CHAPTER XVI: TRANSFEREES (3/28/2015)

83 5 0
                                    

Hunter Ace Eustaquio and Marianne La Pierre


Im so sorry if I make a very very slow update. I have many reasons but all of them are so irrelevant that I wont mention any of them. But I assure you that I will not stop or delete this story as log as it takes to finish this. I have complex characters so its hard to give them what they really want. You know what I mean.... Kasalanan to ng wandering brain ko.

***************************************************************************

Napahinto ang mga estudyante nang tumigil ang isang black limousine sa tapat ng school nila. May lalaking nakablack suit at naka shades ang lumabas at binuksan ang pinto ng limo. Bumaba ang isang lalaking blong ang buhok at super gwapo. Dalawang lalaki pa ang sumunod na lumabas, ang isa ay may mahabang buhok na nakapusod at naka eyeglassess ito. Nasa likuran nito ay isang batang lalaki na may maputing buhok, nakasimangot iton nakatingin sa paligid.

Nagsimula nang magbulung-bulungan ang mga estudyante nakakakita sa kanila.

"Ang gwapo". Babae 1

"OMG. Ang swerte ko at dito ako nag-aaral". Babae 2

"Sino naman kaya sila? Ang angas ng dating". Lalaki 1

At ang huling lumabas ay isang babae na nakagown. Para silang galing sa Victorian era. Walang emosyon ang babae na pinagmasdan ang paligid.

"Mistress, babalik na ho kami" sabi nung lalaking naka itim na suit habang nakayuko.

Tumango lang ang babae bilang tugon.

"I dont like this place. Its so hot in here" anahl ng bata.

"We dont have a choice" mahinang sabi ng lalaking naka eyeglassess.

"Lets go." utos nung babae at walang imik ang tatlo na sumunod na lang.

Bigla na lang nawala si Hunter sa grupo. Nakatambay sila sa may puno ng akasya habang lunch break nila. Nakahiga sa mga hita ni Alyna si Cedric na nakatabon ang mukha ng notebook nito habang ang mga kaibigan ay pinag-uusapan ang bagong dating.

"Ano kayang ginagawa ng mga alien na yun dito? Masama ang kutob ko sa kanila" sabi ni Riley.

Napatingin ang lahat kay Quinn na nagkinit balikat lang at tiningnan ang kapatid.

"Wala akong alam diyan ewan ko lang kay kuya pero dahil sa amnesiya niya..." nakasandal si Quinn sa dibdib ni Julian. Napabuga ng hangin si Riley.

"Hay!!!! At nasan na ba yung Hunter na yun".

"Bakit hindi na lang natin kausapin?" Suhestiyon ni Alyna. Napatingin ang lahat sa kanya at napaisip. Mula naman sa pagkakahiga ay tumagilid si Cedric at niyakap ang beywang ni Alyna.

"Cedric, ikaw talaga.." sinusuklay-suklay ni Alyna ang buhok ng kasintahan at napapangiti.

Hindi na rin kasi ito asiwa sa kanya, pakiramdam niya nagbalik na ang dating Cedric Aragon.

"Ako! Ako ang volunteer!" Nakataas pa talaga ang kamay ni Sunny. Napatingin sa kanya si Chase. Bakas sa mukha ng kasintahan ang pagkagulat. Simula kasi elementary nasa tabi na niya palagi si Sunny at lahat ng gagawin nito ay sinasabi ni Sunny sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na gagawa ito ng isang bagay na hindi siya kasama. And it bothered him a lot.

"Kanina kasi kinausap ako ng Dean na maging tour guide nila and speaking of them kailangan ko ng umalis. Bye everyone".

At nagmamadali na itong umalis na hindi humahalik sa pisngi ni Chase.

"Nag-away ba kayo?" tanong na Quinn na halata ng lahat.

Walang naisagot si Chase.

Hindi naman talaga gusto ni Sunny na mapalayo kay Chase pero nasaktan siya sa sinabi nto kahapon at iyun an unang beses na nasigawan siya nito. Dahil lang sa isang cellphone. Siguro matagal ng nagtitimpi si Chase sa akin at sumabog nga kahapon ang tinatagong inis sa kanya. Nakakalungkot naman.

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon