one who believes in heaven, and the one who does not. The one who lives in paradise in which darkness cannot be found, and the one who can survive in a dungeon without light. Hindi madali para kay Dahlia Benazir an...