Chapter VIII: Better than Revenge

108 6 0
                                    

Hindi matigil sa pag-iyak ni Milagros dahil sa kalagayan ng anak na halos limang oras ng nasa ICU. Yakap –yakap siya ni Enrique na pinipigilan ang sariling umiyak din. Tahimik lang na nakaupo si Quinn sa bench at nakatingin sa kawalan. Tulala. Lihim niyang sinisisi ang sarili sa nangyari sa kaibigan. Tiningnan niya ang kanyang kapatid na si Cedric na kanina pa hindi nagsasalita at nakaduko lang na nakasandal sa pader. Para itong bulkan na sa isang pitik lang ay agad sasabog.

 At sa wakas lumabas na rin ang doctor sa ICU. Agad-agad nilang nilapitan ito. Bakas sa mukha ng doctor na may masamang ibabalita ito sa kanila.

"The patient is on stable na ang kalagayan. Wala naman siyang grabeng pinsalang natamo at ang kailangan niya lang sa ngayon ay complete bed rest." Bungad ng doctor.

 Lumiwanag ang mga mukha ng mga ito sa narinig. At nagkayakapan sila sa saya.

"But the patient will be under the trauma dahil sa nangyari sa kanya at ang muntikan pa niyang paggahasa..." natigilan ang doctor dahil sa sorpresa sa mga mukha ng kaharap.

"A-a-nong i-i-big niyong... sabihin?" tanong ni Quinn.

"Ayon sa mga pasa sa kanyang katawan ay maaaring may nagtangkang mang rape sa patiente. Pero rest assured ay hindi nakuha ng mga ito ang pagkababae ng anak ninyo. Yon lang po at maari ho kayong magpahinga muna at bukas pa ninyo makikita ang patiente."

Automatikong hinawakan ni Milagros ang braso ng asawa na aakmang aalis sana.

"Enrique wag. Tama na sa aking malaman na nasa maayos na kalagayan na si Alyna. Dito ka lang, please." Pagmamakaawa ni Milagros sa asawa na parang papatay na talaga sa galit.

"Ako ho ang dapat na sisihin sa nangyari." Umiiyak na sagot ni Quinn.

"Kung hindi ko siya pinilit na magtransfer sa school naming siguro ngayon kumakain na kami ng spaghetti na gawa mo Mama at nagtatawanan pa." napaluhod si Quinn sa harap ng mga magulang ni Alyna na pilit naman siyang pinapatayo ng mga ito.

"Hindi mo iyon kasalanan Quinn. Tumayo ka na diyan, ano ba?!" nakangiting umiiyak na sabi ni Milagros sa dalaga.

Pinapatayo siya ni Enrique pero parang naging jelly ang tuhod niya at hindi siya makatayo hanggang nawalan na siya ng malay.

Walang nakapansin sa pag-alis ni Cedric sa ospital.

"Nahanap niyo na sila? Good. Hintayin niyo ko diyan." Malamig na tugon nito sa kausap at ini-off na ang cp nito.

Ang kausap nito ay walang iba kundi ang war freak / one woman man nitong kaibigan sa labas na si DJ Pascual.

 PROFILE

 NAME: DANIEL JUAQUIN MONTAÑO PASCUAL

 AGE: 20 YEARS OLD

 STATUS: MARRIED AT THE AGE OF 16

 OCCUPATION: HIGH SCHOOL GANGSTER slash ENTERPRENEUR

 Si DJ ay naging kaibigan ni Cedric dalawang taon na ang nakakaraan ng tinulungan siya nito sa mga lalaking nambugbug sa kanya. Sa kanya rin natuto ng martial arts si Cedric. Walang alam si Quinn tungkol kay DJ at hindi pa rin niya ito nakikita. Si Cedric ang naghatid sa asawa nito nung nasabit siya sa isang away at  manganganak na ang kanyang asawa at mula noon ay naging matibay pa sa bato ang kanilang pagkakaibigan.

Ang mga galamay ni DJ ang naghanap sa mga lalaking nambastos ni Alyna at hindi pipigilan ni DJ si Cedric sa kung anong plano niya sa tatlo na ngayon ay nakagapos ng patiwarik at tumutulo na ang mga dugo dahil sa suntok ng mga galamay ni DJ. At ang hinihintay na lang ay ang magpapasya sa buhay nila.

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon